Chapter 21: Reunited

11 1 0
                                    

LARA'S POV

"Pssst! Uwi na tayo. Gabi na e. Tsaka papagalitan ako ni mama."

"Huh? Eh hindi pa naman masyadong gabing-gabi ah. Tsaka malaki ka na."

"Hindi kasi ako nakapagpaalam. Panigurado, galit na galit na yun kakahanap saken. Ikaw kasi eh!"

"Ako pa talaga? Ako ba may kasalanan kung bakit di ka nagpaalam?"

"Ahaha oo na leche ako na may kasalanan. Tara na nga uwi na tayo." Sumakay na sya sa bike at umangkas na ko. Bahala na mamaya.

Habang nagbabike, kinausap ko sya.

"Kevin, sa subdivision ka rin ba namin nakatira?"

"Ah, oo. Pero malayo sa inyo kasi sa lovebird street kami."

"Ah oo nga medyo malayo. Pero bakit ka napadpad sa street namin?"

"Hinabol ko kasi si manong na nagtitinda ng ice cream tas yun napadpad na ko sa street niyo. Anlayo ng tinakbo ko para makabili lang ng ice cream na favorite ko tas kukunin mo lang. Pinaubaya ko na sayo kasi babae ka."

"Ganun? Edi sorry na! Di mo naman kasi sinabi agad e." Nakakaawa naman pala siya. Ahaha joke!

"Tsk. Kinuha mo kaya agad yung ice cream!"

"Oo na! Edi bibilan nalang kita nun. Daming problema neto."

"Sabi mo yan ah." Hindi ko na sya sinagot at tinignan ko nalang yung mga bituin sa langit. Ang gaganda.

Bigla kong naalala sina Maddie at Aila. Para silang bituin. Kahit malayo sila, alam mong andyan sila lagi. Yiee naiiyak na ako. Charot!

"Andito na pala tayo sa street ninyo. Saan ba yung bahay niyo dito?"

"Deretso ka lang. Tas pag may nakita kang blue na gate number 49, yun na yun."

Papalapit na kami ng papalapit sa bahay namin. Naaaninag ko si mama na nasa tapat ng gate. Ito na. Hory shet!

Nagstop na si Kevin. Andito na kami sa tapat ng bahay. Bumaba na ko sa bike at lumapit kay mama.

"Ah mama...kasi ano eh..." hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko kasi hindi naman yata ako pinapansin ni mama kasi tinitignan nya si Kevin. Parang ineeksamin nya. Uhm mama hindi po yan kriminal.

"Parang may kamukha kang bata ka. Kaano-ano mo si Kristina Laurel?"

"Mama ko po yun. Bakit?" Hindi ko magets!

"Lance?! Ikaw na ba yan?"

"Opo ako po si Lance. Paano niyo po ako nakilala?" Mukhang naguguluhan na si Kevin. Kahit ako rin e.

"Ang mama mo kasi kaibigan ko yun. Nung bata ka pa lagi ka nyang iniiwan sa bahay namin dahil walang mag-aalaga sayo habang nagtatrabaho sya. Nako Lance dati ang cute cute mo lagi kong pinipisil yang pisngi mo tas ngayon ang pogi mo na! Grabe!" Pinipisil ni mama yung pisngi ni kevin.

Wala akong magets-. Ay teka! Siya yun? siya yung batang laging nasa bahay namin dati? Yung batang laging inaasikaso ni mama kesa sakin! Kung ganon, ayoko na sa kanya. Simula ngayon, magkaaway na kami. Teka dati magkaaway naman talaga kami e. Nakakainis! Ikukwento ko nalang sainyo sa susunod yung nangyari noon. Kung bakit ayaw na ayaw ko sa kanya.

"Tita Emerald?! Ikaw na pala yan! Grabe tita, namiss kita." Tss. -___-

"Tara anak sa loob magkwentuhan tayo nila Lara. Pwede ba?"

"Sure po tita." Binuksan na ni mama yung gate at pinark na ni kevin yung bike nya. Pumasok na kami sa loob ng bahay.

"Halikayo, upo kayo dito sa sofa. Kukuha lang ako ng makakain." Umupo na kami sa sofa namin at kumuha na si mama ng pagkain.

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon