Nine

1.1K 48 58
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isasa part ng mga sulat
---

'I am 20 something years old looking like 10, thinking like 8, and acting like 1. Yan ang madalas mong sabihin para i-justify ang pagiging iyakin at pagiging isip bata mo. Na forever young ka, and with that, forever really exists but not in the form of people staying and being madly in love with each other.'

-

"This is H." saad ni Mika at tinuro ang lettrang H. "Then this is A then this one's N. So basically this is HAN." saad ni Mika at saka kumuha ng bagong tsitsirya. "Heto anong basa dito."

"H, to. Then E then O...NG." basa ni Alyssa. "Heong."

"Great. Fast learner ka pala ah." bati ni Mika kay Alyssa.

"Thank you." sabi ni Alyssa said at nagpatuloy sila na maglakad. "Thank you din pala kahapon." saad ni Alyssa at tanging hum lang ang sagot ni Mika.

"Pero sa susunod kasi matutong makinig." ani ni Mika na may halong pang-aasar

"Kelan pala balik nila Mikole sa trip nila?" tanong ni Alyssa

"Three days yun so the day after tomorrow." sagot ni Mika.

"Sakto pala na alis ko nun." saad ni Alyssa at parehas silang natahimik ni Mika. "Ikaw pala?" tanong ni Alyssa

"Anong ako?" tanong ni Mika pabalik

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni Alyssa at hindi umimik si Mika. "Tinanong mo ako nun sa lake—"

"Nope. Wala. No boyfriend since birth ako." ani ni Mika at tumingin kay Alyssa. "Girlfriend lang."

"Weh?" gulat na sabi ni Alyssa

"Joke." sabi ni Mika at tumawa ng malakas kaya nakatikim sya palo ni Alyssa sa braso. "Aray."

"Alam mo puro ka joke kahit seryoso yung usapan kaya ang hirap mo kausapin." ani ni Alyssa

"Ahhh. Kaya nya ako siguro di sineryoso." sabi ni Mika na may lungkot sa boses nito na dahilan para mapatingin si Alyssa sa kanya ng may pag-aalala. "Joke." ani ni Mika na may halong tawa kaya pinalo sya ng malakas ni Alyssa at napasigaw ito sa sakin. "Aray!" sigaw ni Mika at saka hinimas ang braso na namumula sa lakas ng palo ni Alyssa.

Biglang umalis si Alyssa at naglayo papalayo at hinabol naman sya agad ni Mika.

"Nako! Nako! Buti na lang maganda..." pagpaprinig na ani ni Mika ng may ngiti sa labi pero sinamaan sya ng tingnin ni Alyssa. "Maganda yung view. Tara picture!"

"Maganda. Etong shelves ng pagkain?"

"Oo. This is heaven kaya." saad ni Mika saka kinuha ang phone mula sa bulsa at saka umakbay kay Alyssa na pilit namang tinatanggal nito pero higit pa sya ni Mika papalapit sa kanya. "Smile!" ani ni Mika pero nakatingin lang si Alyssa sa malayo habang nakasimangot.

At habang naglalakad, ni hindi man lang tumingin si Alyssa kay Mika.

"Galit ka?" tanong ni Mika at di sya inimiik ni Alyssa kaya napabuntong hininga si Mika. "Sorry na."

"20 questions tayo. No filtered questions and answers." ani ni Alyssa na nakatingin ng diretso kay Mika.

"Naggagalit-galitan ka lang ata para mahirit mo yan eh." sabi ni Mika pero akmang aalis si Alyssa at pinigilan nya ito at hinawakan sa braso "Okay. Pero 10 questions na lang. Tag-10 tayo." ani ni Mika at tumango naman si Alyssa. "Ikaw na mauna."

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon