A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat
-----
'Sa lahat ng laro sa amusement park na malapit sa border ng Cheonan, Rifle shooting booth ang madalas nating puntahan. Sa dalas natin dun, parehas nating hindi alam kung tayo nga ba o ang may-ari ang talo sa ilang beses nating subukang manalo ng kahit ano sa papremyo. Pero liban sa papremyo, ikaw at ako lamang ang hinihingi kong kapalit. Na di tulad ng pera natin sa bulsa hindi maubos ang bala ng rifle at ang araw na pagsasamahan natin.
Heto ako muli sa rifle shooting booth, pero di tulad ng mga araw na kasama kita. Ako na lang ang muli pang sumusubok na makuha ang papremyo nila.'
-
"Wow!" yun lamang ang nasabi ni Alyssa ng makita ang lugar na nasa sulat. "Ang ganda pala dito." dagdag ni Alyssa at nilibot ang tingin sa lugar.
"Ngayon ka lang ba nakapunta sa amusement park?" saad ni Mika na walang ganang sumusunod sa kanya.
"Amusement park dito, hindi pa kaya yoohoo!" sabi ni Alyssa at hinila ang braso ni Mika. "San dito yung hunted house?" tanong ni Alyssa at sinipat ang lugar.
Hindi mabilang na rides, hunted house at kung ano ano pang pwedeng puntahan sa amusement park ang pinuntahan nilang dalawa. Nang malapit ng lumubog ang araw, senyales na matatapos na ang araw ay nakakita si Alyssa ng isang rifle shooting booth.
"Dun! Dun tayo!" sabi ni Alyssa at hinila si Mika papunta sa booth. "Hello," bati ni Alyssa sa crew sa booth at nagbow pa ito. "Igeon...Igeon..."
"Hindi ka ba marunong mag-Korean?" tanong ni Mika at umiling si Alyssa ng may konting ngiti sa labi
"Konti lang. Yung madalas ko lang marinig sa mga KDrama. Yung saranghae, johahae. kamsahamida. Oppa! Unnie! Mga ganun." natutuwang sabi ni Alyssa at nagpipigil na ngiting napailing si Mika.
"Pano mo ako nahanap kung hindi ka marunong?" tanong ni Mika na nagpipigil pa din ng ngiti.
"Pinakita ko picture mo tas sabi ko 이 사람 (This person.)" saad ni Alyssa at umakto na parang may hinahanap. "어디에 (Where?)" dadagdag nito at saka nagaktong lumalakad. "Tas yun naintindihan nila na tinatanong ko kung sa'n ka nagpunta." inosenteng sabi ni Mika at tuluyan ng napangiti si Mika at humarap sa crew ng booth.
"삼촌, 총알주세요(Uncle, please hand me the bullets)." sabi ni Mika at binigyan sila ng mga bala para sa baril "Marunong ka ba neto?" tanong ni Mika at umiling si Alyssa.
"Try ko pa din." sabi ni Alyssa at nagsimula na syang bumaril ngunit di nagtatama ang mga ito hanggang sa naubusan na sya ng bala. "Aww."
"Anong gusto mo?" tanong ni Mika kay Alyssa at kinuha ang rifle sa kamay nya.
"Pagsinabi ko ba you're going to win that prize for me?" nakangiting sabi ni Alyssa at tumango si Mika. "Wow. Ganun ka ka-confident?" gulat at namamanghang tanong ni Alyssa
"Oo nga. Kaya dali na." utos ni Mika at masayang tinuro ni Alyssa ang isang stuff toy. "Yung unicorn?"
"Oo. Gusto ko yun parang si Agnes sa Despicable me." saad ni Alyssa. "It's so fluffy I'm gonna dieeee." gaya ni Alyssa kay Agnes at natawa naman si Mika.
"삼촌, 총알주세요 (Uncle, please hand me the bullets)." sabi ni Mika at binigyan sila ulit ng mga bala para sa baril. "Watch." sabi ni Mika at nasimula ng pumesto para bumaril.
Isang bala pa lang ang napakawalan nya at tumama na agad iyon sa target, di kalaunan naka-perfect score si Mika dahilan para makuha ni Alyssa ang gusto nyang stuff toy.
"Wow! Ibang klase ka! Ang galing mo!" papuri ni Alyssa kay Mika habang naglalakad sila papalayo sa rifle shooting both at yakap-yakap ni Alyssa ang unicorn stufftoy.
Nagpipigil ng ngiti namang tumingin si Mika sa kanya."Wala lang yun. Yan kasi madalas na laro ko dito."
"Ohh~ Parehas kayo ni Miss A." sabi ni Alyssa at biglang tumigil sa paglakad si Mika
"Hamak na mas magaling ako dun 'no. Hindi mo ba nakita skills ko?" sabi ni Mika na tipong nainis sa sinabi nya
"Sigurado akong mas magaling ka dun." sabi ni Alyssa at bumalik sa kinaroroonan ni Mika sabay itinaas ang malaking unicorn stuff toy nya. "Eto oh. Proof!" sabi ni Alyssa ng nakangiti at unti-unti napangiti din si Mika.
"Tara upo muna tayo dun. Magsisimula na yung fireworks display." sabi ni Mika
"May fireworks display dito?" tanong ni Alyssa at tumango si Mika
"Oo. Every Friday night may fireworks display dito. Saglit lang naman mga 2 minutes." saad ni Mika at pagkaupong pagkaupo nila sa isang bench sa amusement park.
Di rin nagtagal at nagsimula na ang fireworks display at kinuha ni Alyssa ang phone para i-video ito. Pagkatapos na pagkatapos tumingin sya kay Mika na nakatingin din pala sa kanya.
"Thank you." sambit ni Alyssa kay Mika ngunit lumihis lang ito ng tingin sa kanya
"Tara, kain na tayo ng hapunan." sabi ni Mika at inaya sya sa isang restaurant.
Si Mika ang nag-order ng pagkain dahil konti lang din ang alam na Korean ni Alyssa. Pagkatapos inalok ni Mika si Alyssa ihatid sa inn na tinutuluyan nito. Tatanggi sana si Alyssa pero naglakad na si Mika bago pa sya makapagsalita.
Pagkasakay nila ng bus, naupo sa tabi ng bintana si Alyssa at katabi naman nya si Mika sa kanan nito.
"Ang saya ng araw na'to. Thank you." sabi ni Alyssa at tumingin kay Mika
"So pa'no mo pala ulit hahanapin si Miss A dito?" tanong ni Mika
"Sabi sa sulat dito sila pumupunta dati pag weekday since konti lang ang tao."
"Alam ko binasa ko lahat yun kahapon."
"Wow. Nabasa mo lahat yun?" saad ni Alyssa pero tiningnan lang sya ni Mika.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko." ani ni Mika.
"Oo nga pala nagtatanong ka. Hehehe. Ano kasi kahit konti lang ang tao medyo...mahirap syang hanapin dito." sabi ni Alyssa at napakagat ng labi bago ngumiti.
"Gusto mo lang pumunta dun, tama?" sabi ni Mika at ngumisi si Alyssa na para bang bata na nabuko sa kalokohan nya.
"Hindi ka ba nag-enjoy?" tanong ni Alyssa. Ngunit bago pa sumagot si Mika ay tumunog ang kanyang cell phone.
"Hello, Cienne." saad ni Mika. "Andito ako sa bus pauwi bakit?" sabi nya. "Ha? Ngayon? Hindi 'to yung mga-" tila banta na sabi nito."Oo na. Sige. See you." sabi ni Mika at binaba ang tawag.
"Sino yun?" tanong ni Alyssa at napatingin si Mika sa kanya.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong ni Mika at umiling si Alyssa. "Since andito ka sa Korea, dapat ma experience mo din yun." sabi ni Mika.
"Ang alin?" tanong ni Alyssa at tiningnan sya ni Mika
"Ang mag-club."
1708151123

BINABASA MO ANG
17
أدب الهواةIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...