THE MUSE
"Zachary gising!" yugyog na lamang nang kaklase niya.
Malabo-labo pa ang kanyang paningin nang napadilat nang mata mula sa pagkakahimbing.
Halos naglalaway pa siya nang lingunin ang paligid, ganoon na lamang ang pagkunot ng kanyang noo nang makita si Derek sa kanyang harapan.
"Tol, uwian na! kanina pa umalis si sir." Bulalas na lamang nito.
Napalibot siya nang tingin sa loob ng kanilang silid, halos ilan na lamang studyante ang nananatili roon kaya naman agad na lang siyang napapunas ng mata, naroon pa din ang inis at pag kairita niya mula sa pagkakagising pero.
Wala na siyang pakialam sa hitsura habang papalabas sila sa silid, kahit pa tinititigan nanaman siya ng ilang mga kaklase nila nang makahulugang. gusot pa kasi ang kanyang damit at magulo ang kanyang buhok sa kakakamot, napatigil lang siya at napaayos nang maaninag ang pagdaan ni Josephine sa kanyang harapan.
Ganoon na lamang ang ngiting namutawi sa kanya dahil sa tuwa na makita ito.
"Josephine!" masaya niyang tawag.
Pero ganoon na lang ang gulat nito at dali daling tumakbo papalayo. napahabol na lamang siya papalabas upang mas matingnan ng maayos ito habang lumalayo at sa buong sandaling iyon ay nananatili ang malapad niyang ngiti.
"Tol! Ayan ka nanaman, tigilan mo na nga iyan." Pigil na kapit na lamang ni Derek sa kanyang balikat.
Pero nanatili pa rin siya sa kinatatayuan upang pagmasdan ang mala anghel na hitsura ng dalaga, parang sumusunod sa hangin ang bawat wagayway nang buhok nito na sinabayan pa ng magandang paghapit ng uniporme sa katawan habang tumatakbo.
Nawala lang ang kanyang masayang pakiramdam nang mapansin ang pag hinto nito sa tabi ng isang lalaki, agad na siyang napasimangot nang lumingon ito sa kanilang direksyon at pakatitigan siya ng masama.
"Tol, tara na sabi." Hatak na lang ni Derek sa kanya upang iiwas na ang kanyang tingin sa mga ito.
Napabuntong hininga na lamang siya dahil sa pagkadismaya kung bakit nananatili pa rin si Josephine sa tabi ng kasintahan nitong si Ronald.
Parang may kung anong pumitik na lamang sa kanyang isipan.
"Samahan mo ako mamaya." Nakangiting baling niya sa kaibigan habang naglalakad sila.
"Saan naman?" napakunot na lamang ito ng noo.
"Eh di sa holloween party mamaya!" ngiting saad niya na lang kay Derek na siyang nagpalaki sa mga mata nito.
*****
"Tol! itigil mo na ito, mapapahamak ka lang sa ginagawa mo." bulong na sita na lamang ni Derek sa kanya.
Bakas sa namumutla nitong mukha ang kaba at tension habang nandoon, isinama niya kasi ito sa pagpuslit sa loob ng eskwelahan habang abala ang kanilang mga kaklase at guro sa programa.
"Wag kang mag alala akong bahala." Natatawang bara na lang ni Zachary habang pilit binubuksan ang locker ni Josephine.
Ganoon na lamang ang pagningning ng kanyang mga mata nang tuluyan na itong mabuksan, para siyang nalasing nang maamoy ang halimuyak ng pabango nito sa loob noon at makita ang ilang litrato ng dalaga sa loob, napangiti lang siya nang mapait nang makita na ang ilan sa mga ito ay kasama pa rin ang kasintahan.
"Zach! hindi ka pa ba nadadala," tiim bagang na hatak na lang ni Derek sa manggas nang kanyang damit "alam mo ba kung ano ang sinasabi ng mga kaklase natin tungkol sa iyo." pang gagalaiti nito.