19

6.6K 230 5
                                    

Chapter 19

Kyle's POV

"That's all for today class. Please prepare for a chapter quiz next meeting. Have a good day!" Agad kong iniligpit ang gamit ko pagkalabas ng guro namin sa silid.

"Saan ka pupunta ngayon?" Tanong ni Luke.

"I don't know. Pupunta ata ako sa library para sa paper works and after babalik ako sa dorm. 3pm pa naman ang next class natin." Sabi ko.

"Ah." Tumango-tango siya. Teka, bakit parang good vibe ata 'tong Luke na 'to? Nakahithit ba siya ng ipinagbabawal na gamot?

"Ikaw? Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Lalabas ako ng campus. May bibilhin ako sa mall." Tumango lang ako. Tumayo ako.

"Kyle."

"Oh?"

"Parang may naghahanap sayo." Tinuro niya ang direksyon sa pintuan kaya napatingin ako sa bandang 'yon.

"Sige Kyle. Mauna na ako, kitakits mayang 3 ah." Paalam ni Luke saka siya lumabas ng room.

"May kailangan ka?" Tanong ko. Ako nalang ang naiwan sa loob ng room ang mga kaklase ko kasi lumabas na.

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? Importante ba yung sasabihin mo? Sorry busy kasi ako." Sagot ko. Naglakad ako palabas ng room ngunit hinila niya ako pabalik sa loob at isinarado niya ang pinto.

"Ano bang ginagawa mo? Busy nga ako! Pwede ba?"

"Hindi kita papayagang lumabas unless you talk to me." Tinulak niya ako ng bahagya kaya napaupo ako sa seat malapit sa pinto.

"Ano bang dapat nating pagusapan Karl?"

"Galit ka ba saakin? Saamin ni Jake?" Umiwas ako ng tingin sakanya. Ayokong marinig ang pangalan na 'yan ngayon lalo na't hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ginawa niya saakin nung try-out.

"Alam mo kung ano ang sagot ko sa katanungang 'yan Karl. Please, palabasin mo na ako." Sabi ko.

"Tsk. No. Samahan mo ako."

"Saan na naman?" Nakakainis! Ayoko sa lahat yung inaabala ako kapag sobrang busy ako at halos hindi ko na nga mainsert yung lunch at breakfast ko tangina! School works lalo na ang paper works, kill me now.

"Basta. Gusto mo bang malaman kung anong naging resulta ng ginawa ni Jake sa try-out? Then come with me." May nangyari after ng try-out? Ano? Matutuwa ba ako o malulungkot? The hell! Bakit naman ako malulungkot diba? That devil should be punished.

"Fine." Lumabas kami ng classroom.

Ang sabi niya kakain daw kami sa labas ng campus kaya iniwan ko muna sa dorm ko ang mga gamit ko. The thing is I am in a hell kind of a week to the point na nagsisintambakan na lahat ng projects, group works, at outputs na kailangang ipasa sa deadline na kung kailan isang araw lang ang pagitan. Hindi naman talaga magiging ganito ang sitwasyon ko kung hindi lang ako nagpadala sa emosyon ko. Days after the try out hindi ako makapag-isip ng maayos at hindi ako makafocus sa class kahit na si Luke naworried din sa inasta ko. But now, I'm perfectly fine kaso ayon na nga nagtambakan na lahat ng gawain ko.

"Hay nako." I sighed. Nakakapagod na talaga.

"Ganyan talaga 'pag palapit na ang intrams. Bigay todo rin ang mga profs sa pagbigay ng gawain para daw hindi tayo mag cram after intrams." Nagmamaneho siya ngayon ng sasakyan niya. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon