CHAPTER FOUR

708 24 0
                                    

       Maagang-maaga pa lamang ay pinaglinis na sila ng kanilang adviser sa paligid ng kanilang classroom.
   Nagtanggal sila ng mga ligaw na grass sa bermuda bed sa labas ng classroom. Lahat ay pawang busy sa kakadamo,pagwawalis at paglalagay ng mga naipong basura sa isang lalagyan lamang.
      Napatayo si Gold at nagpahid ng pawis sa kanyang boo dahil namuo ang kanyang pawis doon.        Dahil wala syang dalang pamahid na panyo kamay na lamang ang pinanggamit sa pag-alis ng kanyang mga pawis. Di kasi sya mahilig magdala ng panyo kaya laking gulat nya ng may mag-alok ng malinis na panyo sa kanya.
   "Here take my handkerchief... "ang narinig nyang sabi ng kung sinuman sa kanyang tabi. Napalingon sya sa taong nagsalita at ganoon na lamang ang pagkamangha nya ng mapag-alamang si Silver her crush pala ang nag-aabot ng malinis na panyo para sa pawis nya. Ngunit dahil biglang pinaalala ng isang bahagi ng kanyang isipan na inis nga pala sya rito ay tinanggihan nya iyon.
  "No thanks. "Tangi nya saka napaupo ulit at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Di nya na muling pinagtuunan ng pansin ang lalaki.
"Ang sungit mo nman! Nagmamagandang loob lang nman po ako sayo ngunit tinarayan mo na agad ako. Tsk! Sayang maganda ka pa nman kaso mataray nga lang. "Sabi nito na ikinapantig ng kanyang tainga. Umuusok ang bumbunang napatayo sya at saka hinarap ang nakakairitang lalaki.
  "Hoy Silverado! Ako nga ay tigil tigilan mo huh at baka tatamaan ka na talaga sa akin nyan.!"ang nainis nyang singhal rito.
"Ows? Talaga? Sige nga subukan mo at ng malaman kong pagiging tigasin mo rito? "hamon nito sa kanya na lalong gumatong sa kanyang galit. Tila bigla syang nagsiklab at lumagalablab ng malaki sa galit.
"Aba't loko ito ah..talagang hinahamon ang pagkababae ko--"ang di nya naituloy sa sasabihin pa sana rito dahil sa isang iglap nasa harapan nya na ang lalaki at napakalapit na ng face nito sa kanya na nagpatigagal sa kanya. Tila sya naengkanto na di nakapagsalita sa harap ng lalaki. Paano ba nman ay gadangkal na lamang ang pagitan nito sa mukha nya so paano pa sya makakabwelta ng kanyang galit kung magkalapit ang pagmumukha nilang dalawa?.
  Napasinghap sya bigla ng malanghap ang hininga nitong tumatama na sa kanyang mukha.
"Oh shit! Mahihimatay na ata ako sa lakas ng tambol ng puso ko! Isama pa ang mabangong hininga ng hinayupak na to sa harap ko!"Ang kagat labi nyang usal sa sarili. Kulang na lamang pandiliman sya ng paningin.
"Oh anu na? But di ka na nakatinag o nakapagsalita dyan? Natameme ka na ba dyan Gold?"Ang amused na sabi nito na lalo syang tinitigan ng mariin sa mga mata.
  Dahil sa di malaman ang kanyang gagawin sa sandaling iyon ay pabigla nya na lamang itong tinulak palayo sa kanya.
   Na out of balance ito kaya natimbuwang sa isang kumpol ng mga damo si Silver. Tawanan ang mga classmates nyang nakasaksi ng kanyang ginawa sa lalaki.
  "Naks!.Silver wag kang basta basta lumapit dyan kay Goldilocks dahil walang patawad yan sa mga gwapong gaya natin! "pang-aalaska ng kaklase nyang si Jonathan. Saka tumawa pa ito ng malakas.
"Heh! Magtigil ka dyan Jonathan baka gusto mong ikaw ang sunod kong patatamaan ng walang ensayo kong mga kamay!. "Nandidilat ang matang sabi nya rito.
"Oh ayan na oh.. pinalaki na nito ang mga tsinitang mata nya. Maglalabas na yan ng apoy Silver!"Ang patuloy nitong pang-aasar saka tumawa ng malakas uli na ikinainis nyang lalo.
  "Iyan ngang type ko Jonathan eh iyong tipong suplada ngunit mapapatiklop rin pala sa huli. Baka nga di nya na ako bibitiwan nyan pagka naging kami na!"palatak ni Silver saka nagkipag- apiran pa sa kaklaseng si Jonathan sabay tawanan uli.
  "Hmmmp! Araw nyo ngayon bukas akin nman!! Mga pangit! Ang kakapal ng balat nyong dalawa!"Ang galit nyang turan sa mga ito saka tinalikuran ang mga kolokoy at nagmartsa palayo sa mga ito.
   Inis na inis sya basta sya na ang sangkot. Lalo pa syang nainis ng pagkaisahan at pagtawanan ng mga ito habang nagbubulungan.
  Nakiumpukan sya sa mga kaibigang naglilinis sa likod ng classroom nila. Doon sya nagstay hanggang matapos ang kanilang paglilinis.

UNFORGOTTEN CRUSH(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon