LARA'S POV
After ilang days simula nung nagmall kami na ang boring naman. Leche pasukan na!
"Huy kamusta ka naman?" -aila
"Anung nangyari sa bakasyon mo?" -maddie
"May nangyari nga ba?" -aila
"Namiss kita. Joke lang!" -maddie
"Teka lang kasi! Ano...kasi ano...nakita ko ulit sya at handa nya ulit sirain yung buhay ko."
"Sino? Yung kababata mo?"
"Oo. At sya lang naman si Kevin Lance Laurel."
"WAAAH! SI LANCE?! SYA?! WAAAAAH!!" eh? anyare dito kay aila?
"Bakit? Anung problema dun kay Kevin?"
"Eh kasi..eh kasi.."
"Ako na nga lang! Eh kasi. Sya lang naman yung tinitilian ng halos lahat ng babae dito sa St. Elaine! Heartthrob sya beh!" Pagpapaliwanag ni Maddie dahil si Aila ay nababaliw na sa isang tabi. -___-
"What? Yun? Tinitilian? Heartthrob? What the heck! Pero bakit? Tsaka bat di ko alam?"
"Syempre pansinin ang mukha. Pogi, malakas ang appeal, magaling kumanta, matalino. Actually kumanta kaya sya sa stage nung launching ng english month celebration. At yun,dun na sya napansin at marami nang nagkandarapa sa kanya." -maddie
"Hindi mo sya napapansin kasi syempre nakatuon ang atensyon mo dati kay ano lam mo na. Tsaka natutulog ka lang buong program ng english month celebration kasi naboboringan ka! Loka-loka ka talaga" -aila
"Ganun? Edi sige."
"Pero alam mo ba, may nalilink sa kanya e. Si Princess Ariana Gomez. Lagi nyang sinasabi na girlfriend nya raw yun pero bestfriend lang naman talaga." -maddie
"Saan niyo naman napulot yan?"
"Based on our experimentation. Chos! Syempre kalat na kalat na sa school." -aila
"Eh? Ba't di ko alam?"
"Wala ka kasing pake!" -aila
"Oo tama. Tara na nga pumasok na tayo." Pumasok na kami sa gate at pagpasok namin may nagPPDA. loljoke! Si Lance at Princess magkayakap.
Dahil sa scenariong iyon, maraming kinikilig at naghihiyawan. Yung ibang babae naman naiinis kasi nga diba crush nila si Kevin. Eww. Sweet ba yan? Anlandi nga e, nagyayakapan sa public. -_-
"Uyyy! Bakit ganyan mukha mo? Selos ka no? Aminin mo na na nafafall ka na" -aila
"HA?! Dyan sa bwisit na yan? Nah-ah."
"Utut! Mafafall ka rin dyan. Dyan nagsisimula yung inis inis ka sa kanya pero sa bandang huli? Makakatuluyan mo sya! Kiligmuch."
"Sa wattpad mo nanaman nakuha yan? Ang cliche. Bahala ka nga dyan" Papasok na lang ako sa room namin kesa manuod ng nagyayakapan. Eww talaga -____-
PRINCESS' POV
"HOY PRINCESS!" Ugh. Sino ba 'tong nambubulabog? Aga-aga alas singko palang ng umaga.
Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin sa bintana ng kwarto ko. Si Lance lang naman na naka uniform. Oh gosh I almost forgot. First day of being a fourth year highschool student! -_- Arrgghh. I feel so old.
Bumaba na ako at lumabas sa bahay namin para papasukin si Lance.
"Thank you Lance! You save my life! I almost forgot na it's our first day of school pala. Arrgh! I hate it. Araw-araw nanaman akong magigising ng maaga. Tapos hindi na tayo magkaklase! Why is that? Bakit kasi antalino mo?" Tumawa lang sya at ginulo yung buhok ko. Tsk magulo na nga eh guguluhin pa.
