"Ayyyy!! Andyan na ang crush ko naglalakad palabas ng vegetables garden....."ang impit na tili ni Gold sa kanyang isipan.
She didn't tell anyone about her secret crush. She's a shy girl and she don't want someone to know she have a crush on grade school boy in their campus.
Isa lang nman ang crush nya. Iyong nasa grade five na moreno at malakas ang sex appeal.
Di nman talaga kagwapuhan iyong nasa grade five pero kung sabihin nga ng mga classmates nya ang term na" malakas ang charisma "ay lalo syang na iinlove dito. Makita nya lang ito sa isang araw solve na ang araw nya.
Lalo pa sya nagkacrush dito dahil ang buhok nito ay may kahabaan na hinahawi nito tuwing natatabunan ng buhok ang mga mata nito kapag naglalaro ng basketball na ikinakilig nya pang lalo.
"Hayyyy.. ang gwapo mo talaga Marlon. Kahit may girlfriend ka na ok lang basta crush pa rin kita ever....! Di kita papalitan dito sa puso ko. Kasi nakaukit ka na rito eh."Ang di nya napigilang tili uli.
Grade six na sya nag-umpisang magkaroon ng crush.Masasabing crush ng campus si Marlon dahil marami ditong nagkaka crush na mga estudyante anumang level iyon at isa na nga sya doon.
"Hoy Goldy! Pasok na daw sabi ni ma'am oh. "Ang kalabit sa kanya ng kaklase nyang si Carla.
"Sandali na lang may tinitingnan pa ako,please..? "Ang pakiusap nya na di inaalis ang tingin sa kanyang crush.
Nang makitang paalis na ang crush nya agad syang bumaling rito sabay hila ng kamay nito at excited na pumasok sa loob ng classroom nila. Nakatanga nmang nagpahila na lamang ang kanyang kaklase.
Agad syang napaupo sa pwesto nya pagkapasok. Mag-iisang linggo pa lang ang kanilang klase simula ng mag-umpisa ang pasukan nila.
"Class be good ok? We have a transferee students from private school. So please be friendly. "Ang wika ng teacher nila at di nya akalaing mamimeet nya si SECOND CRUSH ng araw na iyon..
Nang marinig iyon ng mga classmates nya biglang naging parang bubuyog na ang mga ito sa ingay.
"Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila.
Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito kaya madaling magalit.
Maya maya nakita nyang may batang lalaking nakasuot ng brown na slacks pants at checker polo shirt. Mayrong pack bag sa likuran.
Moreno talaga ito at may magandang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito ng batiin ang kanilang teacher. Napatutok agad ang may kaliitan nyang mga mata sa bagong estudyante.
"Ayy malakas ang dating ng bagong salta na transferee "ang sabi nya sa isipan.
Halos malaglag ang puso nya ng ngumiti ito sa kanila at lumabas ang dalawang dimples nito sa pisngi. Napagtantiya nya na crush nya na agad ito. Minuto pa lamang ang nakakalipas ha.
"Oh veges! Dalawa na ang crush ko!. Sino ba talaga ang pinaka crush mo huh puso ko? Si una o si pangalawa? Kasasabi ko lang kanina na faithful ako kay First crush tapos ngayon biglang nagka-crush nako sa kanya minuto pa lamang ang nakalilipas?"Ang nahimutok nyang sabi sa isipan. Dahil di nya maalis-alis ang mata sa bagong crush nya. Tila sya timang na nakatutok rito at di kumikisap ang mga mata.
Ngunit paano nya ba ito ma-i-ignore eh lalo itong gumagwapo sa paningin nya. Hayyy... nalilito na ang puso nyang salawahan.
"Basta isa lang ang masasabi ko. Ikaw ang tunay na crush ni my hearttt.... Ko..."ang nakikilig nyang impit lamang at baka mahalata ng katabi nya.
BINABASA MO ANG
UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)
Teen Fiction#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na sabi ng guro sa kanila. Matanda na ito at medyo mahina ng kumilos saka may alta pression ata ito k...