Napamura lang siya habang tanaw ang lugar kung saan pumasok ang girlfriend niyang si Zelle kasama ang isang lalaki. Ilang minuto na siya doon, at ni hindi niya mapaniwalaan ang katotohanan na ang long time girlfriend niya ay niloloko siya.
Ilan na nga ba sa mga pinsan, kaibigan at mga katrabaho niya ang nagsasabing ,may ibang dinadate ang girlfriend niya, but he don't believe them, mahal siya ni Zelle.
Pero pano kung mali siya? Ilang buwan na rin itong hindi nagpapakita sa kanya at ni hindi nito sinasagot ang tawag niya. Yes, he was busy pero may gumagawa siya ng oras para makausap at makasama si Zelle.
Now,eto siya nakita ang girlfriend niya na may kasamang iba at worst sa isang hotel pa.
"Damn it!" Napalabas na siyang ng sariling kotse at inudayan ng suntok sa mukha ang lalaking kasama ni Zelle.
"Oh my ! Sto-- Javier? A-anong ginagawa mo dito?" Tiim ang bagang na tinitigan niya ang babae.
"Ako ang dapat magtanong niyan?! Anony ginagawa mo sa lugar na ito at worst kasama mo ang lalaking to?" Dinuro duro niya pa ang lalaki na ngayon ay nakahumang na mula sa pagkakasuntok niya.
"Bro, sino ka ba?" Asik ng lalaki binalingan niya ito .
"Sino ako?! Ako ang boyfriend ng babaeng kasama mo?! Gago ka ba?!" Galit na galit siya at ni hindi niya magawang magtimpi .
"Javier, please, tumigil ka na.." Napatingin naman siya kay Zelle at ganon na lang ang kirot ng maramadaman nita ng lapitan nito ang lalaki at hawakan ang panga na sinuntok niya.
"Ano bang sinasabi mo?" Lumingon sa kanya si Zelle.
"I'm breaking up with you , I'm sorry Javier pero hindi na kita mahal. "
Parang bomba na sumabog sa pagmumukha niya ang sinabi ng girlfriend niya.
What ?! Ganon na lang yun? Tatlong taon niyang minahal ang babae pero bakit ganon kadali dito ang laha.
"Your kidding.." Nanghihinang usal niya.
Nakita niya ang lungkot sa mga nito, kaya naman mas nakaramdam siya ng kakaibang kirot.
"I'm sorry Javier.."
Halos maiwan siyang nakatulala , he can't believed it.
----"Opo.. sige po nay, mag-iingat po kayo."
Mabilis na ibinulsa niya ang cellphone ng makita ang ma'am Lyra nila. Nagtratrabaho kasi si Clarity bilang 'bell girl' sa isang sikat na hotel, kung saan sila ang nag-aayos o naglilinis ng mga silid doon.
"Good evening Ma'am." Bati niya sa kanilang manager. Ngumiti ito na para bang isang anghel ang nasa harapan niya, hindi man aminin ni Clarity ay sobra siyang namamangha sa kagandahan ng kanilang manager para kasi itong isa sa mga anghel na bumababa lamang sa lupa.
"Good evening din Clarity, pang night ship ka pala. " Tumango siya.
"Opo ma'am." Magalang niyang sagot, ngumiti ang babae sa kanya at nagulat pa siya na hinawakan nito ang mga kamay niya.
"Please, call me Ly."
"Po?" May kakaibang kiliti ang tawa nito kaya naman napangiti siya.
"Ly, I want you to called me Ly. I don't know pero ang gaan talaga ng pakiramdam ko sayo." Nahihiya na tumango siya. Binitawan lang siya nito ng may tumawag kay Lyra .
"Lyra, we have problem. "
"Ha? ok, just wait for me." Binalingan siya nito. "I have to go, bye Clarity. "
Tumango lang siya at sinundan na lang ng tingin si Lyra saka ang lalaking kasama nito.
Napabuga siya ng hangin saka muling tinulak ang dala niyang push cart, may roon kasi ng room na magtrotropa ata ang nanghingi ulit ng isang bed sheet .
BINABASA MO ANG
When He Fall.
RomanceJavier Montegredo, he was rich and a man with a dignity, pero halos madurog ang puso niya ng maaktuhan ang panloloko ng sariling karelasyon. He never know what was wrong with him, he drunk that he wanted to forget everything,pero ang galit at sakit...