08

7.7K 276 12
                                    

Chapter 8

Kyle's POV

"Okay class, let's call it a day." Sabi ng professor namin habang binubura ang mga nakasulat sa pisara.

"Thank you sir!"

"Sobrang hirap naman ng binigay niyang topic saakin para sa reporting." Sabi ni Luke habang kinakamot niya ang kaniyang ulo.

"Okay lang 'yan. Buti nga sayo simple lang at wala masyadong complex explanation." Sagot ko naman. Kinuha ko ang gamit ko sa arm chair at ibinalik ito sa bag.

"Easy for you dahil matalino ka. Tsk." Sagot naman ni Luke atsaka ipinatong ang ulo niya sa arm chair.

"Nako, kung ako sayo magsisimula na akong mag search ng sub-topics." Napatingin naman kaming lahat sa pintuan nang may pumasok na senior.

"Tsk. Ayan na naman ang mga senior basketball players." Bulong ni Luke.

"Good morning everyone." Sabi nung senior sa harapan namin. Yup, I saw him the other day when I watched Chloe's try-out. At masasabi ko rin na ang isang ito ang pinakaclose kay Jake dahil parati silang magkasama. Like why am I talking about Jake? Tsk. 2 days na rin siyang hindi nagpaparamdam saakin, I mean hindi ko siya nakikita sa campus.

"Gusto ko lang na malaman ninyo na magkakaroon na naman ng basketball try-out for men sa biyernes." Sabi niya.

"But? Diba tapos na ang try-out ninyo? How about those who attended the try-out?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Honestly, wala kaming nagustuhan sa mga nagtry-out so we decided to have a second try-out for those who are intrested." Ano 'to? Kawawa naman yung mga ng try-out.

"Tsk. Why can't you accept them? Aren't they good players? And besides sa tingin ko naman madali silang turuan." Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako at nakatuon saakin ang atensyon ng lahat ng students. Sino namang magkakamaling sagutin ang isa sa mga masusungit na senior sa buong department.

"And also, I'm sure there is still a room for improvement." Dagdag ko.

"But why should we settle for less when we can have the best? I know na maraming mas magagaling na players dito na hindi nakahabol sa try-out." Sabi ng senior at nakapameywang pa habang nakatingin saakin.

"Tss." Tinignan ko lang siya ng taimtim.

"What's taking you so long?" Nagulat ako nang pumasok si Jake sa loob ng classroom na may mukhang naiirita at nababagot sa paghihintay.

"Ito kasing freshman na 'to. He keeps on asking questions." Bumalik naman ang atensyon ko sa kausap ko kanina.

"What's wrong? You have a problem with what he said?" Tsk. I really don't like the way he talks to me, hindi ko siya mabasa. Sometime he's nice to me but a lot of time he's rude and bad.

"No. Wala akong problema sa try-out ninyo. Tsk. I was asking him about the other students who attended the try-out. What will happen to them?"

"Tsk. Here's the thing, we are seeking for individuals who are good at a particular sport. Obviously, since you're a freshman hindi mo pa kabisado ang mga activities dito. But, I just want you to know na this is for our department so if you want us to win then don't butt in, mas mabuti pang tumahimik ka nalang. Ang problema kasi sayo sobrang maawain mo to the point na hindi mo namamalayan na naapektuhan na ang maraming tao, our deparment to be exact." What the f? Now he's being rude. Teka, hindi naman ako yung tipo ng taong naghahanap ng gulo diba? Bakit parang ang sarap niyang sapakin? Tsk.

Dream Guy (Boyxboy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon