Two

1.4K 40 32
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isasa part ng mga sulat

----

'Black coffee ang madalas mong inumin tuwing umaga. Sa di malamang dahilan gusto mo ang matapang na kapeng iyon na hindi ko kalianman na gustuhan pero heto ako umiinom ng isang black coffee kasama ang panghihinayang. Na sana tulad ng pagkahilig mo sa black coffee at tulad ng kapeng ito, sana parehas tayong naging matapang.'

-

Napangiti si Alyssa ng makita nya si Mika na parating mula sa kinauupuan nya sa loob ng isang coffee shop. Kahapon lang nakita nya ito na sinusungitan pa sya pero ngayon sya na mismo ang lumalapit sa kanya at tutulungan pa syang hanapin ang sadya nya dito.

"Okay, so let's start." sabi ni Mika kaagad matapos maupo sa tapat ni Alyssa.

"Gusto mo munang umorder? Libre ko." tanong ni Alyssa just then a waitress stopped by their side.

"뜨거운 개피 한잔 주세요(Please give me a cup of hot coffee)" sabi ni Mika

"설탕 넣어 드릴까요? (Would you like some sugar?)" tanong ng waitress

"아니요, 됐습니다. 그냥 주세요. (No, thank you. Just black, please.)" sabi ni Mika at saka nagbow ang waitress bago ito umalis. "Okay, una sa lahat tinutulungan kita for the sake of my mom. Kung hindi natin mahanap kung sino nagsulat nyan after two weeks then okay na. Wala ng extention." sabi ni Mika at agad na sumanggayon si Alyssa.

"Pero yung start ng bilang dapat yung araw na naghanap tayo sa kanya ah." sabi ni Alyssa at tumango si Mika

"Okay, so balik na tayo. Tell me about this letter." saad ni Mika

"Okay," panimula ni Alyssa. "Nakita ko 'tong letter na 'to sa isang kahon sa sulok ng cupboard ng nilipatan kong apartment. Tinanong ko yung land lord kung may address or contact sya ng previous owner pero wala daw iniwan."

"Kapit bahay?" tanong ni Mika

"Pinagtanong ko din dun kung sino yung dating may-ari sa mga kapitbahay pero hindi nila kilala dahil mostly ng nakatira dun bago lang din at medyo may edad na yung land lord so hindi nya gaanong maalala ang pangalan." paliwanag ni Alyssa

"Bukod sa sulat ano pa yung nasa kahon?" tanong ni Mika at nilabas ni Alyssa mula sa maliit na notebook ang punit na litrato ni Mika

"Eto lang at yung sulat yung nasa kahon." puna ni Alyssa. "Kaya nung nakita ko ito, nagbakasali ako na kilala mo kung sino yung nagsulat."

"Tapos? Dun ka na nagdecide na pumunta dito?" tanong ni Mika

Tumango si Alyssa "I'm sure ikaw 'tong nasa picture." sabi ni Alyssa bago nito ininaob ang litrato para makita ang sulat nito sa likod. "pero yung date sa likod meant it's been years since this picture was taken. It also includes a place where this must have been taken. So, here I am."

Dumating ang waitress at inilagay sa mesa ang inorder ni Mika.

"자, 드세요. 맛이 괜찮을지 모르겠네요 (Here you go. I hope it tastes okay.)" sabi ng waitress at tumango si Mika bago nagbow ang waitress at tuluyang umalis.

Saglit na nagtitigan sila Mika at Alyssa bago magsalita si Mika.

"What makes you think na kilala ko nga nagsulat nyan or kung kilala ko yung sinulatan?" tanong ni Mika

"Gut feeling." simpleng sagot ni Alyssa. "My gut feeling never failed me. See? My gut feeling made me stay sa coffee shop na kung saan ka dumaan kaya nagkita kita."

Mika scoffs. "Gut feeling." ulit ni Mika. "Pano na lang kung hindi mo ako nakita? San mo hahanapin yang nagsulat ng sulat na yan?"

"Siguradong makikita kita." siguradong sagot ni Alyssa. "Like kung pano ako nakapunta sa inyo ipagtatanong ko kung saan ka. Kaya at some point makikita at makikilala pa rin talaga kita." saad ni Alyssa at tinitigan lang sya ni Mika ng ilang segundo bago ito nagsimulang magsalita ulit.

"Pano mo nalaman na I speak English? Nagulat ako nung kinausap mo ako in English when most people would ask a stranger in Korea in Hangul." tanong ni Mika

"Yung tugtog na pinapakinggan mo. E-heads yun di ba?" sabi ni Alyssa. "Lam mo masamang makinig ng ganun kalakas with earphones." ani ni Alyssa pero hindi lang sya pinansin ni Mika.

"Anong plano mo?" tanong ni Mika bago kinuha ang isang mail envelope at itinaas ito. "Walang address, meaning hindi dumaan sa post office." saad ni Mika at binalik sa lamesa ang mail envelope. "At base sa sinabi mo kahapon, walang trace bilang clue ng kahit ano sa sulat kung sino sino ang nasa sulat o kung sino ang sumulat maliban sa nakasulat na pangalan ng mga lugar."

"Can we call the author miss A?" tanong ni Alyssa na nagpakunot ng nood ni Mika. "Medyo nakakalito kasi ilang beses na memention yung word na sulat sa iisang sentence. To identify her let's call her miss A"

"Miss A?" ulit ni Mika. "Yung girl group?"

"Girl group?" ulit ni Alyssa na may nagtatakang tingin

"Bad Girl. Good Girl?" sabi ni Mika at patuloy lang ang nagtatakang tingin ni Alyssa sa kanya. Umupo ng maayos si Mika at nagsimulang kumanta ng mahina. "You don't know me. You don't me. So shut up boy! So shut up..." Hiindi na natapos ni Mika ang pagkanta ng makita si Alyssa na nagpipigil ng tawa. "Kilala mo sila, tama?" sabi ni Mika at tumango si Alyssa at tuluyan ng tumawa. Napasandal na lang si Mika sa upuan nya habang nagpipigil ng inis.

"Sorry, hindi ko kasi inaasahan na kakanta ka." sabi ni Alyssa na pilit pa din na pinipigil ang tawa. "Okay, I meant na Miss A like initial letter na A. Kasi may A yung kahon." sabi ni Alyssa at turo sa kahon na may malaking lettrang A na marka.

"Fine. Si Miss A, pa'no mo hahanapin?" tanong ni Mika na halata pa din ang inis sa boses.

"Hmm, pupuntahan ko yung mga lugar na nasa sulat para maghanap ng clue." simpleng sago ni Alyssa

"That's vague pano mo sya mahahanap sa ganun?"

"Gut feeling."

Lalong nagsalubong ang kilay ni Mika. "Seryoso ka ba talaga?"

Tumango ng paulit-ulit si Alyssa. "Like I said, my gut feeling never failed me." saad nito at nilagay ang sulat at litrato sa kahon bago ito marahang tinulak papunta kay Mika. "Here, you could borrow these letters para mabasa mo."

"Ayoko." pagtanggi ni Mika at tinulak ito pabalik kay Alyssa.

"Sige na." pagpupumilit ni Alyssa at saka itinulak ito pabalik kay Mika. "Baka may clue kang makita at baka alam mo kung san yung mga lugar na nandyan." sabi ni Alyssa at ngumiti ng kay tamis."Tapos bukas tayo mag-start."

Kinuha ni Mika ang kahon at tumingin kay Alyssa ng masinsinan.

"Pinapalala ko lang, two weeks. Pag walang progress stop na tayo sa paghahanap." sabi ni Mika at tumango si Alyssa. "Okay?" dagdag ni Mika at tumango si Alyssa

"Okay."



1708151142

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon