Chapter 29: Her/His Bestfriend

11 2 0
                                        

LARA'S POV

Lumipas ang ilang araw simula nung nalaman kong bakla si Francis. Medyo nagsisink in na sa utak ko yun. Sa mga araw na yun, inoobserbahan ko lang sya ng palihim. Pero iniba na ang way nya ng pananamit. Yung panglalaki parin naman. Hindi na sya nagmemake-up at headband. Mas okay na yun kesa naman na nagtatrying hard syang maging babae, physically. Bakit ba ang affected ko? Haha wala na nga kami eh.

Alam niyo, si Francis hindi lang ngayong highschool ko sya naging crush. Simula nung bata pa ko crush ko na sya, siguro mga grade three ako nun or grade two? Kaklase ko sya nung elementary ako at magaling sya sa sports. Yun na rin siguro ang isa sa dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. Si Francis, palagi syang nakangiti at lagi nyang binabati ang mga kaklase ko...except sakin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Iniisip ko nalang na nahihiya siya sakin kasi crush nya rin ako. Haha! Ang kapal talaga ng mukha ko.

Tas nung maghighschool na kami. Hindi pa rin natatanggal ang pagkacrush ko sa kanya. Antibay naman ng puso kong 'to, hindi umaayaw.Haha! Tsaka eto pa. Hindi nya parin ako pinapansin. Napakasuplado nya talaga SAKIN. Oo sakin lang. Pero masaya na rin ako kahit papaano kasi parehas ulit kami ng school na pinapasukan. Atleast masisilayan ko pa rin sya diba? Dun ko na rin nakilala sina Aila at Maddie at naging bestfriend sa di ko malamang dahilan. Hmm bakit nga ba? Matanong nga sa kanila.

Ansaya ko nga nung third year ako (obviously, crush ko parin sya) nun kasi napansin nya ko. At wow, hindi ko aakalaing maging kami. At hindi ko rin inakalang magiging bakla sya. Ang Crush ko, Bakla?! Talaga nga naman itong crush kong bakla. Hahahaha. Pero uy, dati lang yun ah. Erase na ang feelings ko sa kanya. Pero impernes, ampogi niyang bakla. Nagiging crush ko na ulit sya. Hahaha charot! Pero ampogi niya promise. Parang mas pogi pa sya ngayong bakla sya kesa noong lalaki pa sya. Hay buhay, ang komplikado mo. Dejk, simple lang ang buhay, tayo lang ang ginagawa itong komplikado.

Busy week kami ngayon. Hindi lang foundation DAY kundi Foundation WEEK. Aba, antaray ng school namin, isang linggo gugunitain ang foundation. Haha! Ansabe naman nung word na 'gugunitain'? Bawat section ay gagawa ng parang mini restaurant, cafe, etc. at ang venue ay bawat classroom lang naman namin. Sa batch lang namin may ganitong pakulo. Yung first year, may play. Yung second year, yung mga booth at yung third, I dunno. Hahaha! Pag tinatanong ko naman sila laging sinasabi, 'im busy, mamaya nalang Lara' edi wag nang kulitin. Tapos.

"Lara!" Tawag sakin ng vice president ng class namin na busyng-busy para sa pakulo ng section namin. Ewan ko kung anong gagawin, basta bahala na sila dyan. Pero ano ata eh, Cafe ata. Bibili kami ng cupcake na gawa na tas dedesignan lang namin 'to. Lalagyan ng icing tas mga toppings. Tas meron ding kaming hot coffee at iced coffee. Bibili kami ng coffee mix tas kami na bahala magtitimpla. Instang reseller ang peg namin. :p

"Bakit Michelle?" Napatayo naman ako sa upuan ko. Sa pagkakaalam ko etong vice president namin na nagngangalang Michelle Rivas ay patay na patay kay Lance. Hahaha! Akalain niyo yun? .__. Minsan nga inaway ako nyan kasi nagseselos sya samin ni Lance. Like what the heck? Eh lagi nga kaming nagtatalo nun. Pero sa huli, nagkabati naman kami. Lol.

"Bumili ka naman para sa kakailanganin nating menu. Magpasama ka nalang kay Francis. Eto na oh." Inabot nya sakin yung perang panggastos at yung listahan ng bibilhin. Tae andami naman.

Ang nakalagay :

5 packs of fudgee bar dark chocolate&buko pandan flavor

5 packs of lemon square cheese cupcake& brownie cupcake

5 packs of choco topps and mocha topps

5 packs of lava cake

10 packs each of krim stix chocolate/vanilla/cookies and cream

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon