15

7.3K 254 8
                                    

Chapter 15

Kyle's POV

"Are you okay?" Tanong ko kay Paul. Ayon naglalakad pa rin kami papauwi sa office ng club. Kanina pa kasi siyang walang imik eh baka may problema.

"Okay lang. May iniisip lang ako." Sagot niya.

"Are you sure? Are you hungry? I can get you some foods to eat."

"No I'm fine, marami lang talaga akong iniisip ngayon." Tumango nalang ako. Paano ba 'yan? I can't force him to spill the problem, I think I should go, mukhang kailangan niyang mapagisa.

"Wait, are you going somewhere?" Tanong niya.

"Sino? Ako? Of course not." Nagulat nalang ako sa mga katagang lumabas sa bibig ko. What's wrong with me? Mukhang kanina pa ako nagkakamali ng ganito. What's wrong with my mouth? Damn!

"Kung ganon samahan mo nalang ako dito sa office. You can't say no 'cause that is an order from the club president."

"Okay fine, fine. Basta 'wag mo lang akong utusan ng kahit ano ah." Sabi ko.

"Okay ka lang?" Tumingin sa akin si Paul. Nasa office kami ngayon at habang inaayos ko yung mga articles na nagkalat sa table napansin kong malalim ang iniisip ni Paul habang nakaharap sa news paper. Nakakapagtaka, iniisip niya pa rin ba yung nangyari kanina sa office ni Ada? At sino naman si Mico? Hays feeling ko napakapakialamero ko na sa lagay na ito.

"Huh?" Halatang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Ang tanong ko, okay ka lang ba? Para kasing may malalim kang iniisip diyan." Sabi ko. He placed the newspaper back to its place and looked at me.

"It's about Ada." Sabi niya. Tumayo ako at lumapit kay Paul para marinig ang mga susunod niyang sasabihin.

"What about her?"

"Ada is my sister."

"Ah kaya pala." Sabi ko. Kaya pala hindi sila pormal makipag-usap sa isa't-isa. Imagine, dapat pinu-po at opo yung mas nakakatanda tapos I think she is a staff in this school tapos hindi niya pinu-po.

"And she has a problem. A personal and a family problem." Dagdag niya.

"Oh? Ganon ba? It's okay kung hindi mo sasabihin saakin, family problem kasi 'yan. Labas na ako sa mga ganyang bagay." Sabi ko. Kahit na kating-kati na akong sabihin sakanya na gusto kong malaman every detail pero baka kasi ayaw niyang sabihin saakin. Baka magalit pa siya saakin.

"I know, maybe someday I will tell you about it." I smiled at him. Feeling ko kasi okay na siya. Okay na ba? Baka feeling ko lang? Tss ang hirap kapag hindi mo nababasa ang iniisip ng ibang tao.

"Pero sino si Mico?" Dang this mouth! Tinakpan ko kaagad ang bibig ko nang mabitawan ko ang tanong na 'yon.

"You're a smart guy Kyle. But no, I can't tell you." Sabi niya. Oh? Sayang effort 'no? Tsk.

"Okay." I sighed because of boredom.

"Gusto mong kumain?"

"Ayoko. Baka tumaba ako." Sabi ko. Totoo 'yon, like this past few days wala na akong ibang ginawa kundi kumain. Ka galing!

"Hahaha you look cute when you're fat."

"What? Anong cute? I'll look like a pig. I am happy with my body figure." Though I don't play any sports I still don't get fat. I don't know why. Nagse-stress eating ata ako dahil sa daming gawain sa school.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon