LARA'S POV
Maghapon akong nagkulong sa kwarto ko at umiyak ng umiyak. Yun lang naman ang magagawa ko e. Tapos eto, umulan pa. Ano nakikisenti rin yung ulan?
*tok* tok*
"Hoy, ate labas! Tara ligo tayo sa ulan! Please please please! *tok*tok*" wala akong gana. Hayszxc.
"A-ah, ikaw nalang! Pagod ako, okay?" pagod umiyak. Another hayszxc.
"Utot mo! Anung pagod pinagsasasabi mo dyan? Eh maghapon ka lang naman dyan nakahilata sa kwarto mo! Uyy dali na. Sina Aila at..yung kapatid niya anduuuunn! Pag di ka raw naligo ng ulan, hindi rin daw ako maliligo ng ulan. Kaya sige na!" crush nya pala yung kapatid ni Aila. -_- Harot ng batang 'to.
Pero sige na nga, maliligo na ako ng ulan. Tutal, pag naligo ako ng ulan, hindi masyadong mahahalata pag umiiyak ako diba?
"Okay okay, sige na! Maliligo na ako ng ulan para manahimik ka na dyan. Tss, pagkatapos nito, libre ha?!" tumayo na ko tas pinunasan yung pisngi ko at binuksan yung pintuan.
"What the? Anung nangyari saiyo? Sa mata mo? Woah. Umiyak ka ba, ate?" hayszxc.
"Nilublob ko yung sarili ko sa alcohol."
"Sinong tanga? HAHAHAHA"
"At sino rin ang tangang naniwala na ginawa ko yun?"
"Psh. Tara na nga lang!!!" basag sya eh.
**
"Hoy Miko taya ka! Habulin mo ko bwahahahaha!" -Jade.
"Ang weak ang bagal mo naman tumakbo!" -Miko. Kapatid ni Aila.
"Ay nadapa! Bwahahaha ayan kasi takbo pa. Sinong weak ha?" -Jade. Ah, sa mga di nakakakilala si Jade ay kapatid ko at si Miko naman ang kapatid ni Aila. At sa mga di pa nakakaalam, crush ni Jade si Miko. Ang harot lang.
"Dahil kasi sa ulan yun!!!"
"Hoy ambakla nito bakit ka umiiyak ansaya ngang maligo sa ulan eh!" -Aila.
"Huh, hindi ah! Umuulan lang kasi kaya kala mo umiiyak ako. Tsk, baliw ka nanaman!?" hayszxc sana hindi niya mahalata.
"Alam ko kung umiiyak yung tao o hindi pag umuulan. Kaya sige na, sabihin mo na sakin!!!" kulit naman nito eh.
Inabot ko sa kanya yung sulat. Pero syempre sumilong muna kami. Mababasa kasi yung papel tas magkakandapunit-punit. Tsaka buti nalang hindi nabasa sa bulsa ko.
Pagkatapos nyang basahin...
"Ouch, Lara!! Na..na..naiiyak ako. Huhuhu." tas nagkunyari syang nagpunas ng luha.
