Entry #5: Black and White

112 3 4
                                    

BLACK AND WHITE


"Wala ka bang napapansing kakaiba kay Marcus, Andrea?"

"Kakaiba? Wala naman, Thea. Ang active nga niya ngayon e at ang sipag pa sa klase."

"Sabagay. Sige mauna na ako, may tatapusin pa kasi akong project."

Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba ngayon kay Marcus? Bakit parang imbis na makita kong nag-i-improve siya ay mas nangangamba ako.

"Ang lalim ng iniisip mo ha? Ako ba 'yan, Thea?"

"Ma-Marcus? Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Mga 3 minutes pa lang siguro ang nakakaraan." Ano yung amoy na 'yon? Nakainom ba siya?

"Marcus, nakainom ka ba?"

"Sshh! 'Wag kang maingay! Ngayon lang 'to."

"Marcus, kaibigan kita pero ayokong kunsitihin 'yang ginagawa mo. Baka mahuli ka ni Teacher Glenda or si Madam principal."

"Hindi 'yan basta 'wag ka lang magsusumbong. Bye, Thea labs!" Baliw! Nag-flying kiss pa ang loko.

***

"Ma'am, punta akong clinic, sobrang sakit ng sikmura ko."

"Sure, Marcus. Thea, i-assist mo siya. Make sure hindi siya pupunta kung saan."

"Ma'am naman! Tara na, Thea. Ang sakit talaga e."

"Siguro hindi ka na naman nag-breakfast no?"

"Hindi nga. Wala akong gana. Iinom ko lang 'to ng gamot. Una ka na." Gamot? Baka alak lang iinumin nito.

"Sasamahan kita. Baka uminom ka lang ng alak e."

"Grabe ka sa akin!" Nagulat na lang ako ng hinila niya ako sa ibang direksyon.

Dinala niya ako sa hiding place niya. sa may playground, sa gilid ng halamanan. May nakatago siyang alak.

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay umiinom. Tila matagal na siyang ganito at hindi ko lang napapansin.

"Kailan mo pa 'yan ginagawa? "

"Matagal na simula nang namatay si mama. 2 years ago na. Galing ko magtago no? " ani Marcus habang patawa-tawa pa pero halata ko sa kanyang mga mata na sobrang lungkot niya. Kung malalaman ko lang ang problema niya e.

"Marcus, alam mong andito lang ako palagi kapag kailangan mo ng makakausap ha!" Nginitian lang niya ako ng pilit saka hinila pabalik ng classroom.

***

"Ano ba 'yan? Ang ingay naman ng phone ko. Natutulog yung tao e. Sino ba 'tong tumatawag?"

Rico? Hindi naman ako tinatawagan ng kaklase kong 'to ha! Teka may text.

Si Marcus? Nasa park ng ganitong oras? Mapuntahan nga.

"Marcus, tama na! Bakit ka ba laging naglalasing? Tigilan mo na 'yan!"

"Wala lang 'to. Gabi na. Uwi ka na! Hindi naman ako nalalasing, e!"

"Marcus, kaibigan mo ako. Bakit ayaw mong magsabi sa akin?"

"Bakit mo ba ako pinapakialaman? Hindi mo naman ako maiintindihan kahit sabihin ko sa 'yo. Walang makakaintindi sa nararamdaman ko."

"Kaya nga nandito ako, e. Nandito ako para tulungan ka. Para maramdaman mong hindi ka nag-iisa."

"Kalokohan! Matagal na akong ganito. Sanay na akong mag-isa. Sanay na akong nasa dilim. Hindi ko na nakikitang may liwanag pa sa kinabukasan ko."

"Hindi totoo 'yan, Marcus. Bata ka pa. Marami pang p'wedeng mangyari. Kung ano ka man ngayon, mababago mo pa 'yan. 'wag kang mabuhay sa nakaraan."

"Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ikaw yung nakakaramdam ng nararamdaman ko." Huminto siya at nakita kong tumutulo nang kusa. Nagsalita siyang muli. "Naranasan mo na bang ang saya-saya mo pero bigla ka na lang malulungkot at iiyak sa isang tabi. Biglang maiisip kung bakit namatay ang mama at palagi kang binubugbog ng tatay mo noong maliit ka pa. Hindi ikaw yung nawawalan ng ganang kumain kahit paborito mo naman yung nakahain. Hindi ikaw yung kahit anong pag-tumbling at pagpapaantok ang gawin ay hindi makatulog. Hindi ikaw yung taong sinisisi ang sarili kung bakit nabuhay pa siya sa mundo. Hindi ikaw yung nakakaisip palagi na wala kang halaga sa mundo at pabigat ka lang. Hindi ikaw yung araw-araw nagbabalak na mamatay."

"Marcus, sorry. Hindi ko alam na sobrang bigat na pala ng nararamdaman mo."

"Pinipilit ko namang maging normal na teenager, e. Pinipilit kong mag-focus sa pag-aaral at makipagkaibigan...

Nakikita n'yo naman 'di ba? Pero hindi n'yo nakikita kung gaano ako nahihirapan. Alak na lang ang kakampi ko. Kapag nakainom ako, lumalakas ako. Nakakalimutan ko ang mga problema ko at pwede kong magawa ang mga ginagawa ng mga kagaya kong bata."

"Pero pagkatapos naman niyan ay babalik ka sa dati. Hindi nakak-"

"Pati ba naman ang sandaling maging masaya ako, ipagkakait mo pa? Akala ko ba maiintindihan mo ako kapag nalaman mo? Bakit ba kasi ako nag-aaksaya ng panahon magpaintindi sa 'yo. Akin na nga 'yang iniinom ko."

"Marcus, hindi sa ganoon. Naiintindihan naman kita pero mas maganda kung hindi panandalian ang magiging solusyon sa problema mo. May kakilala akong p'wedeng tumulong sa 'yo. "

"Hindi ko kayo kailangan."

"Marcus, 'wag kang umalis. Please, Marcus bumalik ka."

***

Isang taon na ang lumipas nang huli kong makita si Marcus. Nabalitaan kong nagpa-rehab siya at pagaling na. Kahit hindi ko siya nakikita ay masaya akong may pagbabago sa kanya. May nakakaintindi na rin at nag-aalaga sa kanya.

VOLUME 2: LOST BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon