09

7.6K 258 7
                                    

Chapter 9

Kyle's POV

"Teka? Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo?" Tumango lang ako sa tanong ni Luke.

"Sigurado ka na ba?"

"Ano pa bang klaseng assurance ang kailangan mo? Sinabi ko na sayo na gusto kong matuto at gusto kong sumali sa basketball club." Ito na ata ang panglimang beses na sinabi ko ito sakanya.

"Hmm. Ano bang nakain mo? Nakakain kaba ng panis na pagkain? Ano yung ininom mung pink kanina, maasim na yung lasa?" Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kahit nga ako eh, nadala ata ako sa galit ko kanina kaya nasabi ko 'yon. Pero there's no harm in trying diba? What if magaling talaga akong maglaro ng basketball? Malay mo magaling talaga ako but I haven't realize my potentials yet.

"Pero kasi diba si Jake yung team captain ng club?" Kaya nga mas lalo akong ginanahan na maglaro diba? I want to show him na may talent din ako kahit na pandak ako sa paningin niya. Normal ang height ko sa age sadyang matangkad lang talaga siya. Para na rin tumigil siya sa pambibwesit niya saakin.

"So? I don't care." Sagot ko.

"Luh nakakapagtaka naman. Noon sabi mo ayaw mong sumali dun kasi nandoon si Jake tapos hindi ka sporty type na tao tapos ngayon bigla kang naging eager na sumali sa club. Hmm."

"Ayoko kasing minamaliit ako." Sabi ko. Nakakainis bumabalik na naman yung nangyari kanina, napakasarap niyang sapakin. Ngayon lang ako nagsisisi kung bakit medicine ang kinuha ko, nandito pala ang langyang 'yon. Tsk.

"Ayos ka lang? Sa tingin ko kasi parang sasapakin mo na ako sa kamay na 'yan eh." Napatingin ako sa kamay ko na sakto namang nakakuyom habang nakapatong sa lamesa.

"'Wag ka nalang kasing magtanong pa. Ano? Tuturuan mo ba ako o hindi?"

"Sige tuturuan kita. Ano pa bang magagawa ko diba? Pero sa isang kondisyon." Tumingin ako sakanya.

"Ano naman?"

"Ikaw gumawa ng report ko for next week. At you'll be my tutor for the whole month. Deal?" Inabot niya saakin ang kamay niya.

"Deal." Saka ako nakipagshake ng kamay sakanya. Kala ko naman kung ano ang kondisyon niya.

-


"'Wag mong kalimutan ang nireview natin ngayon ah? At basahin mo ulit ang report mo para mafamiliarize mo pa." Sabi ko at niligpit ko ang gamit ko. Nasa kwarto ako ngayon ni Luke at tinuruan siya sa report niya. Gaya nga ng napagkasunduan namin, ginawa ko ang report niya at tinuruan ko siya sa report niya. Bukas ang start ng training namin at tinanong ko naman siya about sa background niya sa basketball at ang sabi niya varsity siya nung high school pero ang ipinagtataka ko kung bakit hindi siya nag try-out noon sa club.

"Sige. Mauna na ako, gabi na rin atsaka maaga pa tayo bukas." Sabi ko at tumayo.

"Teka. May ibibigay ako sayo." Tumayo siya bigla at tumakbo papunta sa refrigerator niya. May kinuha siya doon.

"Oh sayo na 'to. Kainin mo 'yan ha ako mismo ang gumawa niyan." Inabot niya saakin ang isang box na may lamang cupcake. Nakatali ang white at black na ribbon sa box kaya napangiti ako. Parang panda ang cute.

"Salamat." Sakto nagca-crave ako ng sweets ngayon kasi napagod ako.

"Thank you din." Sabi ni Luke.

"Sige mauna na ako. Bye." Lumabas na ako sa kwarto ni Luke at habang isinasara ko ang pinto may narinig akong naguusap kaya lumingon ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang ingay.

"Pakibigay nalang 'to kay Jane." Nakita ko si Jake na may kausap na senior hindi kalayuan sa room ni Luke.

"Oy! Freshman bakit hindi ka pa natutulog? Anong ginagawa mo diyan?" Parang nanginig yung paa ko nang sumigaw yung senior at tinuro ang direksyon ko. Tumingin din saakin si Jake.

"Pabalik na rin po ako sa room ko." Sagot ko. May binulong si Jake sa senior at mukhang nagtatanong siya kasi sinagot naman siya nito. Napatingin si Jake sa maliit na box na dala ko hudyat para maglakad ako pabalik sa room ko. Baka laitin na naman niya ang dala kong cupcake mayabang pa naman 'yon.

"Nakakapagod!" Inilapag ko ang libro sa lamesa at inilagay ko ang cupcake sa ref. Bukas ko nalang 'yon kakainin mas gusto kong magpahinga ngayon at matulog ng maaga.

"May mga seniors rin pala na nakatira dito sa building na 'to?" Tanong ko sa sarili. Akala ko kasi puros freshman at sophomores ang nakatira dito wala pa rin pala kaming takas mula sa mga seniors na 'yon. Tsk. Biglang tumunog ang cellphone ko habang nakahiga ako kaya inabot ko ito sa side table. Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

"Hello?"

(Babe?)

"Babe?!" Nagulat ako sa babe kaya napasigaw ako. Tinignan ko agad ang caller's ID pero unregistered digits ito.

(Relax lang. Si Jeff ito haha.)

"Gago tigilan mo nga ako sa babe-babe na 'yan." Saway ko sakanya.

(Ito naman.)

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko.

(Bakit hindi pwedeng tumawag?)

"Nagtatanong nga ako kung bakit kasi gabi na kaya at pagod ako kaya gusto ko nang matulog."

(Hmm. Natanggap mo ba yung binigay ko?)

"Ah oo nga pala. Natanggap ko. Salamat ha, ang cute ng stuff toy nagustuhan ko kasi panda."

(Talaga? Yey nagustuhan mo. Next time bibilhan kita ng totoong panda at ipapadala ko rin diyan sa school niyo. Haha)

"Baliw! No pets allowed dito. 'Wag kang ano haha!" Napangiti naman ako sa sinabi niya.

(By the way, saan ka ba galing at bakit pagod na pagod ka?)

"Ah galing ako sa room ni Luke. May ginawa kasi kami."

(What the?! Sinong Luke? Anong ginawa niyo?! Pota sinuko mo na yung bataan?!)

"Baliw ka! Anong pinagsasabi mong bataan?! Kaibigan ko si Luke! At nagkaroon kami ng group study sa room niya. Shunga ka kung ano-ano ang pinagiisip mo diyan."

(Goodness akala ko kung ano ang ginawa niyo. Tsk.) Natatawa ako sa reaksyon niya haha

"Sige na matutulog na ako. Maaga pa ako bukas. Salamat sa stuff toy ha. I really appreciate it. Good night, ingat ka lagi." Sabi ko at pinatay ko na ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone ko sa side table at humiga ulit. This time tumunog na naman yung phone ko.

"Tsk. Ano ba 'to si Jeff sabi ng matutulog na ako eh!" Tinigna ko ang caller's ID at unregistered digits na naman ito.

"Tsk. Ang dami niyang number nakakainis! Bahala na nga siya diyan inaantok na ako." 

Humiga ako pinatay ang lamp shade. Pagbubutihan ko ang pagpapractice para matuto ako agad at para maipakita ko kay Jake na hindi ako kagaya ng iniisip niya. I want to be better than the ME before.

- -

End of the ninth Chapter.

a/n: Thank you forreading! I hope you liked it. Leave some comments and don't forget to hit thelike button. You may visit my profile for more stories from Chabbi. Thank you! 

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon