LARA'S POV
Alam niyo na naman siguro yung kwento namin diba? Kinuwento ko na. Yung kwento namin ni Francis.
Alam kong kasama sa pagpasok sa isang relationship ang pagseselosan at pag-aawayan. Sabi ng teacher namin yun e. At eto ang dahilan ng pinag-awayan namin. Hindi naman masyadong malaki. XD
FLASHBACK
Andito ako ngayon sa kwarto ni Francis. Hoy, wag kayong mag-isip ng kahit anu dyan! Nanunuod lang kami ng movie sa kwarto nya. Habang nanunuod kami nagpaalam siya sakin,
" Wait lang babe, iihi ako sandali lang ito."
Ayieee! Babe! Kinikilig yata sa kasweetan namin kaya naihi? Ahahaha. Nyaaaa!
"Ok, Babe!"
Iniwan niya yung cellphone niya sa mesa (alangan naman dalhin sa pag-ihi?), kinalikot ko tapos may nakita ako ng kinadahilan kung bakit kami nag-away. Paano ba naman kase....
May humalik sa kanya habang natutulog sya. WTF? Bading ba 'to? O___o
Lumabas na siya sa CR, tapos pinakita ko sa kanya yung picture na iyon at.....
"Hoy! Sino 'tong guy na ito na humalik sayo? Babe are you gay?"
"Ahh!! Si Mark yan, bading kasi yan ninakawan akong kiss nung natutulog ako! Promise babe, di ako bading. Patay na patay kasi sakin yang si Mark. "
"Sino kumuha ng picture sainyo nyan? Tsaka bakit nasa phone mo at di mo pa binubura? Hoyoy! May tinatago ka ba sakin?"
"Siya, siya yung nag picture niyan tapos pinasa sakin! Buburahin ko na dapat yan e! Sorry na babe! Hindi ako bakla. Kadiri!"
"Apology accepted."
"I love you." then he kissed my cheeks. Tae kinikilig pa rin ako.
END OF FLASHBACK.
Pero ngayon ay bati na kami! Sabi ko sa kanya na wag na ulitin yun. Dahil hindi ko tanggap na bading siya noh. -_- Magdedate kami bukas.
****
Sa Sinehan.
"Babe, anung gusto mo panuorin?"
"Gusto ko uhm.... basta horror!! Matapang ata ito, babe!"
"Ok! Sabi mo yan ah..Wag kang yayakap sakin pag nanunuod na tayo!"
"Ehh naman ehh! Ayoko na nga.." tas nagpout ako. Haha! Tatalab kaya?