Eighteen

886 42 2
                                    

Mika POV














Ng makita ko syang hinanghina parang nanlumo din ako.

























































Para bang magkakasakit din ako dahil sa pag-aaalala.










































Hindi ko alam kung anong nagdala sa'kin dito pero inaalagaan ko sya.
















































Isang bagay na hindi ko nagawa sa iba.
























































Kahit sa'yo, Ara.















































"Ma, hindi muna po ako uuwi ngayon." sabi ni Mika

"Ha? Bakit may nangyari ba? Nasaktan ka ba?" nag-aaalalang tanong ng Mama ni Mika.

"Ma, okay lang po ako pero si Ly po kasi may lagnat. Sya lang po mag-isa dito kaya balak ko muna magstay hanggang sa gumaling sya."

"Ah ganun ba. Nako nagbabakasyon pa man din lang sya dito tas nagkasakit pa sya." sabi ng Mama ni Mika. "Gusto mong puntahan kita? Para may kasalitan ka?"

"Hindi na po, Ma. Kaya ko na po 'to. Update ko na lang po kayo kung okay na." sabi ni Mika

"Oh, sige. Mag-ingat ah. Uminom ka din ng gamot agad pag sumama pakiramdam mo." bilin ng Mama ni Mika

"Opo. Sige na po, Ma. Bye." sabi ni Mika

"Oh sige. Bye." sabi ng Mama ni Mika at ibinaba ang tawag.

Lumapit si Mika sa natutulog na Alyssa sa kama nito at nilapit ang likod ng kamay sa noo nito.

"Buti naman hindi ka na gaanong mainit." bulong ni Mika sa sarili at napangiti. "Kasya kaya ako sa sofa?" tanong ni Mika sa sarili habang kamot kamot ang ulo. "Bahala na."


1708180236

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon