13

7.5K 252 11
                                    

Chapter 13

Kyle's POV

The practice was so tiring yet worth it. Akalain mo, first time kong nalaman na maganda pala at masayang maglaro ng basketball nakakapanghinayang nga lang kasi I wasn't able to play it before. Nahiya pa nga ako kay Luke eh, I told him that I don't like basketball pero nang makapaglaro ako it turned out to be one of my favorite sport. 

"Here's your order sir." Napatingin ako sa waiter habang inilalapag niya ang mga pakain sa lamesa. 

"Thank you." Sabi ko.

"Ayos ah." Sabi ni Luke habang abot tenga ang ngiti. 

"Sigurado ka bang mauubos mo lahat ito?" Tanong ko. 

"Sabi mo kasi na libre mo 'to so sinulit ko na, at sino namang tao ang hindi mapapagod at magugutom sa ginawa natin kanina? Haha!" Nanlaki ang mata ko nang lakasan niya ang boses niya kaya naman napatingin ang ibang mga kumakain saamin. 

"What's wrong with you? Alam mo bang nasa restaurant tayo? Gago ka ba? Baka anong isipin ng mga 'yan saatin." Bulong ko. 

"Hayaan mo sila. I'm hungry." Sabi niya.

"Oh sige, kumain kana." Sabi ko. 

Niyaya ko kasi siyang mag dinner sa restaurant malapit sa campus dahil sa nakakapagod naming practice na akala mo naman na sasali na sa liga pero mag ta-try out pa pala. Haha. Nakakatuwa habang pinagmamasdan ko si Luke na parang batang kumakain, walang pakialam sa nasa paligid niya kasi nga raw nagugutom na siya. 

Biglang nag ring ang phone ko kaya napahinto ako sa pagkain at sinagot ito. 

"Hello?" 

(Kyle? Nasaan ka ngayon?) A guy answered. Unregistered number na naman. Ano bang klaseng sim card 'to? Kung sino-sino nalang ang tumatawag ah! Kainis!

"Sino 'to?" Tanong ko.

(Si Karl 'to. Ano na? Nasa campus ka ba ngayon?) Tanong niya.

"Karl? Ikaw pala. Wala ako sa campus ngayon." Sagot ko. 

(Oh? Edi nasaan ka?)

"Nasa restaurant malapit sa school. Kasama ko si Luke." Sabi ko.

(Si Luke? Ah yung kasama mo sa practice! We need to talk.) 

"About what?"

(Basta! Kailangan nating mag-usap it's very important.) 

"Oo na po. Bukas, itetext nalang kita." Sabi ko. Napatingin ako kay Luke na saktong namang nakikinig sa sinasabi ko. 

(What? Bukas pa? Hindi ba pwedeng ngayon na lang?) 

"No. Busy ako at pagod ako galing sa practice, and I don't know what time akong matatapos dito." I rolled my eyes at Luke. Sobrang dami kasi niyang inorder sasabog tiyan niya nito. Tsk. 

(Ganon ba? Sige sige.) Sabi niya.

"Teka? Nasaan ka ba ngayon? Bakit parang pati ikaw pagod na pagod din?" Tanong ko. 

(Nasa labas ng bar. Buhat-buhat si bossing---shino va ya--ayan na sige. I'll talk to you tomorrow. Okay? Ingat ka.) Sabi niya at binaba ang tawag. 

Teka? Si Jake ba yung nagsalita kanina na parang lasing? Tsk. Anong pakialam ko sa hambog na'yon? 

"Oh? Bakit pantay na naman yang kilay mo diyan?" Tanong ni Luke. 

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon