38

4.6K 169 8
                                    

Chapter 38

Chloe's POV

"So who could be the person behind all of these?" I asked.

Nang malaman ng parents ni Kyle ang nangyari agad silang kumuha ng private investigators and search group upang hanapin si Kyle.

"We can't just sit here and wait for something to happen!" Sabi ni Karl. We're here at my house, fortunately napilit kong sumama si Karl at Jeff saakin but hindi kasama si Jake dahil umalis siya agad. I don't know about his plans and I have no clue of whatever he thinks right now. What I know for sure is he's goddamn angry and I can't imagine what will happen to the group of people na gumawa non kay Kyle if Jake finds out their identities. Such heartless people.

"May kilala ba kayo na may galit kay Kyle?" Karl asked us.

"Impossible na man na meron, mabait si Kyle and I don't think anyone would hate him." Sagot ni Jeff.

"Anyone but Jake. He bullied my friend a lot." I stated. Oo. Sa sinabi ni Karl isa lang ang pumasok sa isip ko and that was Jake Ferrer. Siya lang yung nagiisang kagalit ni Kyle and siya lang ang kinaiinisan ni Kyle sa campus.

"Mas lalong hindi ako naniniwala sa sinasabi mo." Ani Karl.

"Bakit naman hindi si Jake? Aminin man natin o sa hindi alam ninyo kung ano ang nangyayari sa pagitan ng dalawang 'yon. They can't stand each other. May-iba pa ba?" Sagot ko.

"Alam ko. Pero hindi mo ba nakita ang reaksyon ni Jake kanina? Galit siya! Galit siya sa mga gumawa non kay Kyle. Paano mo—"

"Maybe that's just part of his plan. Mag act as if hindi niya kasalanan ang lahat." Binara ni Jeff si Karl. The atmosphere is getting serious.

"So this is what it's all about huh? Idinidiin niyo kay Jake ang nangyari? How could you!" Tumayo si Karl.

"Prospect. Hindi namin siya idinidiin. At totoo naman ah, Jake Ferrer is a bully. Hindi sila nagkakasundo ni Kyle and alam ko kung paano siya sinasagot ni Kyle. Hindi pa ba sapat 'yan para gawin ni Jake kay Kyle ang nakita natin?"

"Tangina naman! Ano ba kayo? Ano bang ginawa ni Jake sainyo? Bakit parang kasalanan niya lahat?"

"Marami! Marami siyang kasalanan saakin at kay Kyle." Sigaw ni Jeff.

"Jeff, please." Hinawakan ko si Jeff.

"Don't act as if hindi ko alam kung anong pinagsasabi niyo. And about what happened years ago, I know it all. I was there with Kyle and Jake." Na shock ako sa narinig ko. So alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa?

"Oh really?" I stood up.

"And about Jake bullying Kyle months ago. Hindi niya intensyon na gawin 'yon, hindi niya alam na si Kyle yung Kyle na kilala niya nung high school. Nakiusap si Kyle saakin na huwag ipaalam ang real identity niya kay Jake. I don't know about his plans pero I'm sure he's checking whether or not nagbago na si Jake."

"But he still bullied my friend. Hindi siya nagbago."

"That's what you think. Nagbago na si Jake. He found out na Kyle is De Panda and he was supposed to tell him the truth today pagkatapos ng pageant and this is what happened. Don't judge Jake because of what he did before. Nagsisi siya, binayaran niya lahat ng kasalanan niya at nagdusa siya sa mga taon na hindi niya nasabi kay Kyle ang tunay niyang nararamdaman. He loves Kyle more than anything. Kung alam niyo lang, he has sacrificed a lot for Kyle."

"And you think Kyle didn't sacrifice a lot? Dahil sa gagong 'yon binalewala niya ang nararamdaman ko! Na trauma si Kyle sa nangyari, I was there to help him heal pero si Jake pa rin ang hinahanap niya."

"Don't blame Jake for that. Blame yourself. Mahal pa ni Kyle si Jake and you can't change that. 'Wag mong isisi kay Jake ang nangyari just because binasted ka ni Kyle. 'Wag mong pag-initan si Jake, if I know ikaw ang gumawa non kay Kyle 'wag kang mambintang!"

"Stop! Wala nang patutunguhan ang pag-uusap na 'to!"

"Anong sabi mo!" Susugurin na sana ni Jeff si Karl buti nalang nahila ko si Jeff agad.

"Watch your mouth bastard!" Sigaw ni Jeff.

"Stop. Please! 'Wag na tayong mag-away. Hindi masosolve ang problema kung nag-aaway tayo! Please stop!" Inawat ko silang dalawa.

"Gilbert." Bulong ni Jeff.

"Gilbert? Bakit mo kilala si Gilbert?" Asked Karl.

"Who's Gilbert?" Tanong ko.

"Pinsan ko siya."

"Pinsan mo si Gilbert?" Kita ko ang gulat na mukha ni Karl.

"Bakit ba? Sino ba yang Gilbert na 'yan?" Nakakainis na ah hindi ako makasabay sakanila kasi hindi ko naman alam kung sino yang pinag-uusapan nila.

"So alam mo? Alam mo na magkaibigan si Jake at si Gilbert noon?" Tanong ni Karl.

"Nalaman ko lang recently kasi siya ang nagsabi saakin. Kilala niya si Ferrer." Sagot ni Jeff.

"Sino ba yang Gilbert na 'yan at anong kinalaman niya dito?"

"Si Gilbert at ang grupo niya ang nagpabugbog kay Kyle noon, binugbog nila din si Jake." Sabi ni Karl. What the hell? Akala ko ba si Jake ang may kasalanan? All this time akala ko si Jake ang nagpabugbog kay Kyle pero hindi pala.

"Anong ibig mong sabihin?" Parang naguguluhan pa rin si Jeff sa mga nalaman niya.

"Sobrang close si Jake at Gilbert noon halos sila palagi yung magkasama sa grupo nila but everything changed nang malaman ni Gilbert na may nagpapadala ng letter kay Jake. That time naguguluhan na si Jake sa nararamdaman niya towards Kyle at naging malayo na ang loob niya sa barkada niya. When Gilbert found out na si Kyle yung nagpapadala ng sulat kay Jake saka nya ito ipinabugbog. Months after umalis si Kyle sa school namin saka pa nalaman ni Jake na si Gilbert ang may kasalanan ng lahat. Unfortunately naunahan siya ng grupo ni Gilbert. Nung panahong 'yon it was just me who cheered Jake and I'm the only one who knows his struggles. Naconfined siya sa hospital for 2 weeks dahil sa mga pasa, sugat at fractured bones niya dahil sakanila ni Gilbert."

"Hindi ko alam, hindi ko alam na ganon si Gilbert."

"It's the other side of the story. Ibang-iba ang nalaman ko mula kay Kyle. I thought walang pakialam si Jake Ferrer kay Kyle and all this time mahal niya pala si Kyle." Naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi si Jake yung sinuportahan ko? Kung alam ko lang na genuine love ang nararamdaman niya kay Kyle edi sana hindi na umabot sa ganito.

"Sabi ni Gilbert na babawi daw siya."

"Babawi siya? Kanino? Kay Kyle?" Tanong ko.

"Probably, hindi ko sinabi kay Gilbert kung sino yung nagbasted saakin but he said he has sources and he will find the truth easily. I think may kinalaman si Gilbert sa lahat ng ito."

"Are you sure about that?" Hindi kami sigurado sa mga nangyayari.

"May kutob ako. We'll know it later." Kinuha ni Jeff ang cellphone niya.

"Sinong tatawagan mo?" I asked Jeff.

"Si Gilbert."



-

a/n: OMG! How I wish I have a friend like Karl. Sana all. Comments! Wait for the next update. Thank you for reading!

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon