Five

1.2K 40 18
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat

-----

'Kumakalam na sikmura at ang tanging panawid gutom ay cup noodles dahil parehas tayo na di marunong magluto. Ngunit ngayon, mahal iba na. Marunong na akong magluto. Kaya na kitang ipagluto ng kahit anong gusto mo. Kaya mahal, umuwi ka na, nakahain na ang panawid gutom natin.'

-

Pumunta si Alyssa sa grocery pagkatapos nyang maisipan na magluto para kay Mika. Gusto nya man lang makabaw sa lahat ng gulo na dinala nya at dalhan ito ng makakain na niluto nya. Habang naglalakad sa meat section ay may pamilyar na babae syang nakita sa di kalayuan. Matangkad na maputing babae na may maikling itim na buhok.

"Si Mika." saad nya sa sarili

At tila naramdaman ng babae ang presensya nya't napatingin sa kanyang gawi at mabilis syang nagtago sa isang food idle. Saka nya lang napansin na may mga nakatingin sa kanyang ng mga tao dahil sa biglang dating nya sa aisle na yun at nagpatay malisya na lang sya habang nagkukunwaring tinitingnan ang presyo ng delata sa isang shelve ng aisle na iyon.

Ng masigurado na walang nakatingin sa kanya ay palihim nyang tiningnan kung andun pa rin si Mika habang kumakabog ang dibdib, at tama sya. Wala itong dalang cart habang tumitingin ng karne at tila naramdaman ulit nito ang kanyang presensya muli itong napalingon sa pwesto nya.

Mabilis syang lumakad papalayo kay Mika patungo sa isa pang aisle. Dahil sa di inaasahang makikita ni Alyssa si Mika dito at sa ginawa nya kahapon, kasama pa na mukhang nakita din sya nito, ay napagdsesyunan na lang nyang umuwi na lang. Dahan-dahan nyang iniwan nya ang cart na dala sa sulok at muling sinipat si Mika ng mapagtanto na wala na ito doon.

"Bakit mo ako pinagtataguan?" tanong ng isang pamilyar na boses na nakapagpagulat sa kanya.

Maingat syang tumalikod para tingnan kung kaninong boses iyon at nakita nya si Mika na nakatigin sa kanya ng mga tatlong hakbang lang ang layo. "H-Hindi ah." pagtanggi ni Alyssa

"Talaga?" tanong ni Mika at agad namang tumango si Alyssa. "Eh anong ginagawa mo dito?" dagdag nito.

"Bumibili." agarang sagot ni Alyssa

"Ng diaper?" nagtatakang tanong ni Mika

Nilibot ni Alyssa ang mata at saka nya lang napagtanto na nasa diapers section sya ng supermarket.

"Oo! Para sa..." nilibot ni Alyssa ang paningin at nakakita ng ina na may baby na karga sa di kaayuan. "Baby. Para sa baby ng katabi kong inn. May baby dun at naubusan sila ng diaper so nag-volunteer ako bumili."

Walang imik na tinititigan lang sya ni Mika at humakbang papalapit sa kanya ngunit naisin man umatras ni Alyssa papalayo ay hindi nya magagawa ng dahil sa nasa dulo sya ng aisle at ang nasalikod nya ang shelves ng mga diaper at isang stand na bukod pero diaper din ang nakalagay. Napapikit si Alyssa ng itinaas ni Mika ang kanyang kanang kamay.

"Heto." sabi ni Mika at namulat si Alyssa at nakita na may hawak na diaper si Mika. "Eto yung naaalala kong laging binibili ni Mama dati nung kay Mikole." dagdag nito at inabot ang isang balot ng diaper kay Alyssa. "Hindi ba same na brand? Eto yung alam kong mabenta dito eh."

"Hindi. Ano, eto nga yun kaya nga andito ako sa part na 'to." sabi ni Alyssa at nag-aalangan namang kinuha ang diaper mula sa kamay ni Mika. "Salamat." mahinang sagot ni Alyssa at tininingnan si Mika na nakatingin din sa kanya.

"Yan lang ba bibilhin mo?" tanong ni Mika

"Ha? Ah. Oo. Eto lang. Salamat ulit." sabi ni Alyssa at sumingit para malagpasan si Mika saka nagmamadaling umalis.

