Six

1.1K 43 37
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat

-----

'Tatlong beses sa isang araw ang normal na tao kung kumain. Pero tayo'y kakaiba. Apat, anim, walo. Basta may makita tayong street food na masarap na panlaman sikmura titigil at titigil tayo sa paglalakad at pupunuuin ang sikmura nating malamang hindi pa na nakaka-digest sa mga nauna nating kinain. Pero wala tayong pakialam kung na digest na ba nila. Gusto nating mabusog at yun lang ang tangi nating alam.Tulad ng pagmamahalan na tayo lang ang may alam.'

-

Habang nagsusuklay ng buhok tinanaw ni Alyssa si Mika na nakaupo sa sofa habang nag-ce-cellphone

"Argh! Bad trip." sigaw ni Mika at napatingin kay Alyssa na nakatingin sa kanya. "Sorry, naglalro kasi ako ng Mobile Legends."

"Okay lang. Ganyan din sila Ella although ngayon EverWing na pinagkakaabalahan nila." sabi ni Alyssa

"Ella?" ulit ni Mika

"Yung College teammate ko sa Pinas." paliwanag ni Alyssa. "Sya nga pala ano yung orange na kikiam na kinakain mo nung nakita kita?" tanong ni Alyssa at umupo sa tabi ni Mika sa sofa

"Kikiam?" nagtatakang ulit ni Mika

"Yung orange na something tas may parang sabaw na orange. Nakikita ko madalas sa Korean drama yun eh." paliwanag ni Alyssa

"Ah, tteokbukki yun." sabi ni Mika at nag-snap ng fingers. "Gusto mo food trip tayo? Ng mga ganun?"

"Tama! Andun din yun sa sulat di ba?" saad ni Alyssa na tila nabuhayan.

"Game?" tanong ni Mika na may tipid na ngiti

"Game!" saad ni Alyssa at dali-daling kinuha ang gamit nya.

Hindi katagalan nakapunta sila Mika sa destinasyon nila at pumunta sa isang stall na nagbebenta ng pamilyar na pagkain sa paningin ni Alyssa.

"Tteokbokki tawag dito." turo ni Mika sa pagkain sa harapan nya. "Yang bright red or orange sauce tawag dyan gochujang. Gawa yan sa fermented soybeans and red chillies na ginagamit sa Korean dishes tulad ng bibimbap."

"Oh! Masarap yun." sabi ni Alyssa at kumuha ng isang stick.

"Maanghang yan ah." bilin ni Mika at kumain. Tumango naman si Alyssa bago sya kumain diin. "Ano masarap?" tanong ni Mika at tango lang ang sagot ni Alyssa.

"Pabili pa ako ng isa pa." sabi ni Alyssa at napatawa ng mahina si Mika. Kumuha ulit ng isa pang stick si Alyssa at saka kumain. "Ang sarap." saad ni Alyssa

"Tama na yang dalawa ah." sabi ni Mika at parang batang inagawan ng candy ang naging itsura ni Alyssa na kinatawa nya. "Para may space pa tyan mo para sa ibang pagkain."

"Meron yan, tiwala lang." sabi ni Alyssa at patuloy sa pagkain.

Pagkatapos ng apat na stick ni Alyssa at Mika naglakad ulit sila at huminto sa isang stall.

"Yangnyeom Tongdak naman ang tawag dito." saad ni Mika

"Yangnyeom Tongdak." ulit ni Alyssa at tumanggo si Mika. "Fried chicken ba yan?"

Tumango si Mika. "Flavored fried chicken ganun. Mas masarap 'to kasi matamis na maanghang."

Kumuha si Alyssa ng isang order at sinimulang kumain.

"May combo yan na madalas gawin dito, known as chimek. Chicken plus mekju. Mekju is beer in Korean." saad ni Mika at kumuha na rin ng portion nya ng pagkain.

"Ohh. Pulutan ganun?" sabi ni Alyssa at patuloy na kumakain. Tumango si Mika at hindi namuna sila nag-usap dahil sa pagka-busy sa pagkain. "Ano next natin?" tanong ni Alyssa pagkatapos lunukin ang hindi na nya nabilang na chicken.

Nag-abot ng bayad si Mika sa tindera at saka sinipat ang lugar. "Dun tayo." sabi nya at tinuro ang isang stall. "Twigim naman ang tawag dito." saad ni Mika at tiningnan ni Alyssa ito ng maigi

"Parang Japanese tempura." puna ni Alyssa

"Yup. Para 'tong Japanese tempura but more substantial. May succulent squid, a hash of vegetables, sweet potatoes and even boiled eggs. Bihira ka lang makakita ng ganto outside Korea so this is a must try food."

Pagkatapos nilang makuntento sa pagkain ng Twigim, agad naman hinila ni Alyssa si Mika sa isang pagkain na nakakuha ng atensyon nya.

"Odeng," sabi ni Mika

"Odeng," ulit ni Alyssa at tumingin kay Mika na para bang nagtatanong kung tama ang sinabi nya at tumango naman ito.

"Yup. It's fishcakes on a skewer and if you are spice- or meat-shy, then this is your street-eat saviour." saad ni Mika at kumuha ng isang stick at binigay yun kay Alyssa. "Soft and smooth fishcake yan tas shape nya either elongated or flat and folded over tas yang skewers jutting from steaming vats of broth." sabi ni Mika at kumuha ng isang maliit na bowl at inabot ulit ito sa kanya."Yung soup nito ay seafood and spring onion-infused broth na sabi ng Koreans nakaka-cure ng hangovers. Sikat 'tong kainin sa winter at maraming Koreans ang kumakain nito along with soju. Naalala mo yung soju? Yung nilaklak mo nung nakaraan."

"Grabe yung nilaklak." natatawang sabi ni Alyssa. "Hindi ko naman naubos yun saka hindi nnaman kasi ako aware na matapang pala yung soju."

"Pero ang point nilaklak mo pa din." nang-aasar na sabi ni Mika at sya din ay kumuha na rin ng sarili nyang pagkain. Pagkatapos nilangkumain at magbayad, lumipat sila sa sunod na stall.

"Pajeon a.k.a. pancakes. Last na 'to kasi mabigat talaga 'to sa tyan." sabi ni Mika at tumago si Alyssa. "May two kinds ne'to. Yung plain version is stuffed with leeks and green onions tapos yung haemul pajeon ay yung type ng pancakes na filled with squids at minsan prawns or mussels na fri-ny sa butter." saad ni Mika at kumuha ng share nila ng pagkain na umuusok pa. "Mas okay 'to kainin right out of the pan."

"Take out tayo ne'to. Bigyan natin sila Mama." sabi ni Alyssa at kinakagtan ng malaki ang pajeon.

"Mama?" tanong ni Mika

"Oo. Mama mo." saad ni Alyssa

"Ahh. Sige. Favorite din nila 'to eh." sabi ni Mika. "Buti hindi ka mapili sa pagkain."

"Ha, food is life!" ani ni Alyssa ng nakangiti.

"I mean, syempre athlete ka so dapat you watch what you eat." saad ni Mika at akmang mag-jo-joke si Alyssa. "Don't." pigil ni Mika at napa-pout si Alyssa.

"Bakasyon ko naman eh. So time out muna sa ganun at eat till you have stomach ache!" masiglang sabi ni Alyssa at patuloy na kumain.

"Kelan ka pala uuwi sa Pinas?"

"Bakit pinapauwi mo na ba ako?"

"Pag-oo, uuwi ka?"

"Hindi." nakangising sagot ni Alyssa. "May eleven days pa tayo para hanapin si Miss A."

"Desidido ka talaga ah." saad ni Mika

"Eyes on the goal kaya ako lagi." sabi ni Alyssa at kumuha ng bagong order ng pajeon. "San tayo next?" saad nito

"Di ka pa ba busog?" natatawang sabi ni Mika.

"May space pa para sa isa pang klase ng food." sagot ni Alyssa at saka muling tiningnan ang paligid sa maaring makapukaw ng kanyang atensyon. "Ayun! Dun tayo." aya ni Alyssa at hinila si Mika sa panibagong stall.

Buong araw silang umikot sa lugar na yun para kumain lang ng kumain at habang napupuno ang kanilang mga tyan. Unti-unti nilang nakakalimutan kung bakit sila nandirito.




1708171189

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon