"Pasensya na late na kami nakarating. Sigurado ang kulit nila Raven." sabi ng Ate ni Mika na si Aereen
"Ayos lang, Ate. Okay naman celebration nyo ng anniversary? Sulit ba two days?" tanong ni Mika
"Oo. Para kaming kakasal lang ulit ." nakangiting saad ni Ate Aereen.
"Yiee. Magiging Kuya na ba agad si Raven?" panunukso ni Mika at akmang papaluin sya ni Ate Aereen ng umiwas ito.
"Pero pasensya na talaga sa abala, Ye." saad ni Ate Aereen.
"Okay nga lang, Ate. Tinulungan naman ako ni Ly eh." sabi ni Mika
"Nako wala naman po akong masyadong tinulong." sabi ni Alyssa
"Maraming salamat talaga, Ly at Ye ha." sabi ni Ate Aereen. "Pasensya na din sa abala lalo na sa'yo, Ly."
"Ayos lang po. Nakakatuwa nga po sila eh." saad ni Alyssa at pinagmasdan ang natutulog na si Raven sa bisig ng Tatay nito.
"Pasabi na lang din kanila Mama na nauna na kami, Ye" ani ni Ate Aereen.
"Sige Ate." sabi ni Mika.
"Oh sige sya. Mauna na kami. Salamat ulit." saad ni Ate Aereen
"Ate Alyssa." naalimpungatan na sabi ni Raven. "May bubulong ako." sabi nito at ibinigay naman ni Alyssa ang tenga at pagkatapos bumulong ni Raven bumalik sya sa pagtulog sa bisig ng Tatay nito.
"Bye mga Ate." paalam ni Ryle pagkasakay nila ng sasakyan nila
"Bye, Ryle." paalam ni Alyssa
Maya-maya pa umalis na din ang sasakyan ng mga ito at pinagmasdan lang nila ito umalis.
"Tara." aya ni Mika at hinawakan ang kamay ni Alyssa.
"Sa'n tayo pupunta?" tanong ni Alyssa saka nya nilagay ang isang kamay sa katawan nya na para bang nagtatakip. "Wag po bata pa po ako."
"Sira." ani ni Mika na natatawa sa kalokohan ni Alyssa. "Tara na kasi." ulit ni Mika at hinila nya si Alyssa na ayaw sumama.
"Sabihin mo muna kung saan." sabi ni Alyssa at hinila ang kamay nya. Napabuntong hininga na lang si Mika bago nya itigil ang paghila kay Alyssa.
"Sa rooftop. May shooting stars daw ngayon." , saad ni Mika at parang bata na tumakbo si Alyssa papasok ng bahay nila Mika.
Natatawang sinundan na lang ni Mika si Alyssa na kanina lang ay ayaw sumama sa kanya.
Pagkarating nya sa rooftop ay nakita nya si Alyssa na nakaupo habang nakatingin sa itim na kalangitan. Sa tabi nya ay isa pang bakanteng upuan.
Tiningnan lang ni Mika si Alyssa sa malayo at tila naramdaman nito ang presensya nya at lumingon ito sa kanya.
"Dali dito ka." aya nito sabay tapik sa bakanteng upuan sa tabi nya. Dali-dali namang sumunod si Mika at tumingin din sa itim na langit na puno ng bituin.
"Hindi pa pala tayo tapos dun sa 10 questions." paalala ni Mika kaya napalingon si Alyssa sa kanya. "Nag-wi-wish ka ba sa shooting star?"

BINABASA MO ANG
17
أدب الهواةIsang kahon na may lamang mga sulat at isang punit na litrato ang nagtulak kay Alyssa na pumunta sa Korea para hanapin ang sumulat ng mga iyon. Kahit hindi sya marunong magsalita ng kanilang lengwahe at wala sya ni isang kakilala. All chapters will...