Mika POV
Dalawang Taon
Dalawang taon na simula nung maghiwalay tayo pero hanggang ngayon hindi ko parin magawa na kalimutan ka.
Pano ko nga ba makakalimutan ang isang bagay na ayaw ko namang makalimutan?
Iniyak ko na ang lahat ng kaya kong iiyak.
Ininom ko na ang lahat ng alak na pwede kong inumin.
Sinubukan kong makipagdate sa iba pero hindi kita magawang kalimutan.
Dalawang taon pero heto pa din ako mahal ka pa din.
Kaya naisip ko sumusulat ulit sa'yo na para bang ang sulat ay ikaw.
Nagbabakasakali na tulad ko hindi mo din ako makakalimutan.
Na baka sakali ma realize mo na pwede pa nating maayos 'to.
Na baka sakali mahal mo pa din ako.
Pero hindi ko iyon pinadala, bagkus itinago ko ito sa isang kahon na nilagyan ko ng malaking letrang A. Tulad ng nickname mo.
Ara.
Ara, mahal pa din kita.
Kaya ng mabalitaan ko na ikakasal ka na hindi ko alam ang gagawin ko.
Sa huling pagkakataon sinubukan, nagbakasakali ako, na pagnabasa mo ang mga sulat ko sa'yo baka magbago ang isip mo.
Ibinigay ko ang mga sulat ko kay Kim na nakalagay sa isang kahon, kahon na sinadya ko para sa'yo. Umasa akong may babalik na ikaw dito sa Korea pero ang dumating ang isang Kim na tiningnan lang ako at nagsabing.
"Sorry, Ye."
Wala ng nagsalita pagkatapos nun dahil alam na namin pareho.
Hindi kita nabawi sa pamamagitan ng mga sulat ko.
Hindi na kailanman ikaw magiging akin ulit.
Hindi na kailanman magiging tayo.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak na naman dahil sa'yo.
Ara, mahal na mahal kita pero pa'no tayo napunta sa ganito?
1708180276

BINABASA MO ANG
17
FanfictionIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...