"Teka." sabi ni Mika at napatigil si Alyssa sa paglalakad, umuikot si Alyssa upang harapin si Mika na papalapit na sa kanya. "Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong ni Mika

"H-Hindi. About dun sa-" naputol ang sasabihin ni Alyssa ng magsalita bigla si Mika

"Good." sabi ni Mika. "Bukas na natin ituloy ang paghahanap kay Miss A." saad nito at saka umalis ni hindi man lang hinayaan si Alyssa na humingi ng dispensa o magpasalamat man lang.

"Teka lang." sabi ni Alyssa at napahinto si Mika't lumingon pabalik sa kanya. "Kumain ka na ba?" tanong ni Alyssa.. "Gusto mo bang magdinner? Magluluto ako." dagdag ni Alyssa.

Ngumiti ng bahagya si Mika. "Gamit ang diaper?" natatawang sabi nito at magpapaliwang sana sya ng magsalita si Mika ulit. "Dinner sounds good. 7pm?" sabi nito at tumango si Alyssa bago ito nagsimula ulit naglakad paalis

Napangiti ng lubos si Alyssa na napapayag nya ito. "Ano nga palang lulutin ko?" tanong nya sa sarili at unti-unting nawala ang ngiti nya. "Kailangan ko na pala mamili agad." sabi nya at dali daling ibinalik ang diaper sa shelves at kinuha ang cart na iniwan nya at namili ng lulutuin nya ng gabing iyon.

~~~

"Magaling ka pala magluto." sabi ni Mika at saka kumain.

"Parang adobo lang eh." sabi ni Alyssa saka sumubo ulit.

"Yun nga eh. Adobo lang pero masarap na." puri ni Mika at kumain ulit

"Salamat." sabi ni Alyssa, na medyo nahihiya dahil ang luto nyo lang ay adobo bilang hapunan nila.

"Ngayon lang ulit ako nakakain ng adobo." sabi ni Mika

"Oh? Bakit?" tanong ni Alyssa

"Well, bihira lang din kasi Pinoy dito. Saka si Mama madalas Korean food ang luto gawa ng food house namin." kwento ni Mika. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Mika sa nakatulala't nakangiting si Alyssa.

"Wala. Ngayon ka lang kasi nagkwento." sabi ni Alyssa na nakapagpatawa kay Mika. "Oh! Tumawa ka!"

"Ang weird mo." sabi ni Mika na nagpipigil ng tawa

"Hindi kaya. Di pa kita nakitang tumawa, ngumiti oo pero tumawa hindi." sabi ni Alyssa

"Alam mo. Gutom lang yan. Kumain ka pa." sabi ni Mika at dinagdagan ang pagkain sa plato ni Alyssa.

"Huy! Teka. Busog na ako." reklamo ni Alyssa

"Kumain ka. Ang payat mo kaya kumain ka ng kumain." sabi ni Mika at pinigilan si Alyssa na ibalik yung sobrang pagkain. "Huy! Bad manners yan." sabi ni Mika at tila nakonsensya si Alyssa at sinimulang kumain habang matalim ang tingin kay Mika.

"Pag ako nagsuka..." banta ni Alyssa

"Go, wag lang sa damit ko." sabi ni Mika.

Natigilan si Alyssa sa pagkain at nagsimulang mamula na kinatawa ni Mika

"S-sorry." mahinang bulong ni Alyssa at lalong tumawa si Mika

"Hmm. Tutal kinanta ko yung Good Girl, Bad Girl ng Miss A. It's your turn." sabi ni Mika habang naka-fold ang arms. "I'll forgive you pag-nagperform ka ng Sorry, Sorry ng Super Junior."

"Yun lang pala eh." sabi ni Alyssa at biglang umalis sa kinauupuan at tumayo. Kinuha nya ang cellphone nya at nagpatugtog ng Sorry, Sorry ng Super Junior. "Ready ka na ba?" tanong ni Alyssa na kala mo concert ang gagawin nya. Nakangiting tumango si Mika. "뭐라고? (What did you say?)" sabi ni Alyssa at napatawa si Mika.

"예! (Yes!)" sabi ni Mika pero umaktong parang hindi marinig ni Alyssa ito kaya lalo pang nilakasan ni Mika. "예! (Yes!)" sigaw ni Mika habang natatawa. Saka lang nagsimulang magperform si Alyssa live na para bang member talaga sya ng Super Junior.

At buong gabi nagkwentuhan at nag-asaran silang dalawa na para bang wala ng bukas. At kasama na din dun ang walang kagapuran na sing and dance covers nila ng Kpop groups.





1708151232

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon