Epilogue

1.9K 57 25
                                    

Author's Note: May nabasa ako na pag may prolgue dapat daw may epilogue so here you go.

And no. Wala pa din akong idea kung may sunod pa 'to. Heheh.

---

Nabalot ng katahimikan ang taxi na kanilang sinasakyan kahit kanina pa sila nakasakay dito.

Nakaupo si Ara at Alyssa sa likod, si Ara sa likod ng driver at si Alyssa ang nasa kanan nito. Pinili naman ni Mika na umupo sa unahan, katabi ng driver.

"Dito ka din pala nag-college Ara." saad ni Alyssa at tumango si Ara

"Yeah. Kami nila Kim magkakasama sa isang team." ani ni Ara.

"So marunong ka mag-Korean?" taong ni Alyssa

"Hangul?" paglilinaw ni Ara at tumango si Alyssa. "Oo naman dito talaga ako nag-college. Yun yung team na magkakasama kaming tatlo ni Mika, ako at si Kim. Di ba nasabi ni Wafs sa'yo yun?" nagtatakang saad ni Ara at umiling si Alyssa.

"Sayang. Dapat pala nagpaturo ako mag-Hangul sa'yo bago ako pumunta dito. Ang hirap paghindi ka familiar sa lenggwahe." ani ni Alyssa na parang batang nanghihinayang kaya natawa si Ara.

"Aww. Wawa naman ang baby." panunukso ni Ara at napa-pout si Alyssa na lalo nitong kinatawa bago binaling ang tingin sa labas ng sasakyan."Madami na din pala nagbago dito." saad ni Ara

"Ngayon ka lang ba ulit nakapunta dito?" ani ni Alyssa at tumango naman si Ara

"Five years na din nung umalis ako dito." simpleng saad ni Ara.

"Ohhh. Tagal na pala." saad ni Alyssa. "Edi alam mo din pala yung fireworks sa amusement park?" tanong ni Alyssa at tumango si Ara.

"Now that you've mentioned it parang gusto ko ulit puntahan yun." saad ni Ara at bigla namang na excite si Alyssa. Kinuha ito ang kanang kamay ni Ara.

"Sige. Sige tara." nagagalak na sabi ni Alyssa at tumango naman si Ara. "Huh?" nagtatakang tanong ni Alyssa kaya napakunot ng noo si Ara sa kanya.

"Bakit Ly?" tanong ni Ara at sinundan naman nya ang tingin ni Alyssa sa kanang kamay nya.

"Bat wala kang suot na wedding ring?" tanong ni Alyssa kaya napatingin si Mika sa rearview mirror ng taxi.

Dito nakita ni Mika na bahagyang may mapait na ngiti si Ara sa kanyang labi habang dahan-dahang nyang kinuha ang kanyang kamay na hawak ni Alyssa, saka tinakpan ng kaliwang kamay nito ang kanan nyang kamay. Saglit itong napatingin sa kanya bago muling binaling ang tingin sa labas ng sasakyan.

"May problema ba kayo ni --" tanong ni Alyssa na hindi natuloy nung nagsalita si Ara.

"Ano nga palang ginagawa mo dito sa Korea, Ly?" tanong ni Ara at tumingin kay Alyssa.

"Ha? Ano. Dito ako nagbakasyon." ani ni Alyssa na medyo balisa.

"Akala ko sa Paris or sa Thailand ka pupunta." ani ni Ara ng nakangiti. "I didn't even think na magbabakasyon ka." saad ni Ara na bahagyang natatawa.

"Ayaw ko naman talaga eh. Kaso I found a reason I could put it in good use." ani ni Alyssa ng may ubod na tamis na ngiti.

"Which is?" tanong ni Ara

"May hinahanap kasi ako dito." saad ni Alyssa. "Tao. At hindi sya wanted ah. Mamaya mamilosopo ka dyan." dagdag ni Alyssa at pinilit na hindi matawa ni Ara

"Nahanap mo naman ba sya?" tanong ni Ara at tumango naman si Alyssa na mas matamis ang ngiti sa labi.

"E ikaw? Di ba dapat diretso ka na sa Pilipinas?" tanong ni Alyssa. "Nagulat ako nung tumawag si Coach at nagsabi na sunduin kita kasi nag-detour ka dito."

"May kailangan lang kasi ako kausapin dito." saad ni Ara saka binaling ang tingin sa rearview mirror ng sasakyan na matatanaw ng bahagya si Mika.

"Ohh. Sobrang importante siguro yun para mag-detour ka ng bigla." sabi ni Alyssa at tumango si Ara

"Sobra."

"Kaibigan?"

"No." simpleng saad ni Ara. "It's someone I last saw five years ago." dagdag nito

At napatingin si Mika sa rearview mirror na dahilan para magtama ang kanilang mga mata at unti-unting sumilay sa labi ni Ara ang tuwa.

"Pwede ko din ba sya makilala?" tanong ni Alyssa

"Gusto mo ba?" tanong ni Ara at tumango si Alyssa. "Then ipapakilala ko sya sa'yo soon."


1709050695

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon