LARA'S POV
After ilang weeks eh balik normal nanaman ulit kami ng walangyang to. Pero hindi parin ako pinapansin ni Ashton. Ewan ko sa kanya bahala sya dyan! Hindi nya ko papansinin, edi hindi ko rin sya papansinin. Quits lang!
"UMUSOG KA NGA!"
"BAKIT NAMAN AKO UUSOG, HA?!"
"EH AMBAHO BAHO MO EH! AYAW MO LANG UMUSOG KASI CRUSH MO KO NO?"
"KAPAL! WAG KA NA MAGSALITA! DAGDAG POLUSYON YANG HININGA MO! EWW, YUCK! DUN KA!" Inusog ko yung upuan nya pa-kaliwa at habang inuusog ko yun,natumba yung upuan nya at ang lakas ng impact neto kaya napatingin sa kanya ang lahat ng kaklase namin.
"BWAHAHAHAHAHAHAHA!" -kaming lahat.
"Putakte ka talaga, Jane!" Tumayo na sya at inayos yung upuan nya. Binelatan ko lang sya.
"OKAY LANG YAN PAPA KEVIN, POGI KA PA RIN! HIHIHI" ewwness. -___-
"Ampanget mo mukha kang paa ko! Chos! Mas pogi yung paa ko sayo! BWAHAHAHA!"
"Tsk. Babawi ako sayo."
"Natatakot ako, shet!"
"Dapat lang."
"Sarcastic yun!"
"Sarcastic din yung aken!"
"Edi werw!"
Tumigil kami sa pagbabangayan nung dumating na yung teacher namin.
"Okay, may bago kayong kaklase. Sabi nya baka kilala niyo na raw sya. Hey, pasok ka na." Sinenyasan nya yung bago raw naming kaklase na pumasok.
Wait,parang kilala ko. Pero bakla sya e. Eh wala naman akong kakilalang bakla. Pero, pamilyar!
"Hi guys. Long time no see. Sa di nakakakilala sa beauty ko, Im Francis Romero nga pala. Pero Francheska nalang para long! Charot!"
Literal na napanganga ako dun. Nakatitig lang ako sa kanya.
FRANCIS ROMERO???!!!
Shet talaga this. Si Francis na naging matagal kong crush. Si Francis na minahal ko dati. Si Francis na ex ko, bakla?!
Nabalik lang ako sa sarili ko nung parang may naramdaman akong liquid sa bibig ko..
WHAT THE HECK??!!
Agad kong kinuha yung tissue sa bag ko at pinunasan ko yung bibig kong puro glue. Yung katabi ko naman, tawa ng tawa. Letse! Alam ko namang sya may kagagawan nito e, sino pa ba?! =___=+
"Peste ka!!"
"Bwahahahahaha! Revenge!" Tawa lang sya ng tawa dun. Dahil sa inis ko pinalamon ko sa kanya yung tissue.
"Ayan. Lamunin mo! Masarap yan, peste ka."
"Urrrggghhh. Takte! Ampanget mo, brad!" Tas pinunas nya yung tissue na galing sa bibig nya sa mukha ko.
"Ugh, kadiri ka! Pwede bang tumigil ka muna kahit ngayon lang? May teacher oh! Nyemas naman oh. Hmmp!" Kinotongan ko sya.
"Aray!"
"Tumigil ka!"
Tumigil naman sya. Good.
Binalik ko ang tingin ko kay Francis. Anlaki ng pinagbago nya. Naka-headband sya at naka make-up. Shemay Francis, anong ginawa mo sa sarili mo?
"Sino ang nakakakilala sa kanya?" -ma'am
Halos lahat kami nagtaas ng kamay. Tas yung be the be the kong kaklase e sinigaw na, "MA'AM EX PO YAN NI LARA!" Tas naghiyawan mga kaklase ko. Sige. =________=