Mika POV
Weird.
Andito ulit ako kung san tayo nagpupunta tuwing weekdays.
Amusement park.
Weird.
Kasi naglalaro ulit ako ng shooting game.
Pero hindi ikaw ang kasama.
Weird.
Kasi nagawa kong magalit sa sarili ko nung sinabi ni Ly na parehas kami ni Miss A na mahilig maglaro ng rifle shooting game.
Weird.
Pati yung sa fireworks.
Weird.
Huling beses kong nakita ang fireworks sa lugar na 'to ako lang mag-isa.
Kasama ang papel na sinulatan ko ng ginawa ko sa araw na'to at kung pano ko binalikan ang mga alaala natin sa lugar na'to.
Ngayon, sa di inaasahang pagkakataon nandito ulit ako ngunit hindi na ako mag-isa.
Kasama ko ang isang babae na may hawak ng mga sulat ko para sa'yo.
Nakamasid sya sa langit at tila mahika ang kislap ng kanyang mga mata sa tuwa.
Hindi ko nagawang panoorin ang fireworks display ng gabing iyon, bagkus pinanood ko syang nanonood ng fireworks.
Hindi nakakasawang panoorin at gustong-gusto kong pagmasdan ng matagalan.
"Thank you." sabi nya at saka lang ako natauhan at nilihis ang tingin.
Ara, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Isang pamilyar na ritmong sa iisang tao nya lang nadama.
Na sa'yo ko lang nadama.
Pagkatapos ng limang taon, heto ako muling nadama ito sa isang babaeng wala pang tatlong araw ng una kong nakilala.
Ara, hindi naman siguro ako na in love agad di ba?
Impossible yun di ba?
1708180183
BINABASA MO ANG
17
FanfictionIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...