Lara's POV
"Ah, Lara nabasa mo na ba?" Hindi ko sukat akalaing kakausapin niya ako at papayungan.
"Ah, oo. Atsaka kahit hindi mo na ko payungan, naliligo talaga ako sa ulan. Mauna na ako." aalis na sana ako at pupunta sa naglalarong sina Aila ngunit hinawakan nya ang braso ko upang pigilan nya ko tapos niyakap niya ako.
"Lara, okay lang kung hindi mabalik ang dating tayo. Basta huwag mong isipin na ganun akong tao, ok? Tanggap ko na na hindi tayo maibabalik" at tinanggal nya na ang pagkakayakap sakin. Tinitigan ko sya.
Mapupulang labi na mistulang may lipstick. Malarosas na pisngi na kala mo naglagay ng blush-on. Ribbon na pink sa kanyang buhok. Malambot nyang pagkakatayo.
"Bakla ka?"
"Pfft. Panira ka ng moment natin noh? Hahaha! Bakit mo naman nasabi yan?!"
"Tignan mo kaya yang sarili mo no?"
"Ah, haha, gets ko na. Wala pinaglaruan lang ako ng mga kapatid ko."
"Nagpalaro ka naman! Hay nako! Hahaha!"
Nilahad nya ang kamay nya sakin, "friends?"
Tinanggap ko naman yun, "friends."
"Una na ako ha." Naglakad na sya palayo.
Akala ko sya na talaga. Nung una ko syang nakita, syempre di ko pa kilala! But kidding aside, akala ko nga sya na talaga ang nakalaan para sa akin. Yung mala-perfect love story na ginawa namin, na akala ko perfect, hindi pala. Siguro may better guy pa na ibibigay sa akin si Lord. Masyado lang siguro ako nagmadali sa lahat.
Kailangan ko lang talaga ng patience.
"Why are you tulala!?!" at may kamay na nagwagayway sa tapat ng mukha ko. Na syang ikinakurap ng mata ko.
"Ay gaga, wala! Naalala ko lang yung kahihiyang ginawa ko kanina."
**KINABUKASAN!!*
"Aila, hindi ba uso sayo ang magmadali? Leche naman oh, malelate na tayo! Utang na loob namaaaaan!!"
"Hihi. Magcocommunity service kasi ako kaya ako nagpapalate! Balita ko kasi laging late si Matthew kaya ayun. Hihi paraparaan!"
"Tang na mocha naman 'to, huwag mo akong idamay sa kalandian mo, fre!!"
"Ayyt? Ganern? Eh nung crush mo pa nga lang si Francis, ganito ka rin e! Lecheng 'to. Landi mo rin!"
"Ay lul. Bahala ka na nga dyan. Mauna na ako loka, ha?" At dali-dali akong lumabas ng bahay nila at pumara ng tricycle.
![](https://img.wattpad.com/cover/14597187-288-k998321.jpg)