Mika POV
Drunk.
Ang pinaka-aayaw ko sa lahat ang mag-alaga ng lasing
Ang mabahong amoy ng alak at ang tendency na sumuka at alagaan sila dahil sa wala na silang lakas para gawin yun sa sarili ang dahilan kung bakit ayaw ko mag-alala ng lasing.
Pero heto ako at inaalagaan ang taong ito kahit na sinukahan nya ako. Kahit ang nakakasulasok ang amoy ng suka at alcohol ay di ko nagawang magalit.
"Kimmy, mag-usap tayo." sabi ni Mika pagkapasok na pagkapasok nya ng Private Room pagkatapos nya magbihis.
"Kung tungkol 'to sa pag-inom ni Ly--" sabi ni Kim pero pinutol sya ni Mika
"Hindi yun. Mukhang kaya nya naman kaso nabigla din siguro sya dahil matapang ang soju." sabi ni Mika at at sinipat kung ayos lang ang natutulog na Alyssa sa sofa sa sobrang kalasingan.
"True. Nakakailang bote nga kami ng alak dati pero never sya na-knock out ng ganyan." sabi ni Kim
Napabuntong hininga na lang si Mika habang inaayos ang posisyon ni Alyssa sa sofa.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin tungkol dun sa sulat?" tanong ni Mika
"Hindi ko naman akalain na mahahanap ka nya eh." saad ni Kim at nilagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang baba. "Yun nga nakakapagtaka eh. Pano ka nya nahanap eh di ba wala namang address yung sulat mo kay Wafs?"
"May picture." sabi ni Mika na nakakuha ng atensyon ni Kim. "May picture ako dun sa box."
"Hindi nya nabanggit yung tungkol sa picture." saad ni Kim. "Baka si Wafs ang naglagay."
"Baka, pero hindi naman siguro sino man hindi mag-a-akala na may hahanap sa'kin dahil sa mga sulat ko." sabi ni Mika at tumango si Kim
"So anong plano mo? Sasabihin mo ba na ikaw yung sumulat?" tanong ni Kim at napabuntong hininga si Mika.
"Hindi ko alam. Bahala na." saad ni Mika
"Ye, andun na yung cab." sabi ni Cha at tumango si Mika bago nya buhatin si Alyssa. "Tulungan ka na namin, Ye." alok ni Cha pero umiling lang si Mika
"Okay lang, Ate. Kaya ko po." saad ni Mika at kinarga si Alyssa papunta sa cab.
At alam mo hindi ko talaga maintindihan kung panong hindi ako nagalit sayo ng gabi na yun.
Kahit na yung sinukahan mo ako not once, but twice.
You were so drunk na pag dating natin sa inn mo I had to lift you to the bathroom para makapagsuka ka.
Yung tipong ang lapit na natin sa banyo sakin ka pa din sumuka.
I didn't even knew kung bakit kahit ganun I even choose to stay at siguraduhin na kada suka mo matutulungan kita.
At hindi ko man lang nagawang umidlip thinking na baka kailanganin mo sumuka.
Hay, Alyssa Valdez anong ginagawa mo ba sa'kin?
Mali ata na pumayag akong samahan ka hanapin si Miss A.
1708180450

BINABASA MO ANG
17
Hayran KurguIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...