LARA'S POV
Ako po si Lara Jane Secastro. May crush po ako nung bata pa po ako at hanggang ngayon crush ko pa rin sya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya. Hahaha! Ang harot lang.
Sige na nga. Mukhang mas excited pa kayo sakin kung ano yung story ko.
Ikukwento ko sainyo yung love story namin ng crush ko. Ihh!! Kinikilig talaga ako!!
FLASHBACK~
First day of being a third year highschool. This is it! Hah! Sana naman maging section one na ako para maging kaklase ko na si crush. O kaya maging section two si crush kung section two pa rin ako this school year.
So ito na, nasa tapat na ko ng bulletin board kung saan nakalagay ang mga section ng bawat estudyante. Waaah! Buti nalang maaga pa kaya wala pang masyadong nakatingin.
Nilipat ko ang aking tingin sa unang papel na nakadikit. Ang papel kung saan nakalagay ang mga estudyante ng third year section one. Hinanap ko ang pangalan ni crush. Francis Romero. Asan ka na ba!? Aish andito ka lang pala sa puso ko. Oo, Lara anlandi mo magtigil ka, pls.
And finally nakita ko ang pangalan nya.
"WOOOOO! YEHEEEY!" bigla naman akong napatigil sa aking kasiyahan. Hindi ko pa pala alam kung anung section ko. Malay mo baka section two parin diba? Na sana hindi. Ahhhh!! Andaming daldal. So eto na.
Secastro, Lara Jane.
Waaah!! Omg, I saw my name!! Now this is my time to celebrate!
"WOOOO!! ANSAYA SUPER! EBAAARG!! GRABE KAKLASE KO SYAAAA!! WAAAHH!!" Yung feeling na nasa iisang room lang kayo ng inspirasyon mo. Naiiyak ako sa tuwa. :')
But wait! Sina bestfriend pa pala. Hmm. Aila Natalie Gonzales. Maddie Sabrina Smith.
YAY! I SAW THEIR NAMES TOO!!! So happy!
Alam ko na ang room ko at pumunta ako doon na bitbit ang aking matatamis na ngiti sa aking labi.
Shocked. Andito na si crush. At sina bestfriends. Sinalubong naman ako ng mga bestfriends ko na sina Aila at Maddie at sinabing kaklase daw namin si Francis. Si crush.
"You're too late. Alam ko na yan! Grabe kyaaaahhh!!!" Napatingin naman sakin si crush nun at agad din namang binawi. Hays grabe.
Ilang linggo na ang nakakalipas. Ganun nalang lagi nangyayare. Walang progress samin ni Francis. Sino ba naman kasi ako diba? Si Lara. Ge! Alam ko namang di nya ko mapapansin. Alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Mga 1% ganun. Pero kumakapit pa rin ako sa maliit na porsiyentong iyon.
Pero bawat araw na tinutulungan nya ako o nagbibigay sya ng motibo, tumataas ito. Hays, sana naman hindi nya ako pinapaasa.
Andito ako sa ground ngayon. Nanunuod ako ng laban ng volleyball kasama ang mga bestfriends ko. Ebarg! Ang galing nila!
"GO AIRA SAMONTE! WOO GRABE CRUSH KO YAN!" sabi ni Aila. Girl crush nya yung naglalaro eh kaya grabe makacheer.
"TOO NOISY!" ayan naman si Maddie na bugnutin lage.
"Edi umuwi ka na! Basta chicheer ko lang 'tong crush ko!! Go AIRA SAMONTE!! OMG NGINITIAN NIYA KO! Guys, nginitian niya ako!" Habang kinikilig sya dun tumayo muna ako at bumili ng makakain.
Nagulat nalang ako ng may bolang papunta sakin. Ambilis nito kaya hindi na ko nakailag pa.
And everything went black....