LARA'S POV
"Hoy Maddie, tignan mo nakabusangot parin si Lara ngayon oh! It's because of you!"
"The fudge? You're not yet finish!? Arrgghh!!! Kanina pa yan ah! Uwian na ngayon oy!"
"I don't really care!"
"Hoy anu ba yan itigil niyo na nga yan! Tsk. Tatanda niyo na eh, pati maliliit na bagay pinag-aawayan niyo."
*RING*RING*
"Ay may tumatawag. Teka number lang. Sino kaya 'to?" Pinalibutan naman ako ng dalawang gaga.
"Sagutin mo nga!!"
At sinunod ko naman ang sinabi ni Aila na sagutin ang tawag.
"Hello!?"
[Uh..Hi.]
"Sino ba 'to?"
[Pwede bang..makausap kita bukas? Please.]
"Leche di nga kita kilala, di ka pa nga nagpapakilala, bakit ako papayag?"
[Si Francis 'to, haleeer?] OMG.
"Hindi ka si Francis! Bakla ka e. Lalaki sya. HALEER? Paalam na nga, stranger."
*toot*toot*
"Who's that?" -Maddie
"Si Francis daw sya. Eh mukhang hindi naman. Haleeer? Bakla kaya yung nagsasalita." pero baka si Francis talaga yun at gusto niya kong kausapin bukas dahil magtatapat na sya na bakla sya!? Waaah! What is happening in this country?
"Eh, anung sabi?" -Aila
"Sabi, mag-usap daw kami bukas. Tas yung boses nya hindi ko kilala. Parang pambakla, ganun. Tapos tinanong ko kung sino siya, siya raw si Francis. Hindi kapani-paniwala, teh."
"Tsk. Nako wag kang magpapaniwala dyan. Baka nantitrip lang yang tumawag sayo. Alam mo naman yung mga tao ngayon. Tsk. Wag kang magpapaniwala agad-agad dyan, ok? Tanga mo pa naman buti hindi ako tulad sayo!"
"Hoy nahiya naman ako sayo! Sino mas tanga satin? Sino yung bumili raw ng lubid para tulungan akong magbiti kasi dun daw ang kahahantungan ko? Maddie, sino yun kilala mo ba? Sige po. Salamat po sa pangaral, Inay Aileng." at dahil sa pambabara ko sa kanya nilipat nya ang kahihiyan kay Maddie. Iba talaga 'tong bespren ko.
"Si Maddie! Hahahahaha!" Tss. Halata namang fake yung tawa ng lokaret.
"Shunga! It's you! Tss. Hahaha! Di ko pa rin talaga makalimutan yung katangahang ginawa nya."
"Ansama niyo sakin, sobra. >3
"Wala namang ibang tanga dito kundi ikaw lang naman, aber"
Her face is like this --> TT____TT
"HAHAHAHA! BOOM BASAG!"
"Dalawa kayo, isa lang ako. Payat ako, pareho kayong mataba, kaya parang doble ng timbang ko ang timbang niyo. Waaah!! Kaya tignan niyo wala akong palag sainyong dalawa. Grabe ha, pinagkakaisahan niyo talaga ako grabe kaibigan ko talaga kayo. Huhuhu!!" At nagfake po sya ng iyak at punas luha kunwari. -_- lakas ng tama eh ano?
"Lecheng ito i-MMK mo na yan, takte. Iyak-iyak ka pa dyan, hindi tatalab sa amin yan fre!"
"Yes. We're not tanga like you. And what? Mataba kami? Oyyy, takaw mo kaya."
"OH TIGNAN NIYO PINAGKAKAISAHAN NIYO NANAMAN AKO!"
"At dahil iiyak ka na, ititigil na namin ni Maddie ito! Hahaha wag na iyak bhe!"
"By the end of the day, we are still your bestfriend. And yung laitan na ito? It's part of our friendship. But still, tanga ka pa rin."
"Hoy kayong dalawa grabeeee! Maiiyak na ako eh, ayun na eh! Answeet sweet niyo. Tas biglang may tanga nanaman sa huli. Uwi na ko leche."
