ASHTON'S POV
Hi guys. Poging Ashton Irwin Fortalejo nga pala. Wala kaming teacher ngayon kaya nakikipagkuwentuhan lang ako sa bestfriend kong tungaw na si Lara.
"Ashton, paano mo ba nakilala si Aila? Di ba sabi mo hindi mo sya sa school nakilala? Magkwento ka tungeks!"
"Osige.."
~FLASHBACK~
Summer na. Amboring amp. Tanda ko na pala. Third year highschool pagpasok.
"Hoy tol! McDo tayo...libre mo naman!" Yan pala yung kapatid kong nakababata saken. Si Irish Raven Fortalejo. Babae pero tomboy kumilos.
"Osige, bebe Irish!! Hehehe." Inaasar ko lang yan.
"Yuck! Raven na nga lang kase. Kadiri amp! Wag ka nang gumaya kay Jiro!"
"Hoy sino yun ha?"
"Yung gagong lalaking laging nang-aalaska lang naman sakin, kuya. Resbakan mo na ba? Ay wag kaya ko na pala yung mokong na yun!"
"Si Jiro Morales!?!?!"
"Oo kuya. Paano mo nalaman?"
"Basta! Tara na nga sa Mcdo, ugok." At ginulo ko yung buhok nya.
"Anu baaaa! kailangan guluhin yung buhok? Kainis!"
"Pasalamat ka lilibre kita sa Mcdo! Tara na!"
....
....
....
"Dyan ka lang. Wag kang makikipag-usap sa di mo kakilala. Oorder na ko!"
"Oo para namang aalis ako muntungeks to. Tss. Tsaka di na ko bata, please lang ha. Sige shoo!" FYI, maggegrade six palang yan si Raven.
"Tss. Tungaw ka." Pumunta na ko sa counter at umorder na.
Pero sa kasamaang palad...
"WAAAAH! Yung spaghetti, chicken, sundae, at fries ko! Bayaran mo yan. Bayaran mo kuya!! Waaaaaahh!!! Natapon na sila. Ansakit!" May babae kasing hindi tinitignan yung daan at nakafocus lang sya sa pagkain nya kaya ayan!
"At bakit? Sino ba kasi yung hindi tumitingin sa daan, ha?" Tinignan ko sya at...nabighani ako. Ang ganda nya.
"Talagang ako pa talaga! Bwiset!! Wala na. Wala na akong pangmeryenda! Nakakainis." Naka-uniform sya ngayon. Teka, bakasyon naman ah? Baka nagsusummer camp. Sa St. Elaine 'tong uniform eh kung saan ako nag-aaral. Shet schoolmate ko si Ms. Ganda!! Titignan ko sana yung ID nya kaso tinakpan nya naman agad. Sayang di ko malalaman yung pangalan!!
"Anong tinitingin tingin mo dyan? Brad, uso magsalita."
"Ah kasi ang ganda mo." Ay putek eto talagang bibig ko walang preno!
"Wala akong pake! Ano kala mo mawawala galit ko pag sinabihan mo kong maganda? Hinde!"
"Sorry na. Sige, bibilan nalang kita ng bagong pagkain mo." Aish! Nakakainis. Pasalamat sya.
"Talaga? Waaaaah! Salamat ah. Yieee. Kung gusto mo dagdagan mo na rin ah! Nux. Thanks ulit." Bigla nya naman akong niyakap. Wow ah feeling close siya. At masaya pa siya nun? Abnormal na maganda 'to.
"Ay sorry hehe sobrang saya lang! Ge, order ka na antayin kita dito." Umorder na ko tulad ng sabi niya.
Pagtapos ko umorder dumeretso na kami sa table namin. Nakita ko si Raven na inis na inis. Ano nanamang problema ng Irish na 'to?
"Kaya pala antagal-tagal mo, kuya. Nanchix ka lang pala! Buti nalang libre mo ako kundi nako nasapok na kita! Kainis."
"Chill, Irish."
