Chapter 11: His Side.

22 2 0
                                    

FRANCIS' POV

Sobrang dami ng nangyari. Naging kami ni Lara tapos nagbreak kami ng isang iglap ng dahil sa isang babae. At alam kong kinamumuhian niyo na ako ngayon. Teka, bakit? Alam niyo na ba ang nangyari sa likod nun? Hindi niyo pa naman alam yung side ko diba? Hirap sainyo manghuhusga agad eh. 

Ikukwento ko sainyo ang mga nangyari noong gabing yon.

FLASHBACK~ 

Andito ako sa 7-11 ngayon. Umiinom lang ako ng slurpee. Wala e, ayoko pang umuwi. Tinatamad pa ko. Ang boring sa bahay. Nagulat lang ako na biglang may tumabi sakin, si Abigail lang pala. Hindi ko na lang sya pinansin at tila wala akong naramdaman na may tumabi sa akin.

"Francis? Andito ako no? Hellooooo? Pwede ba makiupo dito? As in dito sa tabi mo? Please." 

"Tsk. Nakaupo ka na ano pa bang magagawa ko." hindi ko pa rin siya nililingon at patuloy pa rin ako sa paghigop ng slurpee. 

"Gutom ka ba? Gusto mo subuan kita ng sisig na binili ko kanina?" hindi ko siya pinansin at pinatuloy pa rin ang paghigop sa slurpee. Alam kong nilalandi lang ako ng babaeng 'to. Kilalang-kilala ko na sya. Ganito ang style nyang makipaglandi, simula pa lang nung elementary kami. 

Habang umiinom, nagulat na lang ako at tinutukan nya ng patalim ang tagiliran ko. 

"Sumunod ka sa gagawin ko kung ayaw mong mapahamak." wala na kong nagawa. Konting galaw ko lang ay masasaksak na ko ng patalim sa aking tagiliran. Kaya sumunod nalang ako sa gusto niya. Wala namang masama kung susubuan niya ako diba? Pwera nalang kung andito si Lara.

"Hello Francis! At hello rin sa kasama mo! Answeet mo naman. Pwedeng ako rin subuan mo? Gutom kasi ako e. Maghapon akong naghihintay sayo. Akala ko pupunta ka pero hindi pala, may kasama kang iba" ayan na nga ang sinasabi ko. At dun na nagsimula gumuho ang mundo ko. 

END OF FLASHBACK~ 

Natapos ang araw na yun na hindi man nya ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Natapos ang araw na yun na umuwi si Abigail ng masaya dahil nagtagumpay siya sa plano niyang mapaghiwalay kami ni Lara. At natapos ang araw na yun na break na kami ni Lara. 

Andito ako ngayon sa tapat ng bahay nila. Oo tanggap ko na na ayaw niya na sakin at break na kami. Pero gusto ko lang naman mag-explain. Ayoko yung kamuhian niya ako. Sapat na sakin yung wala na kami at di niya ko bibigyan ng pag-asa, basta wag nya lang ako kamuhian. Kaya eto ako ngayon, hihingi ng patawad at mag-eexplain. Lulunukin ko nalang 'tong pride 'to, okay na. 

Eto na. Kumatok na ko sa gate nila. 

"Lara! Papasukin mo naman ako dito oh! Alam kong wala na akong pag-asa na magkabalikan pa tayo pero pwede bang mag-explain muna ako sayo? Lara!" 

Bigla namang bumukas ang gate. Hay salamat at hindi ako masyadong nahirapan. Pero bakit hindi si Lara ang andito sa harap ko? Bakit yung kapatid nya?

"Uhm, kuya. Kumakain po si ate ay este, umalis po e. Kung may sasabihin po kayo, sa akin na lang, tapos sasabihin ko po sa kanya kapag bumalik na po siya." sabi na eh. Alam kong hindi siya umalis at totoo ngang kumakain sya. Haha! Haaay..

"Ah ganun ba? Sige. Pabigay nalang sa kanya 'tong papel. Sabihin mo basahin nya ha. Salamat."

"Okay po kuyaaaa! ^___^" tas biglang dinukot nya sakin as in dinukot hindi kinuha! Tas sinarado ng sobrang lakas yung gate.

"Anung problema nun? Haaay." at umalis na ko sa tapat ng bahay nila.

LARA'S POV 

Lara, alam kong may posibilidad na tinapon mo na 'to ngayon at hindi babasahin kasi galing nga sa akin. Pero alam kong may konting posibilidad na basahin mo 'to ngayon. Lara, gusto ko lang linawin ang lahat sayo. Dahil hindi mo ko binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, eto magpapaliwanag na ko. Ayaw ko lang naman kasi kamuhian mo ko sa nangyari satin dati kaya ginawa ko 'to eh. Pero hay, anu ba yan andaming satsat sige sisimulan ko na. Noong gabing yun, andun ako sa 7-11 at umiinom ng slurpee. Nagulat ako at tinabihan ako ni Abigail. Gusto niyang subuan nya ako ng pinamili niyang pagkain pero hindi ko nalang sya pinansin dahil ayaw ko. Hanggang napapayag nya kong subuan nya ko dahil tinutukan nya ng patalim ang tagiliran ko. Tapos dumating ka nun at sinabing break na tayo. Alam mo Lara, dun nagsimulang gumuho yung mundo ko. Ansakit kaya sa puso nun. Tapos hindi mo pa ako binigyang pagkakataon magpaliwanag. Nagalit ako sayo nun, pero nawala rin agad kasi hindi ko kayang magalit kahit ikaw ang mali kasi mahal kita eh. Ang korny man pero totoo.Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Pero alam ko wala nang pag-asang magkabalikan pa tayo. Wala na talagang pag-asa. Pasalamat ka, nilunok ko yung pride ko para sayo at ako na yung humihingi ng tawad para sayo. Kasi mahal kita eh! Siguro Lara, hanggang dito nalang tayo. Hanggang magkakilala nalang ulit tayo tulad nung elementary palang tayong dalawa. Yung tipong tinitignan lang kita sa malayuan at ikaw din, tinitignan mo rin ako sa malayuan. Ay hindi pala, kasi wala ka nang paki diba at hindi mo na ako mahal tulad ngayon? Sabihin nalang nating, tulad nung elementary na walang pakialam sa isa't isa.

-Francis 

Andito ako sa kwarto ko ngayon at umiiyak. Bakit pa kasi siya nagparamdam eh! Eto na nga oh, malapit na ko magmove-on, tapos balik sa zero nanaman. Kasalanan ko rin naman 'to eh. Ang tanga-tanga ko eh. Naiinis na ko sa sarili ko. Edi sana kami pa ngayon. Bakit pa kasi hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag? Sa tingin ko, ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkahiwalay at hindi siya. Ang problema kasi sakin, husga agad ng husga, padalos-dalos agad, hindi muna pinakinggan kung anu yung side nya.

Haaay. Eh wala nangyari na eh anu pa bang magagawa ko? Wala na. Wala nang pag-asang magkakabalikan pa kami. Hay, eto nanaman. KAKAIN NALANG ULIT AKO. 

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon