It's been a week since Jennie left. Nalaman kaagad ng parents ni Nick 'yung nangyari kaya pinaalis siya sa camp. Dahil na rin sa kadahilanang mayroon siyang nilabag na rules. May nakitang liquor sa cabinet niya na hindi naman niya tinangging sa kaniya, dahilan upang mabigyan ng rason ang pamilya ni Nick na tanggalin siya sa camp. It was horrible, I couldn't do anything but watch her packed her bags and leave.
Jennie isn't the type of girl who would beg on her knees for forgiveness. But before she left I told her that what happened between us that night could just be forgotten and that she doesn't need to be sorry.
"Miss Park," may isang babaeng umakbay sa akin, and it was Miss Sandra, ang Digital Media instructor namin, "how's your portfolio?"
Inangat ko ang Polaroid na hawak-hawak ko, "I'm still working on it."
"Wala ka pang napapasang theme sa akin. May naisip ka na ba?"
"Actually, yes. I—" Huhugutin ko sana 'yung slingbag ko but I must've left it on Miss Lucrezia's room. "I forgot my bag."
"Well, I won't be going anywhere, kasisimula palang naman ng class natin. Go get it." Miss Sandra smiled at lumipat siya kay Maddie na nasa likuran ko kumukuha ng litro ng isang butterfly.
Lumabas ako sa greenhouse para bumalik sa room namin kanina, sa Devesse cabin. The door was wide open, kaya diretso ako sa pagpasok. Nakaramdam ako ng pagkataranta nang makita si Miss Lucrezia sa sahig, habang hirap sa pagtayo.
Agad akong lumapit sa kaniya at inalalayan ko siyang makatayo.
"Okay lang po ba kayo?"
"Ha? Hala, e. Oo, okay na okay ako. Buti nalang at may foam ang puwetan ko, kaya wala akong naramdaman."
"Buti naman po kung ganun."
Miss Lucrezia stared at me with her big golden eyes as if I have said something unusual. "Hala, e. Hindi ka makaintindi ng sarcasm, ano? Nagiging sarcastic lang ako." Natatawa niyang sinabi.
Nakangiti ko siyang pinagmasdan hanggang sa makaupo siya sa swivel chair niya.
"Ilang buwan na po siya?"
"Ha? Ang alin?"
Tinuro ko ang lumuobo niyang tsan. Like I said, she looks too young to become a mother. I even look older than her. I mean, I don't have anything against teen moms, but she looked like she's still in high school.
"Ah, hala e." she chuckled, "Sa totoo lang, hindi ko na nga binibilang kung gaano katagal ko na siya binubuhat. Minsan nga nakakalimutan ko buntis pala ako."
"If you don't mind me asking. How old are you?"
"Ako'y sixteen. H'wag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang unang nagtanong sa akin niyan. Alam ko, alam ko. Napakabata ko pa para mag trabaho bilang isang instructor sa summer camp na 'to. Substitute kasi ako ng mama ko, may sakit kasi siya. Sa totoo nga lang dalawang taon na siya may sakit at ako nalang ang mayroon siya. Tapos na buntis pa ako. Hala, e kaya iniisip ko nalang na ito na ata ang parusa sa akin—"
"Parusa? Like punishment? Alin po?"
"Wow, English." She laughed, "Yes. Like punishment. Hala, e. Alam mo na, iniwan kami ng aking ama, dahil doon nagkasakit ang mama ko. Kaylangan namin ng pera kaya nagtrabaho ako kapalit ni mama, pero dahil nga napakagastusera ko, ayun pinambuntis ko 'yung pera na dapat kay mama ilalaan. Kaya ngayon, doble-doble na ang hirap na nakapasan sa akin."
I couldn't find words to say, so I remained silent as I listened to all of her stories. To be honest, I liked listening to her talking, she has a lot to say.
BINABASA MO ANG
Saving Summer (BTSXBlackPink)
Teen Fiction-Date Started: 04/09/17 Cover made by: @seulemon- Thank you so much!! Trailer made by @SinisterSushi