37

4.1K 166 8
                                    

Chapter 37 

Chloe's POV

"Uhm excuse me? Sino namang nag sabi sayo na talunan ako? Hoy for your fucking information I—" I stopped when someone opened the door. The girl in front of me, the self-proclaimed na fan daw siya ni Kyle, step backward and away from me.

"Where's Kyle?" Nagulat ako nang makita ko si Jeff dala-dala ang isang bouquet ng flowers. Alam kong hindi para saakin 'yon but for Kyle. Pero ang shit lang isipin na ipinagpalit ni Kyle si Jeff, si Jeff na ma-effort and consistent, para lang sa Jake na 'yon na walang ginawa kundi i-bully ang bestfriend ko. Hay nako nakakainit ng ulo.

"Jeff! You're here pala. I didn't see you kanina sa labas eh." Sabi ko sakanya.

"Where's Kyle?" Tanong niya ulit.

"Hay nako. Si Kyle, yung mahal mo, ay pumunta lang sa parking lot kasi parang may naiwan siya sa kotse ko." Sabi ko.

"Ah talaga? Sige pupuntahan ko lang siya."

"Wait! Pupuntahan mo si Kyle? Sasama nalang ako." Sabi ko sakanya. I rolled my eyes at the group na puno ng plastics and left them with winning smile. I won bitches!

"Malapit lang dito yung parking lot?" Tanong niya. Bubuksan na niya sana yung pintuan ng dressing room nang bilang...

"Actually malapi—" Para kaming naistatwa doon nang biglang may pumasok sa loob ng dressing room. Malakas yung pagkakatulak niya sa door kaya tumunog ito.

"Kyle..." Kumunot ang noo ni Jeff. Seloso as always, akala ko ba nagmo-move on na 'tong mokong na ito?

"Kyle." Sabi niya. Alam ko na! Ngayon naalala ko na kung sino siya, siya si Karl ang kabigan ni Kyle. Nakita ko kasi silang nag practice ng baskeball kaya naman namumukhaan ko siya.

"What about him?" Tanong ni Jeff.

"Kyle is missing."

"WHAT?!" Sabay-sabay kaming sumigaw ni Jeff. What does he mean na nawaawala si Kyle?

"Pwede ba? Huwag mo kaming biruin. Alam namin na nasa parking lot siya dahil may kinuha siya." Sabi ko sakanya. But my heart is beating so fast.

"It's true. Itong handkerchief at car key lang nag nakita ko sa sahig." Saka na ako nanginig. Fuck it! What the hell happened to Kyle? Anong ibig sabihin nito? Nawawala siya? Wala man lang nakakita sa pangyayari at tumulong?

"Nakita ko kasi siya naglalakad mag-isa kaya sinundan ko. Kaso nawala siya sa paningin ko at nang mapagtanto ko na papunta siya sa parking lot saka ko siya sinundan at ito yung nakita ko sa parking lot. Car key at handkerchief."  Ipinakita niya sa akin ang susi ko at panyo ni Kyle.

"Kay Kyle ang handkerchief na 'yan." Sabi ko.

"Try to call him." Utos saakin ni Jeff.

"Bakit hindi ikaw yung tumawag?" Tanong ko kay Jeff.

"I don't think sasagot siya saakin." Sabi niya.

"Hay nako!" Kinuha ko yung phone ko atsaka ko dinial ang number ni Kyle. Pero hindi siya sumasagot.

"Are you sure nawawala siya?" I asked Karl.

"Hindi nga rin ako sure eh bu—" Biglang nag ring ang phone niya.

"Patay." Sinagot niya ito.

"Hello bossing? Opo—wait, kasi si—Kyle. Yup. I don't—Kyle is missing." Natataranta si Karl. Sino ba yang kausap niya?

"What the hell is happening here?!" Napatalon sa lakas ng pagslam ng door.

"What the!" Nagulat ako nang pumasok so Jake. Mukhang nag marathon dahil basa ang damit niya dahil sa pawis.

"Ah boss kasi—" Nauutal si Karl.

"What do you mean na nawawala si Kyle?! Anong klaseng joke 'yan?" I can see the anger in Jake's eyes. Is he really sincere about his feelings towards my friend? Am I giving him the chance of hurting Kyle again.

"You're friend found Kyle's handkerchief and Chloe's key car in the parking lot. Hindi niya nakita si Kyle don." Jeff said. Hindi man lang niya tinignan si Jake.

"We'll know if what you're saying is true. Let's go to the admin's office. Let's check the CCTV footage. I'm sure may kuha sila kanina." Sabi ni Jake atsaka siya naglakad palabas.

Ang bilis ng mga pangyayari, halos kanina nagtatawanan lang kami ni Kyle tapos ngayon nawawala na siya.

Agad kaming pumasok sa office. Napansin ko ang pagkairita ni Jake nang kausapin niya ang office-in-charge ng admin.

"I wanted to see the CCTV recordings." Sabi niya.

"Uhm sir, hindi po pwede." Tumayo ang lalaki.

"It's important. Bilisan mo." Karl said. Alam kong nagpipigil lang si Jake sa emosyon niya pero kitang-kita ko ang nakakuyom niyang kamao.

"Sorry sir hindi po talaga pwede. Huminga na muna kayo ng permi—"

"IPAPAKITA MO SAAMIN O BABASAGIN KO YANG MUKHA MO?!" Hinila agad ni Karl at ni Jeff si Jake papalayo sa in-charge.

"Bro stop."

"Boss huminahon ka."

"Kuya please ipakita mo na saamin. My friend got kidnapped. Please po." I pleaded. Mukhang naawa yung in-charge at ipinakita niya saamin ang CCTV footage.

"Fuck." Bulong ni Jake.

"Kyle.." Naluha ako nang makita ko ang nangyari. Tatlong lalaki ang lumabas mula sa itim na van at dinala ang walang malay na si Kyle papasok sa loob. Kawawa naman ang kaibigan ko na walang kalaban-laban.

"Magbabayad kayo." Last thing I heard from Jake at saka siya nagmadaling lumabas ng office. My toes are shaking. Kyle, please be fine.

-

a/n: Any comments? Feel free to leave some! Follow me on instagram @chabbiiiii and please like my facebook page, Chabbi – MKNC. Thank you for reading!

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon