11

7.2K 258 2
                                    

Chapter 11

Note: New point of view.

Karl's POV

"Bakit ngayon ka lang?" Bumungad saakin ang naiiritang mukha ni Jake.

"LQ?" Siniko ko ang katabi ko at binulong ang letrang lq.

"Don't know." Sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalaro sa kanyang cellphone.

"Natagalan ka ba sa dalawang 'yon?" Lumapit saamin si Edward dala-dala ang isang lata ng beer.

"Ang aga nating naglalasing bro ah." Sabi ko.

"Who are you talking about? Sino yung dalawa?" Umayos ng upo si Jake at humarap saamin. Nasa club office kami ngayon, katatapos lang nilang mag meeting at since late ako hindi ako nakasali.

"Hindi naman 'to nakakalasing." Sabi ni Edward at bumalik sa kusina.

"Sobrang taas na ng alcohol tolerance ni Edward. Tsk masama 'to, talo tayo kapag nagyaya 'yon tsk." Sabi ko.

"I'm asking you. Bakit late ka? Sinong inatupag mo sa gym? Tsk." Ayan na si Jake, ibinabato na niya saakin ang mga tingin niya.

"Chill lang bro." Itinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Where have you been?" Teka lang, nag away ba sila ng jowa niya? Bad mood na bad mood ang kaibigan ko eh, akala mo naman may dalaw.

"Doon sa gym kausap si Ky--" Napahinto ako nang maalala ko ang pakiusap ni Kyle saakin na huwag mo raw sabihin kay Jake na nandito siya sa campus.

"Sino?" Ayan na yung kaliwang kilay ni Jake tumataas na.

"Ni Kylie. Oo si Kylie 'yon!" Sabi ko.

"Kylie?" Ayan nakalusot na ako, sana naman tumalab ang charm ko, napakagwapo ko pa naman.

"Oo si Kylie, yung fan ko na freshmen. Shit bro ang ganda at sexy pa!" Sabi ko. I know kung nakatayo siya at malapit saakin matagal na niya akong binatukan.

"Anong sexy? Manyak ka talaga kahit kailan. Tsk." Yes nakalusot ako! Buti nalang at tumalab ang charm ko. Pero sa tingin ko badtrip pa rin siya.

"Teka bro, ano bang problema? You look so gloomy today." Tanong ko. This time ako na mismo ang lumapit sakanya at umupo malapit sa table niya.

"Wala. Pagod lang ako." Sabi niya at hinimas-himas pa niya ang ulo niya.

"Gusto mo imassage kita?" Biro ko.

"Gago ka. 'Wag mo akong pagtripan kapag ikaw nagkaganito I won't help you." Sabi niya.

"Sabi ko nga tatahimik na ako." How about sabihin ko sakanya na nandito si Kyle sa campus? Tsk. It's not a good idea.

"Have you seen Kyle lately?" Tanong ko.

"Tsk." Bad idea ngang banggitin ang pangalan ni Kyle sa harapan niya. Imbes na sumaya eh mas lalo pa ata siyang nabadtrip sa sinabi ko.

"What's with that face Mr. Ferrer?" Pagbibiro ko ulit sakanya. Sobrang hirap niya talagang patawanin lalo 'pag ganito ang mood niya. It seems like you're making a girl with her menstruation period smile.

"Hays." Pareho kaming tumingin sa cellphone niya nang mag ring ito bigla. Tumatawag ang kapatid niya.

"Jessa." Sabi ko. Maganda kasi'tong kapatid na babae ni Jake, makinis at maputi at higit sa lahat crush na crush ko. Haha inirapan ako ni Jake bago niya sinagot ang tawag, pinagbantaan pa ako sa tingin ng gago.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon