LARA'S POV
Andito kami sa bahay nila Aila. Gumagawa kami ng project.
"Oy babaita! Bakit hindi na pumupunta si Francis dito? Dati pag dumadalaw ako sainyo, andito lagi yun ah. Anyare? Baka may bago na haha!"
adik talaga 'tong Aileng na 'to! -__- Wag naman po sana!
"Nako! Wag kang nega! Wala yun loyal sakin yun! Tsaka baka busy lang sya! Wag kang ano dyan."
" Hindi. Baka may iba na!? Ayan kasi, uso mag-ayos! Ampangit mo kase. Baka may nakitang mas maganda sayo! Ingat ka."
"Tsk! Hala baka nga. Pero hindi gagawin sakin ni Francis yun no. May tiwala ako dun. Tsaka tulad nga ng sinabi ko kanina, loyal siya sakin. Okay?"
"Ewan ko sayo. Pero baka..bakla na talaga sya!? Naaalala mo yung kinuwento mo sakin!? Shocks bessy! Bakla yang boyfriend mo!"
"Ewan ko rin sayo! Hindi yan no! Tsk. Bahala ka nga dyan. Masyado kang nega. At ang bitter mo! Wala ka lang boyfriend e."
"Ang yabang mo porket mahal ka lang ng mahal mo e. Edi ikaw na may lovelife! Susuportahan po kita dyan!"
"Weeeheee! Thank you sa support bessy! At dahil dyan, magugustuhan ka na ng crush mo! Sino ba yun? Matthew ba? Si kuya pogi!"
"Oy, wag ka nga. Sakin na yun, may Francis ka na."
"Oo sayo na yun! Napopogian lang naman e! Ano gusto mo? Ampanget ni Matthew!?"
"De sige. Pogi nga sya! Hihihih! Syet. Sana magbreak na sila ni Alleyna. Pagdasal mo ah. Isama mo sa prayers mo. Prayer request ko yan sayo!"
"Baliw ka nanaman! Sige sige. Isasama ko na."
Hindi naubusan ng daldal si Aila. Buti nalang natapos namin agad itong project namin kahit daldal siya ng daldal. At dahil dyan tatambay muna kami sa park! Weeeheee!
"Tara na oy! Ligpitin mo yang kalat!"
"Ang kapal! Porket nasa teritoryo mo lang ako! Nagkalat ka rin naman! Tumulong ka rin oy. Wag kang tamad. Tita ooohhh!!! Si Aila!"
"Psh. =__= Sumbungera ka! Sumpain ka sana! Sana bakla nga si Francis."
Pag nagsumbong ako kay tita gawa agad yan e. Haha! Takot yata sa mama nya.
"Pakyu. Hahahaha!"
"I love you too best!"
Gagi talaga to e. Pinakyuhan na nga nag-iloveyou pa! Ganyan kami maglambingan ng bestfriend ko! Kaya mahal na mahal ko yan e.
**
Andito na kami sa park. Hay buti hindi pa madilim. Papalubog pa lang ang araw. Ansarap talaga manuod ng sunset.
