Four

1.2K 41 44
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat

-----

'Sumasayaw sa ballad at nag-dra-drama sa rock music. Kakaibang papananaw natin sa bawat kumpas at tugtog ng musikang hindi natin nilagyan ng genre para magustuhan. Hindi nilagyan ng genre. Parang tayo. Hindi nilagayan ng label para mas magkagustuhan.'

-

Nilibot ni Alyssa ang mata sa loob ng club. Inaasahan nyang sobrang dilim dito pero maliwanag at may led lights pa. As expected Korean ang mga kanta pero hindi K-pop kundi EDM at minsan club music. Pagkatapos nilang pumasok pumunta sila sa tabi ng isang maliit at medyo katamtaman na bilog na table wala itong upuan kaya kinailangan nila na nakatayo. Malapit lang ang table nila sa dance floor at tanaw ang DJ na nasa stage. Si Mika naman na nakatayo sa tabi nya ay busy sa pag-ce-cellphone habang nakasalubong ang kilay nito.

"Hay nako, ang tagal nila dumating." sabi ni Mika na halatang naiinis na."Umiinom ka ba?" tanong ni Mika at tumango si Alyssa. "Sige. Pero mamaya na lang, hinayin muna natin yung mga kaibigan ko."

"Andito din ba sila?" tanong ni Alyssa

"Sila nag-aya kaya nauna na yun dito pero hindi sinasagot text at tawag ko." sabi ni Mika at muling binalik ang atensyon sa cellphone. "Teka hanapin ko na lang sila. Saglit lang ako wag kang aalis dyan." bilin ni Mika at tumango si Alyssa

Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Mika ng may Koreano na lumapit kay Alyssa. Bago pa man makapagsalita ito ay mabilis na pumagitna si Mika, ang isa nitong braso ay nakapatong sa table at nakaharap sa lalaking nanliit dahil sa tangkad ni Mika.

"그녀는 여자 친구 야 (back off she's my girlfriend.)" rinig nyang sabi ni Mika na may diin at tila natakot na umalis agad ang Koreano. Pagkatapos masigurado na nakalayo na yung Koreano, umayos ng tayo si Mika at lumayo ng konti bago hinarap si Alyssa. "Nagbago na isip ko. Hayaan na lang natin sila na ang humanap sa'tin." sabi ni Mika na nakaunot ang noo.

"Anong sinabi mo dun sa Koreano?" tanong ni Alyssa. "Parang natakot."

"Sabi ko babaliin ko buto nya paglumapit pa sa'yo." sabi ni Mika at nanlaki ang mata ni Alyssa na nakapagpangiti kay Mika. "Joke lang. Sabi ko hindi ka interisado."

"Wala naman akong sinabing ganun ah." bulong ni Alyssa pero narinig pa rin yun ni Mika.

"Ah teka hahanapin ko sya para sa'yo." sabi ni Mika at akmang aalis ng hawakan ni Alyssa ang braso nito.

"Eto naman di mabiro." sabi ni Alyssa at natigilan sya ng makita na tinitingnan ni Mika ang kamay nyang nakahawak sa braso nya. "Ay, sorry." saad nya, binawi nya ang kamay at pinilit na hindi mapatingin kay Mika na nasa tabi nya.

"Oh! Andito ka na pala." salubong ng isang babae na hindi kilala ni Alyssa napatingin silang dalawa sa babae.

"Ang tagal mo." sabi ni Mika na medyo naiinis pa din. "Saka wag ka ngang pabigla-biglang nag-aaya, Cienne." sabi ni Mika at tinawanan lang sya ng babae. "Si Alyssa—"

"Alyssa Valdez!" sigaw ni Cienne na bakas sa mukha ang pagkagulat at saya. "Cienne Cruz, here. I am a huge fan!" dagdag nito at niyakap si Alyssa ng mabilis. "Pwede pa picture?" saad ni Cienne at akmang kukunin ang cellphone sa bulsa ng awatin ito ni Mika.

"Andito sya para mag-party hindi para mag-fan meeting." saad ni Mika at aangal sana si Cienne ng sinamaan sya ng tingin ni Mika.

"Sus. KJ mo talaga after nyo magbreak ni—" hindi na natuloy nito ang sinabi ng may biglang sumigaw papalapit sa kanila

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon