Chapter 27: Joke

4 1 0
                                    

LARA'S POV

"Nagseselos kasi si Princess sayo. Nakakabwiset. Di naman selosa yun e, anyare dun?"

"Ay peste! Girlfriend mo ata yan e kung magselos wagas."

"Yun na nga e. Na-offend ata sya nung tinanong kong 'tayo ba?' Kasi first time nya lang magsabi na nagseselos sya lalo na sa panget na tulad mo.Hindi ko magets eh mas maganda pa nga si Prinsesa ko kesa sayo."

Aba! Nasapok ko nga. Tanggap ko na na sabihan nya ko ng mas maganda yung Princess pero grabe naman syang magsabi ng panget sakin! Bwisit talaga.

"Tigilan mo na nga kong sabihan ng panget! Nakakarindi na, paulit ulit ka! Hmmm. Baka naman kasi sobrang close niyo dati tas di ka na masyadong nagpaparamdam kasi magkaiba na kayo ng section. At sa dinami dami ng babaeng kinaseselosan nya, bakit ako pa? Ni hindi naman tayo close. Mortal enemy nga kitang gungggong ka eh! Nakakabwisit nananahimik ako dito tas nadadamay ako sa away niyo. Bwiset!"

"Gagi close kaya tayo simula nung pagkabata natin. Hahaha! Ewan ko dun. Nagpaparamdam naman ako sa kanya kaso di tulad ng dati na minu-minuto. Syempre magkaiba na ng section."

"Lul. Close mag-away. Nako tigilan mo nga ko! Tsaka bakit pala kita pinapayuhan dyan? Bahala kang magsolve sa problema niyo ng girlfriend mo ayy este bestfriend. At anong tawag mo sa kanya 'prinsesa ko'? Yan! Ikaw kasi tinuturing mo na syang parang girlfriend. Nasanay na sya kaya pag may kasama ka lang ibang babae, selos agad! Hay bahala ka na nagsasayang lang ako ng laway. Matutulog nalang ako habang walang teacher. Bye!" At sumubsob na ko sa desk at natulog.

Nakaramdam naman ako ng may yumugyog sakin at alam kong si Kevin yon kaya di ko nalang pinansin at nagfake na hilik.

"Alam kong gising ka pa. Eh kasi ganun talaga ako sa bestfriend ko. Sya lang kaya yung bestfriend ko na babae kaya iniingatan ko talaga sya at minamahal...bilang bestfriend. Pero mali ata yung sinabi ko sa kanya nakakahurt ata. Magsorry kaya ako? Oo tama. Huuuy sagot!" Parang may biglang umilaw na light bulb sa ulo ko at humarap kay Kevin.

"Alam ko na! Inlove na sayo yung bestfriend mo!"

"WHAT THE EF?!" sa lakas ng sigaw ni Kevin napatingin sa kanya ang mga kaklase ko.

"Oo! Ganyan-ganyan ang nababasa ko sa wattpad eh. Cliche noh? Hahahaha! Lagot na, Kevin, inlove na sayo ang bestfriend mo! Bwahahahaha! Inlove ka rin ba?"

"Huh? Hindi noh. Bestfriend ko lang talaga si Princess. Ang totoo nyan, may iba akong gusto. Hindi naman mahal, pero gusto lang. Magkakilala kami simula ng pagkabata. Ooooops! Masyado ka nang maraming nalalaman saken. Hanggang dun lang."

"Edi wag mong tuloy di naman ako interesado sa story mo, bakit ka ba nagkukwento? Pake ko ba sayo? Dyan ka na matutulog na ko!"

"Pucha."

=_____=

****

"You can have your lunch now" umalis na yung teacher namin.

Humikab ako at nag-inat. Kaantok. =___=

"Tara nga!" Hinila ako ni Kevin palabas. -_-

"Peste anu ba?! Maglulunch na ko!" Tinanggal ko naman yung pagkahawak nya sakin.

"Tsk. Ako rin naman e. Samahan mo ko magsosorry ako kay Princess."

"Wag mo kong idamay! Problema mo yan kaya bahala ka na!"

"Putek Jane! Sige na!" Hinihila nya ko at kumapit ako sa bintana ng room namin para di nya ko mahila -___-

"Pucha naman, Lance!" Tumigil sya sa paghila sakin at unti-unti namang lumawak ang ngiti nya na pwede nang pagtayuan ng bahay. Korny. -___-

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon