LARA'S POV
Alas onse ng makauwi ako sa bahay. Ang ganda ng pambungad ko pag-uwi ko grabe, tinapunan ng tubig, pinadapa at papaluin sana ako pero inignore ko lang, ininterview ako about sa date namin, and stuffs. Ahh! Ansakit nila sa ulo!! Kaya mas pinili ko na lang magkulong sa kwarto ko at mag-isip-isip ng kahit anung bagay.
Bakit ganun? Sa sinehan antapang tapang ko manuod ng The Conjuring. Pero ngayon pag iniisip ko yung movie..WAAAHH! TT___TT Siguro kaya hindi ako natakot kasi andun si Francis? Pero ngayong mag-isa nalang ako dito sa madilim at malamig na kwarto, tsaka ako natakot!? Anu po? Arrgghh! Itutulog ko na nga lang 'to!
Pinatay ko na yung ilaw ng lampshade at sinubukang matulog.
Pero fail! =__= Kashi naman ih! Bakit kashi yung The Conjuring yung pinili kong panuorin ih?!
Tinry ko nalang matulog at... =____=
.
.
.
.
12:14 AM.
QWERTYUIOP! ASDFGHJKL! ZXCVBNM! POIUYTREWQ! LKJHGFDSA! MNBVCXZ! Guess what? DI PA RIN AKO MAKATULOG UUGGHH! Pumikit ka lang Lara. Wag kang didilat! Mas lalong hindi ka makakatulog nyan! Wag ka ring mag-isip about dun sa The Conjuring! Okay? OKAY.
.
.
.
.
1:37 AM.
Nagising nanaman ako! Lintsak na yan, andun na eh natutulog na ko e! Bigla lang may nanghila sa paa ko kaya nagising ako! Tinignan ko naman yung bandang paanan ko. Wala namang tao. Waahh!! May mumu TT__TT Yung scene na 'to gantong ganto rin yung sa The Conjuring! Huhuh. Tapos yung batang babae, tinignan yung ilalim ng kama nya. Tignan ko rin kaya? Uwaaa! Wag na. TT___TT Sana makatulog ulit ako.
.
.
.
.
3:07 AM
"He made me do this!!!"
.
"What?!!"
.
"Miss me?"
.
"Bwahahahaha!"
.
"It's already 3:07 am! Let's play! With me of course, Annabelle the doll!"
.
"Carolyn is already possessed by the spirit of Bathsheba!"
.
"Where's April? I need to find her! You! Stay there. Don't be afraid. I'm just going to find your sister."
.
"Under the floorboard! Oh my! Hurry! Possessed Carolyn is going there! Hurry! She might kill her daughter."
WHAT THE? BIGLA NALANG NAGREWIND SA ISIP KO YUNG IBANG SCENES NG THE CONJURING!! Tinignan ko kung anung oras na, at wtf? 3:07 am! Yung time kung saan nagsuicide si bathsheba! Waah TT__TT
*blag*blag*blag*
"J-j-Jade! A-al-alam k-kong na-nantitrip k-k-ka lang! H-hindi na-nakakatawa! Itigil mo na yan! Huwaaaaaa! MAMA SI JADE ANDITO SA KWARTO KO NASASAPIAN NA PO SIYA!!!"
*blag*blag*blag**blag*blag*blag**blag*blag*blag*
Nakapunta agad ako sa kwarto nila mama ng mabilis at binulabog sila,
"MAMA BANGON KA SI JADE SINASAPIAN NA PO SERYOSO PO AKO NGAYON PLEASE PO PUNTA PO KAYO SA KWARTO KO NGAYON!!! PLEASE PLEASE PLEASE!! TUMAWAG NA RIN PO KAYO NG PARI! PARA NAMAN PO KAY JADE ITO EH. PLEASE MA!!" pa-easy-easy lang bumangon si Mama at parang walang kababalaghang nangyari kaya nasigawan ko siya. Sorry po mama. Eh kasi e, kinakabahan lang ako kay Jade..
Agad-agad naman kaming nakapunta kay Jade at hindi na nya inuuntog yung ulo niya sa closet pero nakahiga na sya sa kama ko at tawa naman sya ng tawa ngayon tapos si Ashley andun din? Saan naman nanggaling yun?
Tinignan ko naman si mama sa gilid ko at nagpipigil ng tawa pero hindi na ata nya mapigilan kaya nakitawa na rin sya kina Jade at Ashley.
"Don't tell me nasasapian na rin po kayo?" hindi nalang nila ako pinansin at tumawa pa ng tumawa dun.
"Tatawag na ako ng pari. Asan na ba phone ko?" hahanapin ko sana pero hinawakan naman ako ni mama sa braso.
"Hindi mo pa rin ba gets? Gaga, nantitrip lang kami! Pinag-usapan namin 'to! Plano talaga naming takutin ka! Tinawagan namin si Francis tapos tinanong ko kung ano ginawa niyo nanuod lang daw kayo ng The Conjuring. Eh alam kong takot ka kaya ayan! BWAHAHAHAHAHAHA!"
"Tapos ate ako nanghila sa paa mo nagtago ako sa ilalim ng kama mo! Buti nalang hindi ka tumingin sa ilalim ng kama tulad ng ginawa nung babae dun sa The Conjuring! Wahahaha! Pero anlamok sa ilalim ng kama mo at ambaho! Linis-linis din!" at tumawa ulit sya.
"Grabe mama, sumakit yung ulo ko kakauntog dun sa closet ni ate! Dapat may bayad yung pag acting ko ah! Magaling naman ako kasi napaniwala si ate! Tsaka oy, yung dinownload kong The Conjuring sa cellphone ko! Nahirapan ako maghanap sa internet ah! Kalalabas lang kasi sa sinehan eh! May bayad din yun ah!" tumawa rin ang isang 'to.
Ah ok. So pinlano talaga nilang takutin ako. Acting lang talaga ang lahat. PAGKATAPOS KO MAGKA EYEBAGS DAHIL SA PESTENG ACTING NILA YAN PALALAMPASIN KO NALANG 'TO? Oo palalampasin ko lang wala akong laban sa kanila. -__- Isa lang ako tapos tatlo sila. Si papa nasa ibang bansa nagtatatrabaho. Si Kuya Luis ..matanda na kase eh (hahaha mga 24) may sarili na silang buhay ni Ate Shara (asawa nya po). Eh sya lang katangi-tangi kong kakampi dito pero wala na sya. Kawawa naman ako. :(
"Bwisit kayo. Lumayas na kayo sa kwarto ko."
"At ate may pahabol na satsat pa ako. Akala mo nagrerewind sa isip mo yung mga ibang scenes ng The Conjuring no? Kala mo lang! Pinlay ko kasi yun malapit sa tenga mo para masaya! Hahahaha! Shet grabe laftrip talaga ituu! Di ko talaga makakalimutan itong araw na ito!" -Jade. -_-
"Wahahahaha! Oo grabe! Tatawag ba naman daw ng pari! Kung hindi ba naman siraulo yang ate mo! Hahahahaha!" -mama. -_-
"Talaga? Sayang nasa ilalim lang kasi ako ng kama nya e hindi ako lumalabas kasi baka mabisto tayo! Alam niyo na, sumusunod lang ako sa utos niyo, mother earth and ate!" -Ashley. -_-
"LUMAYAS NA LANG KAYO. PLEASE LANG. AYAW KO LUMABAN KASI WALA AKONG PALAG." kawawa talaga ako sa kanila. Pag dumalaw si Kuya, magsusumbong ako sa kanya! Miss ko na yun!
"Haha! Okay! Goodnight! Sweetdreams!" -sabi nung dalawa kong kapatid.
"MWAH!" -sabay-sabay nilang sabi. -___-
Bwisit talaga. -________- Itutulog ko nalang 'to. >______<
