Chapter 16: Extend

10 2 0
                                        

FRANCIS' POV

Hindi ko na pahahabain pa. Eto dapat yung sasabihin ko kay Lara kaso naduwag ako.

Eto na magtatapat na ko ng tunay ko na pagkatao. Excited na ba kayo? Ok. *inhale*exhale* 

Bakla ako.

BOOM! na-surpise much?

Pano ako naging bakla? Teka, Pano nga ba? XD Here's how: (Ay teh, parang direction lang kung pano maglaro ng snake and ladder? XD)

Nagkainuman kami ng mga barkada ko. Grabe, lasing na lasing na kami nun. Tapos nag i-spin the bottle kami. 

Unang tumapat yung bote sa katropa kong si Jake. Ang dare sa kanya ni Carmela ay kissan daw ako sa cheeks. Nung una, ayaw pumayag ni fafa Jake. Pero kapag di kasi ginawa yung dare ay may parusa sa amin. Magbabayad kami ng isang libo. Hurt hurt lang diba? Kaya ayun no choice sya kundi halikan ako sa pisngi. Pero yung halik na yun pala ang magpapabago ng katauhan ko. Grabe gusto ko pang mahalikan ni tropang Jake! So yun pagtapos nya kong halikan sa pisngi, dun na ko nabakla. Habang nag i-spin the bottle kami, tahimik lang ako kasi di ko makalimutan eh! Huhuhu. Kaya ayun nasuway ako ng leader namin kung bakit antahimik ko raw. Sabi ko natatae lang ako. Pumunta ako ng CR at dun ako nagkikikilig! Ohmygosh! 

 Eto na ata ang katapusan ko bilang lalake! Grabe ampogi ni Jake! 

SHH lang kayo ah? Sasabihin ko pa 'to kay Lara. Hindi ko alam kung bakit sasabihin ko pa. Wala na nga kami diba? Basta! May parte ng utak ko na gustong sabihin na ganito na ako. Gulo diba? Buhol buhol kasi ang utak ko, readers eh! Huhuhu!

Nga pala, dati pa yun nangyari. Pero nung nakaraang araw ko lang narealize. Ebarg.

Last na satsat na,

Pogi ni Jake! 

-------------------------------------------------------------------

LARA'S POV

Sunday ngayon. Nung friday last day namin sa school. Bat gaaannoooo

Hay! Nakakatamad naman dito sa bahay. Bakasyon na kasi e. Kaya ayun laging nganga sa bahay. ansaya diba? Gusto ko maglakwatsa! 

Habang nakahilata ako dito nashock ako kasi may nagtext. Once in a bluemoon lang kasi yan mangyari sakin. Hihihi. Ansaya diba -_- Bwisit na bakasyon yan, mas mabuti pang mag-aral eh. Haha! Pero pag pasukan naman gusto na magbakasyon. Adik lang no? 

*1 new message from: AilengTakaw *u*

Hoy babaeng lokareta! Nagtext sakin si Maddieng Hilaw na sunduin daw naten sya! uuwi na raw sya ngayon eh! Hihihi! Tara nang mamburaot ng pasalubong! \(*o*)/ 

Reply ko :

Hoy babaeng nauntog sa inidoro ng pinanganak! osige game ako dyan! anung oras ba? mabuti naman at mababahidan na ng araw ang aking flawless skin! \m/ eh ikaw? boom sunog! xD 

 Reply nya :

Hoy babaeng sampung beses iniri nung pinanganak! bukas ng madaling araw daw! puntahan nalang kita dyan. At hoy anung flawless skin pinagsasasabi mo dyan? kamusta yung peklat mo sa hita nung nadapa ka dahil sa katangahan mo? at anung boom sunog? hoy kutis kayumanggi kaya ako! proud to be dalagang filipina!

Reply ko : 

Hoy babaeng nautot nung elementary palang dahil kinausap ng dating crush nya! osige bukas ah puntahan mo ko! at hoy flawless skin na talaga 'to kasi dati pa naman yun eh nabanat na yung peklat at nag disappear na! hahaha! ok fine ayoko na makipag-away sayo lab lab kita eh mwa!

Reply nya : 

Hoy babaeng sawi kay Francis! HAHAHAHA! nyeta last message ko na 'to wala na kong load. =__= anyway, answeet mong bwisit ka natouch ako huhuhu :P lab lab din kita! PWEEEE! -___- 

***

"HOY LARA JANE BUMANGON KA NANG BWISIT KA SUSUNDUIN PA NATEN SI MADDIENG HILAW!!! *tok tok tok*" kainis naman oh...=___= 

 Bumangon na ko at nag-ayos ng sarili. Pagkabukas ko palang ng pinto ay sinampal ko na yung babae dun. Sure na kong si Aileng yun.

"Hoy ate ansakit nasampal mo yung pimples ko! Arrrggghh! I hate you! At yung bestfriend mo nasa baba! Tae, madaling araw na ah bakit andito pa yan?" hala kapatid ko pala yung nasampal ko. Okay na yan basta't hindi si mudrabels. Haha! 

"Ay sorry akala ko si Aila eh. So sorry bebe! Osige tulog kana." hindi nya ko pinatapos at pumasok na sya ng kwarto nya at padabog na sinara ang pinto. Haha! Nainis. 

Bumaba na ko ng hagdan. At andun si Aila, nakahiga sa sofa namin, nagcecellphone. Wow lang diba? 

"Hoy! Tara na nga! Grabe nahihiya ako sayo! Feel at home na feel at home kang bwisit ka! Tara na nga sa noo mo este sa airport! Hahaha pffft." 

"Wala ako sa mood...Wag mo kong badtriping babae ka! +__+"

"Weh tologo? Hahahaha!! Tara na bebs!!!"

***

AIRPORT. 

"Hoy Maddieng Hilaaaaaaaaaaaw! Hindi ka namin namiss! Hahahaha!" -Ako.

"Hoy! Hala Maddie bakit anlaki ng tyan niyo? Hoy bakit naghoneymoon agad kayo ni Drew? O__O Tsk! Kasal muna!" -Aileng. Grabe talaga mag-isip 'to. -__- Abnormal talaga. Tsk. Eh hindi naman kasama ni Maddie si Drew. 

"Are you crazy? Eh, he's not with me nga eh!"

"Hoy Maddie, dapat may pasalubong ka sa amin! Tignan mo gumising pa ko at umalis sa napakaganda kong panaginip para sunduin lang kayo. At Si Lara rin ganun din diba?" 

 "Oo nalang." Katamad sumagot e. Hahaha.

Nagulat nalang ako nang biglang nagvibrate CP ko.

Yung president ng SSG (Supreme Student Government)

Ang sabi sa text : Guys, namali ng rinig si Principal Viernes. Extend ng two weeks yung pasok natin. Hanggang next friday. Nak ng byernes nga naman oh! -_- please pass this message to everyone who is studying in our school. Saklap diba? Kala natin bakasyon na! Nakakaputa. -_- Hahaha.

Literal na napanganga nalang ako at nahulog ang cellphone ko dahil sa nabasa ko.

"Oy nababaliw ka na? Bakit mo binagsak yang cellphone mo at nakanganga ka pa dyan? Sino katext mo?" -Aila.

"Brad, namali raw ng rinig si Sir Viernes, extend daw ng dalawang linggo ang pasok natin. Aish!!"

"Putek. Ansaya saya ko pa naman dahil ang aga ng bakasyon natin tapos..arrgghh!!" Yeah right.

"Whaaat? Yey! Everyday pa rin kami magkikita ni Drew!!"

"Sabagay, everyday ko na rin makikita si Matthew!" At nagkikikilig na po sila doon.

Nakoooo! =___=

"Ba't ganyan mukha mo? Ambitter mo!"

"Okay, alright." 

Crush kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon