A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat.
-----
'Sa isang parke na madalang puntahan ng iba, andito ulit ako nakaupo sa isang bangkong mas matanda pa sa'tin. Pero di tulad ng nakagawian, ako'y mag-isa. Mag-isang tinatanaw ang mga batang naglalaro sa damuhan habang ang mga magulang nila'y nakamasid sa di kalayuan. Ang mga punong humuhuni kasabay ng hangin at ibong may sariling awit. Mahal, miss na miss na kita. Tara na't tanawin natin silang lahat mula sa bangkong ito.'
-
"Ang ganda pala dito." sabi ni Alyssa habang pinagmamasdan ang paligid
"Lagi mo yang sinasabi." puna ni Mika. "Halos lahat ata ng puntahan natin ganyan sinasabi mo."
"Totoo naman kasi." sabi ni Alyssa. "Pag nakakakita ako ng ganto it makes me realize na, wow. Ang ganda talaga ng mundo." ani ni Alyssa. "Kahit etong portion pa lang na'to ang nakikita ko." dagdag pa nito ng nakangiti.
Napangiti na lang din si Mika bago sila naupo sa isang bench.
"Napaka-relaxing dito." sabi ni Alyssa. "Madalas ka din ba dito?" tanong ni Alyssa at tumango si Mika.
"Halos araw-araw dati." sagot ni Mika habang nakatanaw sa malayo.
"Dati? Bakit ngayon?"
"Hindi na."
"Bakit?"
"Basta."
"Heh. Gaya-gaya." sabi ni Alyssa at napatawa si Mika
"Wala na kasi akong time pumunta dito." saad ni Mika at napatingin si Alyssa sa kanya. "Busy sa life kaya ngayon lang ulit."
"Ga'no katagal ka na nung huli kang pumunta dito?"
"Hmmm. Three years ago."
"Kung three years ago then nakita mo din si Miss A dito!" sabi ni Alyssa na sobrang saya na syang nagpangiti kay Mika.
"Ang galing di ba? Isipin mo yun. Yung hinahanap natin ngayon nakita o nakasabay ko na pala noon. Parang nakasalubong mo na pala yung taong mamahalin mo ng higit pa sa buhay mo." sabi ni Mika at lumingon upang tingnan si Alyssa. Ngunit, di tulad kanina, ngayon wala na itong expression.
"Ang hopeless romantic mo pala." sabi ni Alyssa saka tumawa ng malakas.
Biglang tumayo si Mika at napatigil sa pagtawa si Alyssa. Biglang nilahad ni Mika ang kamay para tulungan si Alyssa na tumayo at dinala nya ito sa parte ng park na may katamtamang laki na lake.
"Dito naniniwala ang mga tao na when you could skip stones five times sa lake na 'to you could make a wish at magkakatotoo yung wish mo." paliwanag ni Mika at lumingon sya upang tingnan si Alyssa na tinitingnan sya ng may paghihinala. "Totoo yun. Mukha ba akong nagjojoke?" tanong ni Mika bago sya nag-wacky pose dahilan para mapatawa si Alyssa. "Dali na. Do it." utos ni Mika.
"May winish ka na bang natupad dito?"
"Oo."
"Yun ay?"
"Maging masaya ang mga taong mahal ko." sabi ni Mika na may halong saya at lungkot sa boses
Dali-dali namang kumuha ng bato si Alyssa at nagsimulang subukan na magawa ang five stone skips.Nakaraming ulit si Alyssa at madalas tatlo o kaya apat na skip ng bato lang ang nagagawa nya.
"Nagkaboyfriend ka na ba?" tanong ni Mika at tiningnan sya ng nakakaloko ni Alyssa. "Ano? Pag ikaw nagtanong ng kung ano-ano okay lang?"
BINABASA MO ANG
17
FanfictionIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...