LARA'S POV
Bakasyon na pala. Oo totoo na ito. Simula na ng pang-araw araw na kaboringan. -_-
*tingningningning*
Teka..ice cream yun ah!
Agad-agad kong kinuha yung wallet ko at dali-daling lumabas sa bahay. Yes makakatikim ulit ako. Wooo!
"Double Dutch po./Double Dutch sakin." Sabay naming sabi ni..Kevin?
"Kevin?/Lara?" Sabay ulit naming sabi.
"Hahahaha!" Sabay ulit naming tawa.
"Naku mga bata iisa nalang yung double dutch dito!" -si Manong na nagtitinda ng ice cream.
"Akin nalang yun, kuya. Kasi ako naman talaga nauna e!" -ako. Aba di ako papatalo favorite ko yun e, antagal ko kaya 'tong hinintay.
"Anung ikaw? Nauna ako sayo ng 1.49 seconds kaya kuya sakin mo na ibigay yung ice cream."
"Kuya, sakin." Binigay ko na yung sampung piso ko sa kuya at kinuha agad yung hawak nyang ice cream. Wahahaha!
"Thanks po! Hehehe." Binuksan ko na yung ice cream at tsaka kinain ito. Mmm sarap!
"Maduya yan, kuya! Nauna ako. Bakit mo sa kanya binigay?" Napakamot nalang ng batok si kuya at umalis na.
"Haha di ka pinansin. Bleh!"
"Pang-asar ka talaga eh, noh?"
"Ba't ba? Tsaka wag ka ngang FC dyan! May atraso ka nga sakin. Bigla-bigla ba namang manghihila, parang tanga lang."
"Edi pasensya! Tara sa perya?"
"At bakit naman kita susundin? Sino ka ba ha? Kilala lang naman kita sa pangalan e. Schoolmate na rin pero di naman close. Kaya ayoko."
"Sige na. Mabait kaya ako. Tsaka lilibre kita, bilang pambayad sa ginawa kong atraso sayo!"
"Ayoko. Tsaka baka magselos nanaman yang girlfriend mo, di na bale."
"Ahahahaha yung si Princess? Hindi yan! Di ko naman girlfriend yun e. Bestfriend ko lang."
"Eh bakit umiyak yun nung nakita tayo? Parang tanga. May pagseselosin pa kasi 'tong nalalaman, andami mong alam."
"Kinuha ko kasi yung keychain na iniingatan niya dahil galing sa importanteng tao. O ano? Tara na sa perya. Libre ko."
"Sabay ganern? Ayoko parin." At inirapan ko sya.
"In the second thought, sasama na ko sayo. Mukha ka namang inosente. Tsaka anung sabi mo? Libre? Aba game ako dyan!"
"Hahaha tara! Angkas ka sa japanese bike ko." Umangkas na ko. Teka, may naaalala ako dito e. Pero hayaan mo na hindi na importante yun.
***PERYA***
"Uy andaming nagtitinda! Diba sabi mo libre mo? Gusto ko ng sweet corn, shawarma, siomai, frappe atsaka barbecue! ^_^" bwahahaha sulitin ko na.
"What the heck."
"Oh ano ngayon rerekla-reklamo ka? Sabi mo kaya libre mo! Ano hindi ba? Uuwi nalang ako." Aalis na sana ako kaso pinigilan nya ko. Yes! Libre nya nga talaga.
"Tara bumili na tayo." Una kaming pumunta dun sa stand ng nagtitinda ng sweet corn. Tas blablablabla then yun binili niya yung sinabi ko.Libre nya lahat yey!
Pumunta kami sa table at umupo na doon.
Una kong kinain yung sweet corn. Omnomnomnom! *o* tas nung ubos na humigop ako sa frappe. Napatigil ako kasi nakatingin sakin si Kevin. Hala anung problema neto? -_-