Eight

1K 43 24
                                    

A/N: Yung naka-italic at single quote mark ay yung isa sa part ng mga sulat

-----

'Pinakaayaw mong panahon ay Winter. Dahil tuwing Winter hindi ka makatakbo sa aspaltong daan. Tuwing Winter ang mga kasukasuan mo ay nanakit. Pero kahit ayaw mo ng Winter inaabangan mo pa din ang unang pagbagsak ng snow. Kahit ayaw mo ng Winter nagsusuot ka pa din ng makakapal na damit para makalabas at makita ang dating makulay na daan na ngayo'y nababalutan ng puting nyebe.'

-

Maagang tinext ni Mika si Alyssa kung saan yung sunod nilang destinasyon ng makatanggap si Mika ng reply na hindi makakapunta si Alyssa dahil masama ang pakiramdam nito. Dali-daling pumunta si Mika sa tinutuluyan ni Alyssa. Kumatok sya ng ilang beses bago bumukas ang pinto ni Alyssa at bumungad si Alyssa na nakatalukbong ng makapal na pink na kumot mula sa ulo nito na para bang nasa sleeping bag sya.

"Tuloy ka." saad ni Alyssa na halatang sinisipon sa tono ng boses nito.

"Bakit ang lamig dito sa room mo?" agad na napuna ni Mika pagpasok nya ng inn habang tinatanggal nya ang outer jacket nya.

"I think nasira ata yung heater." sabi ni Alyssa saka sya umupo sa sofa.

"Tumawag ka dapat ng mag-a-ayos." saad ni Mika as napailing.

Nilagay ni Mika ang dalang pagkain sa counter top at agad naman nyang chineck ang heater at napagtanto nyang hindi ito naka-set ng maayos kaya mukhang sira yung heater.

"How long have you been staying here?" tanong ni Mika at tiningnan ang nakaupong Alyssa na balot pa rin ng kumot.

"Eleven days." sagot ni Alyssa

"At ganto yung room temp?" tanong ulit ni Mika at tumango si Alyssa. "Trip mo ata talagang mamatay sa lamig eh." sabi ni Mika at sinet ang heater.

"Hindi ko masyadong gets kung ano nakasulat eh. Hindi pulido hangul ko." saad ni Alyssa habang nakangiti na may dalang paawang effect.

"Sige. Tuturuan kita mamaya how to set it pero for now. Kumain ka muna." sabi ni Mika

"You brought food?" sabi ni Alyssa na para bang bata na sinabihang darating si Santa Claus.

"Yes and No." sabi ni Mika at tiningnan sya ni Alyssa ng nagtataka. "Yes kasi I brought sinigang, luto ni Mama." dagdag ni Mika at sinalin sa isang bowl ang sinigang. Bakas naman sa itsura ni Alyssa ang pagkatakam kahit na masama ang pakiramdam nito. "And no, kasi balak ko ipagluto ka ng iba pang pagkain."

"Wag na okay na'tong sinigang." saad ni Alyssa at umiling lang si Mika.

"Okay na yan pero magluluto pa din ako. It's better to serve newly cooked food when you're sick in the middle of Winter." sabi ni Mika at isa-isang nilabas ang mga ingredients na dinala nya sa counter top. "Mabilis lang to. Won't take at least 20 minutes." sabi ni Mika at tinitingnan lang sya ni Alyssa mula sa sofa.

Habang busy si Mika sa pagluluto, nakahiga naman si Alyssa nayakap-yakap ang kumot nya kahit na kanina pa inadjust ni Mika ang heater.

"Hey, okay ka lang dyan?" narinig ni Alyssa na tinanong ni Mika pero wala syang lakas na gumalaw o magsalita man lang. "Wait. Here kumain ka muna kahit subo lang." rinig nyang muli na sabi ni Mika pero mas malapit na ito. Napalingon naman sya at nakitang naka upo na ito sa tabi nya at may dalang lugaw. Kahit nanghihina ay pinilit ni Alyssa na kumain pagkatapos may inabot na gamot si Mika sa kanya.

"Biogesic yan. Mas hiyang ka sigurado dyan since iba ang gamot dito." giit ni Mika saka nya binigyan si Alyssa ng tubig para mainom ng maayos ang gamot.

Hindi na alam ni Alyssa ang sunod na mga nangyari ng biglang nag-black out ang paningin nya. Nagising na lang sya ng may naramdaman syang umupo sa tabi nya. Pagkamulat nya andun si Mika na nakaupo sa gilid ng kama nya at may tray ng pagkain sa malapit na table.

"Sorry kailangan mo kasi kumain dahil it's time for your medicine." sabi ni Mika at nakailang pikit at dilat ang ginawa ni Alyssa bago nya lang napagtanto na nasa kwarto na nya sya.

"Binuhat mo ba ako papunta dito?" tanong ni Alyssa.

"Kumain ka muna dapat bago uminom ng gamot kaya heto pinagluto kita." saad ni Mika

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

"Alam mo, para sa isang may isang sakit ang inggay mo."

"Mika--"

"Fine. Binuhat kita dito kanina nung nawalan ka ng malay." sabi ni Mika habang inaayos ang tray na may pagkain. "Mas makakapagpahinga ka kasi dito kesa sa sofa." dagdag ni Mika at tiningnan sya. "Kain ka na para makainom ka na ng gamot mo."

"Sor—"

"Saka na. Magpagaling ka muna."

Halos buong araw na nasa inn ni Alyssa si Mika at tinutulungan sya sa abot ng makakaya nito habang nagpapagaling mula sa simpleng sipon na naging trangkaso.

~~~

Nagising si Alyssa ng maayos ang pakiramdam, dahandahan syang umupo at pinagmasdan ang paligid.

"Umuwi na siguro sya." saad ni Alyssa sa sarili at tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. "9:23am."

Lumabas sya ng kanyang kwarto para maghanda ng makakain nya ng ang bumungad sa paglabas nya ay si Mika na natutulog na naka-curl sa pagpupumilit na pagkasyahin ang sarili sa maliit na sofa. Kaagad naman syang bumalik ng kwarto at kumuha ng kumot at ikinumot ito kay Mika.

Maingat syang lumapit dito at pinagmasdan ang natutulog nitong itsura.

"Tama nga ako. Maganda ka lalo na pagmalapitan." saad ni Alyssa sa sarili

Pinagpatuloy lang ni Alyssa ang pagmasid sa natutulog na si Mika ng biglang tumunog ang cellphone nito kasabay ng pagmulat ni Mika kaya kaagad syang napatayo.

"A-Ano. K-Kanina pa yung cellphone mo na tumutunog." sabi ni Alyssa at naglakad sya papuntang kusina.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Mika, ng malalim na boses dahil sa kakagising lang nito.

"H-Hindi na. Salamat." saad ni Alyssa. "Sige na sagutin mo na yung tawag."

Tumango si Mika at kinuha ang cellphone na nasa coffee table at pinagmamasdan lang ni Alyssa si Mika na nag-uunat unat pa bago sagutin ang tawag.

"Hello, Ma." rinig ni Alyssa na sabi ni Mika. "Opo pauwi na din po ako." saad ni Mika at tumingin sa kanya kaya dali dali syang kumuha ng tubig sa refrigerator at isinalin yun sa baso at inumin. "Okay na po si Ly. Bumaba na po yung lagnat nya kagabi pa." dagdag ni Mika na may halong hikab. "Sige po. Bye." sabi ni Mika at binabana na yung tawag.

"Si Tita Bhaby ba yan?" tanong ni Alyssa at tumango si Mika. "Nako baka pinagalitan ka dahil sa'kin."

"Hindi okay lang nagpaalam naman ako, pero uwi na muna ako ah." sabi ni Mika at pumunta sa pinto. "Wag ka munang magkikikilos, okay? Para hindi ka mabinat." bilin ni Mika at tumango lang si Alyssa. "Sige. Text mo ako kung may kailangan ka pa, okay?"

"Okay." sabi ni Alyssa at hinatid si Mika sa pinto ngunit bigla itong tumigil at muling humarap sa kanya.

"Punta ulit ako mamaya." saad ni Mika. "Pati sa mga susunod na araw, okay lang?" tanong ni Mika

Napangiti si Alyssa bago sya nagsalita.

"Okay lang."



1708151200

17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon