27

6.3K 249 32
                                    


Chapter 27

Kyle's POV

"Seriously? Sinabi niya 'yon?"

"Oo kaya nga ako kinakabahan eh, what if masira yung relationship namin dahil lang dun? Tsk. Ayokong mawala yung pagkakaibigan namin. He's like a brother to me." Umayos nang upo si Chloe at humarap saakin. Nandito siya ngayon sa dorm ko dahil nagpapatulong siya sa essay niya.

"Ang problema kasi sayo finifriendzoned mo lahat ng manliligaw mo."

"Anong lahat ng manliligaw? Hello si Jeff lang kaya ang naghahabol saakin. Ewan ko ba kung anong nakita niya saakin eh madami namang babae diyan na magaganda. Sa gwapo niyang 'yon madali siyang makakahanap."

"Eh gwapo naman pala bakit 'di mo sagutin? Alam mo maswerte ka na nga kay Jeff eh. Gwapo, matalino atsaka mabait. Ano pa bang hinahanap mo? Sobrang picky mo naman friend ang ganda mo kasi." Inirapan ko lang siya. Talaga bang true friend ko si Chloe? Tsk.

"Ah basta hindi mo ako naiintindihan." Umiling ako.

"Kaya nga ipaintindi mo saakin diba?"

"Change topic na nga, ayokong pagusapan ang mga ganyan." Tumayo ako at kumuha ng tubig, parang nauhaw ako bigla.

"Ano namang paguusapan natin?" Yung mga bagay na hindi natin pinaguusapan. Para naman maiba.

"Nakita mo ba si Jake lately?"

"Ayan tayo eh. Kaya pala hindi niya pinapansin si Jeff kasi nasa kaniyang puso na si Mr. Ferrer. Sus."

"Hindi ba pwedeng magtanong? Porket nagtanong lang ako about sakanya ibig sabihin mahal ko na siya? Ganon? Hustisya po." Ipinakita ko sakanya ang essay na ipinapagawa niya.

"Hindi naman sa ganon bestfriend. Yung saakin lang naman 'wag ka na dun sa lalaking 'yon, diba ayaw mo naman sakanya in the first place? Doon ka nalang kay Jeff. Mamahalin ka non." Nagbago ata ang tono ng pananalita niya nang makita ang essay na ginawa ko.

"Madali akong kausap Chloe. Nagtatanong lang naman ako, hindi ko na kasi siya nakikita sa campus, alam mo na, naninibago lang ako because before palagi kaming nagkikita sa daan na sobrang nakakainis."

"Meaning? Namimiss mo yung mga times na nakikita mo siya at na bwebwesit ka sa pagmumukha niya? Akala ko ba ayaw mo siyang makita Kyle? Bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin? Is this what they call love?" Inirapan ko lang si Chloe. Nonsense.

"Do we need to relate everything we feel with love? Hello? I guess it's normal. Para kasing nasanay na ako, it became my habit na mainis everytime I see him so ano bang aasahan ko? And obviously this isn't love."

"Whatever bestfriend. Alam mo mukhang stressed ka lang sa lahat ng ginagawa mo nowadays kaya ka nagiisip ng mga ganyan. Mamasyal ka kaya? Or magwalwal para mawala yung stress sa katawan mo." Suggest niya.

"Really? Walwal talaga? It's not a good idea and it isn't an option. Stress reliever ko ang pagaaral so 'yon nalang siguro ang gagawin ko."

"Try mo kasi. Na try ko na 'yan the other week kasi na stressed kami sa lahat ng gawain so we had a party night and it was amazing!"

"Bad influence! Don't expect me to do that Chloe. And 'wag mo na ulit uulitin 'yon my god what if may nangyaring masama sayo sa bar? Babae ka pa naman." Kailan ba natuto si Chloe na mag walwal? Dito lang ata. She's a goddamn princess and bantay sirado siya ng mga guards nila nung high school kaya hindi siya nakakalabas ng bahay so tendency, yung mga past relationships niya was all virtual, sa chat, no personal bonding ganon.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon