Entry #4: Ang Anak ng Araw

145 7 4
                                    

ANG ANAK NG ARAW


To: Louise Barbarona <marahuyo1990@gmail.com>
From: Zachary Faraon <zacharymfaraon.dlsu.edu.ph>
Date: December 16, 2005
Subject: My Obsession


Dear Louise,

Good afternoon!

This is in response to your email last November 28. Unfortunately, hindi ko kayang makipag-meet sa 'yo next week. Nasa Davao kasi ako ngayon para sa research ko. By the way, interesado ako sa novel mo. A Strange Addiction. Nagmana ka nga sa Mommy mo. Noong college kami, nagsusulat din siya ng novel. Base sa pagkakaalaala ko, ang title no'n ay Brightest Angels. Tungkol 'yon sa mga GRO na naadik sa pakikipagtalik.

Hindi mo nabanggit sa email kung tungkol saan 'yong novel. Siguro, mas matutulungan kita kapag kumpletong details ang ibibigay mo. Marami kasing puwedeng ibig-sabihin ang 'Addiction'. Dinagdagan mo pa ng word na 'Strange'. Ang naalala ko sa title mo is 'yong mga weird na obsessions ng mga tao. Like Orchestromania o iyong pagkaadik ng isang tao sa sayaw. Alam mo 'yon, kapag nakarinig ng music, automatic na gagalaw ang balakang nila, kahit pa tunog 'yon sa wedding ng ibang tao, o kaya, sa funeral. Naalala ko na naman ang Mommy mo. Wala siyang Orchestromania, pero, sobrang hilig niya sumayaw. Ganoon pa rin ba siya ngayon? Noon nga, kahit nagre-review ako para sa exam, niyayaya niya pa rin akong mag-disco. Yes, matanda na nga talaga kami. DISCO. Lagi kaming pumupunta sa Ozone Disco Club, 'yong bar sa QC na nasunog noong 1996. Actually, marami pang strange na obsession. Mayroong mga táong kumakain ng buhok, ng bubog, ng rock! God, buti na lang, we're normal. Pero, sabi nga ng Mommy mo, walang normal.

Mag-reply ka na lang dito para mapag-usapan natin ang novel mo. Pakikumusta na lang ako kay Ellena. Thank you and good luck.

Best regards,

Zachary


Zachary Faraon, PhD
Associate Professor, College of Science
Graduate School of Education, Arts, and Sciences (GSEAS)
2/F Henry Sy, Sr. Hall De La Salle University
Taft Avenue
Manila, Philippines

Tel No.: 63 2 789-98331
Fax No.: 63 2 789-928901
Mobile No.: 63 910 423-4188
Email: zacharymfaraon.dlsu.edu.ph




Mabilis akong magsawa. 'Yong mga kanta sa Walkman ko, hindi tumatagal nang isang buwan. Kapag paulit-paulit ko kasing pinakikinggan, para akong nabibingi. Nawawala na ang ganda ng boses ng mga kumanta. Laging naghahanap ng bago ang tainga ko. 'Yong mga palabas naman sa TV, hindi ko natatápos. Nagsasawa ako sa mga mukha ng artista. Pero, mayroon akong bagay na hindi pinagsasawaan. Mali. Mayroon akong tao na hindi pinagsasawaan. Si Ellena.

Nakilala ko siya noong nasa bus ako papunta sa Maynila. Nakatingin lang ako sa bintana noon, pinapanood ang umaandar na paligid. Pero ang totoo, ako talaga ang umaandar, ang bus. Pinakikinggan ko noon ang Paraluman ng E-heads sa aking earphones. Ngunit, nangingibabaw pa rin ang boses ng pasahero na nakaupo sa aking tapat.

"Look, Mommy, bakit ang puti no'ng lalaki? He's from America ba?" pagtatanong ng batang lalaki na nakakandong sa babae.

Tumingin sa akin 'yong nanay. "Hindi, baby. Anak-araw siya."

"What's anak-araw? Monster ba 'yon? Monster ba 'yong maputing lalaki?" malakas na sabi ng bata.

Hindi ko naiwasan na tingnan ang mag-ina. Hindi naman mukhang mayaman, pero, kung makapagsalita 'yong bata, akala mo, pagmamay-ari nila ang bus na sinasakyan namin. Kagaya ng lagi kong ginagawa, kunwari, wala akong narinig. Tumingin na lang ulit ako sa bintana. Parang umaandar na naman ang mga puno at bahay sa Rizal.

VOLUME 2: LOST BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon