One

1.9K 47 68
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat

----

'Isang tasang kape. Kape ang dahilan kung bakit tayo nagkatagpo. Isang tasang kape na natabig mo ng di sinasadya. Isang kape. Gusto ko pa ng isa pang kape at baka tulad ng dati matabig mo ito at makita kitang muli.'

-

Nakaupo si Alyssa sa isang lamesa sa tabi ng bintana sa isang coffee shop. Tinitingnan nya ang mga tao na naglalakad habang hinihintay nyang dumating ang madalas nyang order na kape. Ang all time favorite, Caramel Macchiato.

" 자, 드세요. (Here's your order)"sabi ng waitress sa kanya at nilagay ang order nya sa lamesa nya.

"감사 합니다 (Thank You)." sabi ni Alyssa sa waitress at nag-bow muna ito bago umalis. Dahan-dahan nyang ininom ang kanyang kape at muling tumanaw sa bintana.

South Korea.

Ang bansa na pinanggalingan ng Korean drama tulad ng Coffee Prince, Full House at Princess Hours na isa sa mga palabas na nagtaas ng expectation ng mga tao sa mga love story at ideal partner nila. Dito din nagmula ang K-pop na kahit iilan lamang ang nakakaintindi kung ano ang kanta at hindi nila maayos na makinta ito maliban sa English part, pero madalas pa ding marinig sa radyo.

Maliban sa mga nasabi sigurado sya na iilan lang ang nakakaalala o nakakaalam ng naganap na kasaysayan ng bansang ito bago matamasa ang meron sila ngayon. Na ang bansang pinanggalingan ng mga kinahuhumalingan nila ay dating isa sa mga higit na naapektuhan ng mga gyera ng mundo na sinikap na unti-unting pinilit binangon ang sarili hanggang sa ngayon ay isa na sa maunlad na bansa sa mundo. Hindi maikakaila ni Alyssa na isa ito sa mga istorya na nagpapaalala sa kanya na kaya mong matamasa ang tagumpay sa kahit anong pagsubok kung magsisikap ka at pipiltin mong makabangon.

Sa katunayan wala gaanong alam na Korean si Alyssa pero heto sya at pumunta sa di pamilyar na lugar at pinili nyang dito magbakasyon. Nilabas ni Alyssa ang isang maliit na notebook at iniiisa-isa ang gusto nyang gawin dito habang nasa bakasyon. Sa pinakalikod ng notebook ay ang isa sa dahilan kung bakit nya pinili na dito magbakasyon. Ang litrato na nakita ni Ella. Litrato nang isang babae na hindi nya alam ang pangalan.

Ibinalik ni Alyssa ang notebook sa bag bago muling binaling ni Alyssa ang mata sa labas ng coffee shop. Sa pambihirang pagkakataon nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na babae na naka-berdeng parka at naka puting earphones. Agaran syang nag-iwan ng pera sa lamesa kasama ang inorder nyang kape bago kunin ang kanyang gamit at tumakbo sa labas ng coffee shop para habulin ang babae.

Paglabas nya sinipat nya ang daan kung saan nya nakita na papalakad ang babae. Lumakad sya ng ilang hakbang bago nya nakita nya itong nakatigil sa isang food stall, na parang fish ball stand, at kumakain ng ma-orange na mukhang kikiam na pagkain.

Hindi pa sya tuluyang nakakalapit pero naririnig nya na ang musika sa earphone neto.

"Excuse me." sabi ni Alyssa habang nakatayo sya sa likod ng babaeng nakita nya kanina habang nasa coffee shop at lumingon naman ang babae sa kanya. At di maikakaila sya nga ang babaeng nasa larawan ngunit tumanda ang itsura pero ganun pa din nanatili ang kanyang ganda. "Ikaw nga!" sabi ni Alyssa ng buong galak.

"I'm sorry, do I know you?" tanong ng babae sa kanya na nakakunot ang noo at uminom ng kung ano man sa isang puting paper cup.

"No but," sabi ni Alyssa at nilabas mula sa kanyang notebook ang litrato na naging dahilan kung bakit sya andito. "This is you, right?" sabi ni Alyssa at pinakita ang litrato sa babae na hawig ng babaeng nasa harapan nya ngayon pero mas bata ang itsura ng babae sa litrato.

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon