Chapter 22: Nene&Totoy Days

10 1 0
                                    

LARA'S POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung nangyari yun. Simula nun, hindi na ulit dumalaw dito si Kevin. Mabuti naman! Dahil nababadtrip lang ako kapag nakikita ko siya! Pero wait. Ikukwento ko na sainyo yung nangyari noon kung bakit ayaw na ayaw ko kay Kevin. 7 years old kami noon.

**FLASHBACK**

****DAY ONE****

Pagbaba ko ng hagdan para kumuha ng pagkain, nakita ko si mama na may kausap na babae na may dala-dalang bata na kasing edad ko lang ata. Infairness, cute sya. Pero mukhang bad.

"Jane! Lara Jane! Halika baby, may ipapakilala ako sayo." Lumapit ako kay mama.

"Sino po yun mama?"

"Eto yung bago mong kalaro. Si Kevin Lance pero Lance na lang."

"Ah ok. Hello Lance!" Pero hindi nya ako pinansin. Hmp! Sungit!

"Baka nahihiya pa sya. Osige, maiwan ko na sya dito mare ah?" Mommy siguro ito nung Lance.

Umalis na sya.

"Oh ayan baby may kalaro ka na. Mabait yan si Lance!" Hmm. Mukha nga.

"Hi Lance! Dun tayo sa kwarto ko, let's play."

"Ok." Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Sumunod naman sya.

"Eto pala yung kwarto ko. Cute right?"

"Eww so girly."

"Ayy. Oo nga pala, lalaki ka. Hehe."

"Meron ka bang panlalaking toy dito?"

"Yep." Kinuha ko si Ken na Doll at yung Car ni Barbie at binigay ko sa kanya.

Tinignan nya lang ito tapos tinapon nya. Ang mean nya!

"Why did you that?! Ansama mo!"

"It's not for boy naman eh! Tss. I'll just jump on your bed na nga lang." Sumampa sya sa kama ko at tumalon dun pero hindi nya tinatanggal yung sapatos nya. Ang dumi na!

"Hey! Remove your shoes!" Tumigil naman sya sa pagtalon at tinanggal yung shoes nya tapos binato nya at sakto sakin. Alam kong sinasadya nya yun. Napakasama nya talaga!

"Oops. Ahahaha!" Talagang tumatawa pa sya and he didn't even bother to say sorry to me! Palayasin ko na nga lang ito!

"Umalis ka na nga sa kwarto ko!" Tinulak-tulak ko sya hanggang sa makalabas na sya ng kwarto ko. Good thing hindi sya pumapalag. Aba dapat lang! Nakalabas na kami ng kwarto ko. Habang tinutulak ko siya, nadapa sya at nakita yun ni mama kaya akala niya sinasadya ko yun. Lagot.

"Jane! Bakit mo naman ginawa yun?" Inalalayan ni mama tumayo si Lance. 

"Mama hindi ko naman—" 

"Magsorry ka kay Lance."

"Pero ma, sya—"

"Magsorry ka!"

"Hindi k—"

"Wag matigas ang ulo, Jane!!!" Hays.

"Sorry."

"Good. Lance, tara sa baba. Gamutin ko yang sugat mo." Wow ah, nagkasugat sya?

Bumaba na sila pero bago yun lumingon sakin si Lance, ngumiti ng nakakaasar at binelatan ako atsaka sumunod na kay mama.

Hay nakakainis talaga sya! Sana naman bukas, wala na yung batang yun. At talagang sya talaga yung kinampihan ni mama. Hindi pa ako hinayaang magpaliwanag ni mama. Nakakainis! From now on, I hate Lance!!! Maglalaro na nga lang ako mag-isa.

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon