Prologue

2.5K 68 19
                                    

"Ly, meron ka na bang naisip puntahan?" tanong ng isang may edad na babae sa binibini na nakahiga sa sofa habang gumagamit ng cell phone. Agad namang binaba ng binibini ang kanyang cell phone at saka umayos ng upo para harapin ang nakatayong may edad na babae sa paanan ng sofa.

"Wala pa po Ate Vania eh. Pwede po bang sa susunod na lang ako magbaksyon?" sabi ng binibini sa may edad na babae habang parang bata na nakangiti para hindi mapagalitan

"Hay nako, Ly. Natutuwa ako na mahal mo ang trabaho mo pero hindi ka robot. Kailangan mo ng pahinga. Kaya kilangan mo 'tong bakasyon na 'to." sabi ng may edad na babae ng nakapamewang ngunit nanatiling nakatitig si Alyssa sa kanya na bakas sa itsura neto na wala pa itong balak magplano upang ma-postpone ang bakasyon nya. "Neng, hindi pwedeng i-postpone 'to kaya magdecide ka na kung saan para kung sa ibang bansa mapa-book na natin agad yung flight mo." sabi ni Vania at tanging mahinang tungo lamang ang sagot ni Alyssa bago nagsimula si Vania na unti-unting kunin ang gamit nyang nasa coffee table na nasa harapan ng sofa.

"Aalis ka na, Ate?" tanong ni Alyssa habang tinitingnan si Vania na nilalagay ang mga gamit nya sa maliit nyang bag.

"Oo. Sinigurado ko lang naman na maayos paglipat mo dito." sabi ni Vania at nilagay ang kanyang strap ng bag sa balikat at naglakad papunta sa tapat ng pinto palabas habang nakasunod si Alyssa sa kanya. "Kailangan bago matapos ang araw na 'to may idea ka na kung saan mo gustong pumunta." dagdag nito saka pinihit ang hawakan ng pinto upang makalabas.

"Pero-"

"Walang pero, Ly. Magbabakasyon ka sa ayaw o sa gusto mo." mariin na sabi ni Vania. "I-text mo ako kung may naisip ka na." bilin nito bago ito umalis ng tuluyan at iwan si Alyssa sa loob ng kanyang condo.

Matapos isara ang pinto, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Alyssa.

"At san naman ako pupunta?" tanong ni Alyssa sa sarili bago bumalik sa pagkaupo sa sofa at tumitig sa kawalan.

Saka lang naisipan ni Alyssa na kumilos ng tumunog ang kanyang sikmura. Pumunta sya sa kusina dala ang kanyang cellphone na pinatong nya sa islang counter at saka naghanap ng makakain mula sa refrigerator. Nang makita na kinakailangan nya pang magluto naisipan nyang kunin na lang ang cereals na nasa taas ng cupboards. Isasarado nya na sana ang cupboard pagkakuha nya ng kahon ng cereal ng nahinto sya ng may mapansin syang isang katamtamang kahon sa sulok saka inaabot iyon.

"Ano 'to?" tanong ni Alyssa at inoobserbahan ang kahon na hawak. "Baka sa dating may-ari." sagot ni Alyssa sa sariling tanong at saka iniwan ito sa island counter.

Kumuha sya ng isang bowl , kutsara at saka gatas sa refrigerator at itinimpla ang kanyang pagkain at umupo sa stool na nasa tabi nito. Habang kumakain ay tinititigan nya nag kahon na abot kamay. Kinuha nya ito at muling inobserbahan at saka napansin na may pangalang nakasulat

"A." basa ni Alyssa. "Alphabetical ba 'to? Asan yung iba?" sabi ni Alyssa at muling tiningnan ang cupboard pero wala ng nakalagay doon. Bumalik sya sa kinauupuan nya kanina at patuloy na inoobserbahan ang kahon.

"Ano yan?" isang pamilyar na boses ang nakapagpagulat kay Alyssa dahilan para mabitawan ang kahon na hawak.

"Besh! Bat ka nanggugulat?" sabi ni Alyssa, kanang kamay ang nakalagay sa puso at ang kaliwa naman ay nakahawak sa island counter. Nakatayo si Ella ilang hakbang lang ang layo sa kanya habang nakatingin sa kanya na nagpipigil ng tawa.

"Kanina pa ako kumakatok di ka sumasagot tas bukas yung pinto kaya pumasok na ako." paliwanag ni Ella na nagpipigil pa rin ng tawa. "Delikado yan, Besh ah. Kakalipat mo pa lang kaya wag agad kampante." saad ni Ella sa seryosong tono, malayo sa nagpipiigl ng tawang sya.

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon