Mika POV
Tatlong Taon
Tatlong taon na ng huli akong sumulat sa'yo.
Pagkatapos ko malaman na tinanggap mo ang kahon pero natuloy pa din ang balak mong magpapakasal.
Sinabi ko sa sarili kong kakalimutan na kita.
Wala na eh. Talo na talaga.
Tatlong taon na nung naka-"move on" na ako sa'yo pero para kang multo na bumabalik para guluhin ako.
Akala ko hindi ko na kailanman kailangan balikan ang dating tayo pero nagkamali ako.
Isang araw habang naglalakad ako may lumapit sa'kin na babae.
Kakulay mo.
Kasing pungay ng mga mata mo
Katulad ng boses mo na kay sarap pakinggan
At tulad mo parang bata na hindi mapapatinag na kahit anong awat ang gawin ginagawa pa din ang gusto nya.
At nung nakilala ko sya hindi sya nag-iisa.
Dala nya ang litrato ko na kinuhanan natin nung bago ka umalis.
Umalis dahil parehas nating hindi na alam kung panindigan o dapat nga bang panindigan ang kung anong meron tayo.
Kasama din ng litrato na dala nya ay ang mga sulat na nagpapaalala kung gano kasakit nung iniwan mo ako.
Bakit ko ba kailangan makita ulit ang mga sulat na yun?
Bakit kailangan nyang dalhin at hanapin ang nagsulat nun?
1708190202
![](https://img.wattpad.com/cover/119488838-288-k19294.jpg)
BINABASA MO ANG
17
FanfictionIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...